Chapter 4 : Suitor

18.6K 366 7
                                    

Heaven'z POV

"Venz! Buti you're here na. May sasabihin kami sayo! " tapos tumili na si Flora. Animo nakita nya ang 1D sa reaction nya.

" Oo, Venz. Guess what? " pati tong si Aya, guess what daw! Anu ako, manghuhula?

"Anu? " i snapped. Umagang umaga ganito kaagad ang scenario na maabotan ko dito sa classroom.

"Remember? JK , yung nakilala natin sa club? " tanong ni Flora. Kumunot ang nuo ko.

" Lumipat cya dito sa school just to see you everyday! Ayehhhhh! " ang sakit sa eardrums nitong si Aya. Parang nakalunok ng megaphone.

" Ang sweet diba? Ang swerte mo girl! " sabi ni Flora at ginulo ang buhok ko.

" Ang gwapong si JK ay natamaan sayo hahahaha! Nakakakilig! " tili naman ni Aya at hinampas pa talaga ako. Hay! Ganito talaga ang mga babaeng toh parang mga sira.

" Alam mo bang MVP cya sa school nila? Tapos palagi pang champion ang school nila sa larong basketball! " sabi ni Flora at niyogyog pa talaga ako.

" Tapos ang yaman yaman pa! At ang yummy nya! Ayeeee! " segonda namn ni Aya. Sinondot pa ako sa tagiliran. Sa totoo lang, bakit ko ba naging kaibigan ang mga toh?

" At kissable pa ang lips! " tili ulit ni Flora. Masisiran na yata ako ng utak nito.

" At yung..... "

"Shut up! " putol ko sa sasabihin ni Aya dajil kung hindi ko sila sasawayin hindi sila matatapos sa pagdiscrive sa lalaking sinasabi nila.

Napakunot ang mga nuo ng kaibigan ko at tinitigan ako. Halatang nagulat sila sa ginawa ko.

" Guyz, hindi ko maalala ang lalaking tinutukoy nyo, Okay. At wala akong paki kung sino cya o kung gaano cya ka gwapo, ka hot o ka kissable.!

"Ouch! It hurts, my Heaven! "

Bigla akong napalingon sa likuran ko. OMG! Ang gwapo nya, trulalo! Sino cya? Napatulala ako bigla. Hsst! Kaylan pa nagkaroon ng gwapo dito sa classroom namin?
Nagtilian naman ang mga classmate kong babae pati ang dalawa kong best friend. Haler! Tao lang yan hindi yan Alien!

Dahan dahang lumapit sakin ang gwapong nilalang. Ayehhhh sino ba talaga cya?

"ommgggg si JK yan diba? "

"Yes! Ang gwapoooo nya!! "

" Ang sarap nyang kainin! "

" Mas gwapo pala cya sa malapitan! "

" I love you, JK! "

Wait! Cya ba ang sinasabi nilang si JK na nakilala namin sa club ng kuya ni FLORa? Hindi ko na matandaan ah! Well, gwapo naman talaga cya. Ang lakas ng karisma, para kang mahahatak para yakapin cya but my HUSBand is better than him! Nasabi ko ba talaga yun? Ewww lang!

" Hi, Heaven. Nice to see you again." bati ng lalaking nasa harap ko. Ang voice nya ang sarap sa tenga.

" Ah eh Hello. If you dont mind ahm who are you anyway? " nahihiya kong tanong. Napaah naman ang mga classmate ko.

" As i expect, hindi mo na nga ako naalala or hindi mo lang talaga ako pinansin nong nagpakilala ako sayo. " sabi nya sakin at ngumiti ng matamis. Inabot nya sakin ang boque of flowers. " For you. Im Jhon Karl Chan short for JK. " sabay kindat sakin.

Napangiti nalang ako ng tuluyan. Lakas ng trip ng lalaking to. May PMS ba cya?

" Thank you for this flowers. Tatanggapin ko nalang toh dahil sayang hehehe. This my favorite color. " sabi ko. Ang binigay nya kasi sakin ay pink roses.

