Chapter 5, Title: First Fight

104 6 0
                                    



"Jerk!" I shouted to him before walking away. Mabigat ang bawat pag hakbang ko papalabas ng gym. Kinuha ko ang bag ko bago dumiretso sa restroom. Nagbihis muna ako ng school uniform bago pumunta sa music room nila Mira.


Nakakainis siya! Anong akala niya sa sarili niya? Hindi porket gwapo siya pwede na niyang gawin yun sa isang babae! Hindi ko akalain na ganito siya ka-bastardo! Marami na akong naririnig na hindi siya nakikipag date sa mga babaeng hindi sport sa gusto niya. He would only give them chances if they agreed to end it after the next day. Patas lang ang laro, kaya walang nagrereklamo sa pagiging playboy niya. Yung iba, masaya pa nga dahil pinatulan sila ng isang Zumiere Suarez.


Pero kahit anong rason niya hindi tama yung ginawa niya! Pwede naman niyang i-reject nang mahinahon yung babae at hindi sa marahas na paraan! Pinaghandaan at nag effort yung babae tapos gaganunin niya lang? Hindi madaling mag ipon ng lakas ng loob para umamin sa taong mahal mo. He should learn how to appreciate those people who truly loves him.


"Bakit busangot ang mukha mo? Ayos ka lang?" tanong ni Mira nang makita ako.


"Practice muna tayo." pag-iiba ko sa usapan.


"Anong problema? Mag kwento ka." aniya. Tumingin ako sa kaniya. "You're really mad right now, what happened?" She stated. She really knew me well.


"Practice muna tayo, ikukwento ko sa 'yo mamaya pagkatapos ng performance."


Sinunod niya ang gusto ko at nag-practice kami. Siya pa naman ang unang mag pe-perform. Nung nag umpisa na ay kinabahan ako pero huminahon rin agad dahil hindi naman ako yung kakanta. Mabuti nalang at maganda ang naging kinalabasan ng performance namin.


Hindi nga lang siya yung napili so I comforted her and treat her to a café near to our University. Kinuwento ko sa kaniya ang nangyari at hindi siya makapaniwala pero hindi niya rin nagustohan ang ginawa ko. Pinagalitan niya ako na wag ulitin ang ganun, kahit mabuti pa yung intensyon ko masama paring manakit ng ibang tao. Tama naman siya so I admit my mistake, pero dapat ma-realize rin ng gagong yun ang kasalanan niya! He should apologized to that girl!


Ilang araw rin kaming nag-iwasan ni Zumiere at hindi nagpapansinan. Or more like, ako lang yung umiiwas at hindi siya pinapansin, tapos siya parang walang pakialam sa nangyari at wala lang sa kaniya! Kaya mas lalo akong nainis!


"Napapansin niyo ba ang napapansin ko?" imik ni Ryo. Nasa coffee shop kaming lahat, kasama si Zumiere.


"Amoy away no? Parang may world war 3 na naganap." sakay naman ni Mira. Katabi ko siya, siniko niya ako pero hindi ko siya pinansin.


Tumingin ako kay Zumiere para tingnan ang reaksyon niya pero nakatitig lang siya ng seryoso sa'kin kaya umiwas agad ako ng tingin at sa labas nalang tinuon ang pansin.


Ano ba yan! Dapat galit ako eh, pero feeling ko matutunaw ako sa mga titig niya. Lufena, kayanin mo, hindi ka marupok, hindi ka magpapadala sa mga titig niyang ganyan!


"Ano ba kasing nangyari?" usisa naman ni Megan. Bumulong sa kanya si Mira, nag-tsismisan pa talaga ang dalawa hanggang sa lumapit na rin ang iba para marinig yung nangyari.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon