After 5 years..
Limang taon na pala ang nakakalipas pero wala padin akong balita sakanya.
Limang taon ko na siyang hinihintay.
Limang taon na akong may trauma.
Limang taon na akong wala sa sarili.
Limang taon...
Limang taon...
Gusto ko nang bumalik sa normal.
Kasalanan ko kung bakit siya nawala!
Siguro, it's about time na alagaan ko ang sarili ko. Ayoko ng ganito pero kailangan. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Gusto ko nang makalabas. Sawang-sawa na akong makulong sa mental hospital na ito!
Kailangan ko siyang hanapin.
Pero nung ginawa ko yun, lalo ko lang inilagay ang sarili ko sa kapahamakan kaya napunta ako dito!
Buti nalang at makakalabas na ako dito. I underwent screening at okay naman na ang pag-iisip ko kaya nagpasya yung doktor na ilabas na ako't iuwi na sa pamilya ko.
Kumuha ako ng maliit na papel at ballpen.
Nagsulat ako.
James Elijah Aquino PROMISE to come back with Carissa Denise Garcia after 5 years. We're gonna meet each other 5 years from now & continue playing as long as we wants.
-signed February 14, 2008
Umiyak ako. Naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko. Nabasa ang papel na sinulatan ko.
Tinupi ko iyon at inilagay ko sa loob ng botelyang nilagyan ng gamot ko. Nilagyan ko ito ng madaming bulak sa loob at agad kong itinago sa malaking bulsa ko.
"Rissa, baby, I miss you. Thank God we're going home." si Mom. I miss her also. Umiiyak siya habang nakayakap sa akin. Ako, seryoso lang.
"Alis na tayo, Mom." pag-aya ko sakanya at lumabas na nga kami ng kwarto. Habang naglalakad kami, panay ngiti ni Mom sakin at hinahaplos ang buhok ko.
Paglabas namin sa hospital...Wow! How I miss this beautiful environment!
Nakita kong muli ang mga sasakyan sa daan habang nakadungaw ako sa bintana ng kotse.
Mga batang naglalaro sa daan. Masaya. Madaming ngiti sa kanilang mga labi.
Naaalala ko nanaman si Eli.
Hayss... ayoko na ngang mag-isip diba? Baka mabaliw nanaman ako.
Nanibago ako sa lugar. Hindi dito ang daan patungong bahay namin. Masyadong maaliwalas doon at mabibingi ka sa sobrang katahimikan. Ngayon, masyadong maingay. Magulo. Pero nung nalagpasan na namin yung maingay na lugar na iyon, biglang tahimik ang kapaligiran.
Pumasok kami sa isang magarang subdivision. Sumaludo ang guard kay Mom.
Wow! Ang daming magagandang bahay dito sa loob ng subdivision.
"Perfect place, isn't it?" nakangiting sabi sa akin ni Mom.
Ngumiti din ako't tumungo bilang pagsang-ayon sakanya.
Ilang minuto lang ay huminto na kami sa harap ng isang napakalaking bahay.
Bumaba na kami at laking gulat ko nang naglabasan ang madaming tao galing sa loob ng bahay. Nabilang ko pa sila.
Tatlong katulong, Limang drivers at yung iba yata'y hardinero dahil may dalang pandilig sa halaman.
"Welcome Home, Rissa!" Sabay-sabay na bati nilang lahat sa akin.
Naalala ko si Dad. I miss him. Kung di lang siya pumanaw nung maliit pa ako, edi sana isa din siyang nagsalubong sa akin ngayon.
"Ma'am handa na po yung dinner sa mesa." sabi ng isang katulong galing sa loob, siya siguro yung cook.
Tumungo na kami sa loob at umupo na kami sa hapag-kainan.
Ang laki ng bahay. Sobrang luwag yata para sa amin ni Mom.
Ang daming mga pagkain. Heavy loaded ako nito! Pero parang wala akong ganang kumain.
Pagtapos namin kumain, hinatid ako ni Mom sa kwarto ko.
Shocks! Ang laki din ng room ko. Color light pink pa talaga yung wall & ceiling. I love pink talaga!
"You like it?" Mom asked.
"Of course Mom, Thanks." sa wakas at nakapagsalita din ako.
"O siya, maiwan na kita dito para makapagpahinga ka na ha. Goodnight, baby." paalam sakin ni Mom habang kiniss niya ako sa noo ko.
Ngumiti lang ako kay Mom at humiga na ako sa kama.
Pinikit ko ang mga mata ko't di ko na namalayan na nakatulog na ako.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Part 2 done!!
Malapit na. Malapit na ang another 5 years!!
Makakapaghintay pa kaya si Rissa? Or tuluyan nang mawawala si Eli sa buhay niya?
Abangan...
*akodashou17*
BINABASA MO ANG
Simultaneously In Love (Short Story - Complete)
Short StoryIt was 10 years.. 10 years of waiting...10 years of pain...10 years of sorrow...and 10 years of simultaneously in love.. Nagbago ang lahat nang dahil kay Eli.. Bigla siyang nawala dahil sakin.. Promise is the secret word. Hanggang kailan ako maghihi...