" Your welcome. That color of rose means true love. " he wink at me. Ang cute nya tapos ang puti puti pa.

" Ayehhhhh! " tili ng mga classmate ko. Siniko rin ako ng mga kaibigan ko.

" No wonder na basketball player ka. " natatawa ko ng sabi sa kanya. Kumunot naman ang nuo ni Jk. Bat ba ang cute nya?

" Why? " tanong nya sakin.

" Hahahaha ang galing mo kasing mambola. Geh upo ka na darating na yung prof natin. "

Umupo naman cya sa tabi ko. Na concious tuloy ako. Feeling ko katabi ko ang high school crush ko hahaha. Ngayon lang ako naramdam ulit nito.

Pumasok na yung prof namin at nag discuss agad. Wow ah hindi man lang pinakilala ang bagong classmate namin. Maya maya may sticky paper na nilagay si JK sa armdesk ko binasa ko kaagad yun.

"Hindi kita binola, im just stating the truth. I like you, heaven! :)"

Abah ang bilis ng moves ah. Wala man lang paligoy-ligoy muna. Haler! May asawa na ako noh. Gusto ko sanang isigaw yun. Faithful kaya ako sa husband ko kahit may pagka OA non kahit Casanova yun. Ayukong matawag na cheating wife noh.

Tinuon ko uli ang attention ko sa prof namin. Bigla kong naalala si David, sabi nya sabay daw kaming maglunch mamaya sa bahay. So it means uuwi  ako. Well, wala na akong klase mamayang hapon so OK lang kung uuwi ako.

Nitong mga nakaraang araw medjo naging sweet sakin ang asawa ko. Baka may ginawang kalukuhan. Ganon daw kasi ang mga cheating na tao bigla bigla daw naging sweet. Hsst! Nakakaloka. Eh anu naman kung mag cheat cya eh not involved naman sa love ang marriage namin. Wag lang cyang magpahuli sa family namin bka lapain cya ni daddy.

Pagkatapos ng dalawang subject namin nagkayayaan kaming magsnack sa canteen. Si JK naman pinagkakaguluhan ng mga babae kaya iniwan namin cya.

" Venz, ang haba ng hair mo! " kinikilig na sabi ni Aya. Hinaplos pa ang buhok ko. Hst. Mga lokaloka talaga.

" Ayehhhh! Magkakalove life ka na sa wakas! " sigw ni Flora na tinulak pa talaga ako.

" Magsitigil nga kayong dalawa kung ayaw nyong sipain ko kayo papunta sa clinic! " asik ko sa kanila.

" Ayee!! " sabay nilang sabi. May sakit talaga sila sa utak.

" Wait! Heaven, wait! " may sumigaw sa likuran namin. Literal naman kaming lumingon at ang dalawang kaibigan parang naiihi sa kilig. Jusko!

" Oh! Jk, may kailangan ka? " tanong ko.

" No. Ahm actually i just want to snack with you guys, and specially with you, Hevs. "

Anu daw? Hevs? Anu yun name ko? Tssk pauso.

" Treat mo? " pacute na tanong ni Aya.

" Yeah! If Thats ok you you. " nakangiti na sabi nya.

" Bravo! Lets go fafa JK. Im Flora, remember? Kubg manliligaw ka kay Venz no problem, buto ako sayo! Ayehhhh!" sabi ni Flora at hinatak na si JK papuntang canteen pati si Aya nakakapit din sa kaliwang braso ni JK. Hahaha ang lalandi talaga. Ibenta ba nman ako sa isang lalaki.

Napailing nalang akong napasunod sa kanila. Ibang klase talaga ng mga kaibigan ko.   Nilingon ko ang mga students na nakatingin samin at nginitian ko lang sila..

A/N.

Magseselos kaya si David kapag nalaman nyang may suitor si Heaven? Anu guyz gisto nyong malaman? Hahahaha nect update malalaman nyo rin kaya wait wait lang.

Follow nyo ako ha.!!!!!

Vote at comment din kayo para mainspire naman ako.!!!!!!

JK ==nasa media cya. Hahaha cute nohhhh

My husband is a professorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon