CHAPTER 03

69 8 0
                                    

                         THRISTAN

"Pres may GF ka na pala"

Sabi ni mike sa akin nang nakasalubong ko Siya sa hallway. He's my friend. Hapon ngayon at uwian na.

"What are you saying?"

Kunot noong tanong ko.

"Sabi ng mga tsismosa sa section mo, lagi mo daw siyang pinapansin, tinuturuan at ang sweet niyo raw"

Bulong niya at nang aasar pa talaga.

"Ang tsismoso talaga" I told him at nag-ngiting aso siya.

"Hindi a, kunti lang"

Habang nag uusap kami ay parating si Zandria kaya kinapa ko yung eye glasses niya sa bulsa ko na nahanap ko kanina.

"Uhm zan , your eye glasses"

Sabi ko at inabot naman niya yun.

"Salamat"

Ika niya bago ngumiti, I smiled back and nodded.

"Ah you're the!"

Biglang gulat na sabi ni mike at napatakip pa ng bibig niya bago tinuro si Zandria.

Tumaas naman ang kilay ni Zandria at tinuro ang sarili.

"Ako, bakit?"

"CPR, yung usap usapan ngayon"

Nagkatinginan naman kami ni Zandria at umiwas din ng tingin.

"Alam niya Yun, hot topic sa YHU website Yung #thristan's first kiss at may video pa Yan"

Sabi Niya kaya nagkatinginan ulit kami ni Zandria.

"Eh Ikaw miss first kiss mo rin ba yun ha?"

Nang aasar na tanong niya
tong lalake talagang ito kahit sino inaasar.

Napaubo naman si Zandria at tumingin sa kisame.

"Haha I need to go bye"

Sabi niya bago kumaway sa amin at nagmamadaling naglakad.

"See that!
first kiss niya rin yun, bwahaha , may I tsi tsismis na naman ako"

Sabi niya with evil smile pa. Binatukan ko naman siya kaya tumingin Siya sa akin ng masama.

"You better not mike"

" I know joke lang , ayoko naman na sugurin ulit ako ng mga babae dito sa school dahil akala nila na nagkakalat ako Ng fake news , tulad noon sana di ko nalang sinabi na may GF kahit wala naman kaya Yun tuloy marami akong bukol nun"

Natawa nalang ako ng sekreto dahil naalala ko ulit yung mga black eye niya nung araw na yun. Mukha na siyang panda.

"Sige na , I need to go"

Sabi ko bago siya nilampasan. Dumiretso ako sa bus stop malapit sa school at nakita ko rin si zandria doon na nakatayo  at medjo mapula pa ang pisngi. Maraming estudyante na naghihintay rin sa bus.

Lumapit ako at tumayo rin sa tabi niya. She looked at me medjo nagulat pa at kumaway ng kunti. I chuckled unconsciously, cute.

"Hi, uuwi ka narin?" She asked, tumango lang ako.

Nauna na akong pumasok pagdating ng bus at nakasunod naman siya pati yung mga ibang students. Umupo ako sa tabi ng bintana and pointed the seat beside me signaling her na dito na maupo.

"Thank you" She uttered bago naupo doon. Habang nasa byahe kami ay nilabas ko ang headset ko para makinig ng music. I pursed my lips and offered her the other pair.

"Gusto mong makinig?" I asked and she smiled before nodding. We're listening together and I can't stop myself to look at her. She's swaying her head vibing with it and smiling a little.

Biglang kumunot ang noo niya at tinignan ako. Nagulat ako at umiwas agad ng tingin, she caught me staring at her!

"Boses mo to diba?" She whispered making me look at her. My eyes widened, hindi ko napansin na itong kanta ang naka-play. I'm about to next the song when she stopped me by holding my hand.

"Pakinggan ko muna, it's beautiful, please?" She pleaded and I have to curse in my mind dahil she's too adorable. I gave up at hinayaan nalang siya na pakinggan yun.

She's silent, like she's thinking deeply.

"You composed this right?"

I'm not really opening up this sa mga kaibigan o sa ibang tao but I felt like I could with her.

"Yeah" Tumango ako. "This is for my best friend, for someone whom I remember until now. " I said and I could see na medjo namula siya dahil doon. My friend whom disappeared years ago.

"I re release mo tong kanta na ito?"

"When I'll found her, pag nagkita kami ay kakantahin ko to para sa kanya" I smiled and she's smiling too.

[Kung mundo'y di tayo maintindihan ang mahalaga'y kilala natin ang isat-isa] as that line from my song is playing. The line that my lost best friend wrote on my scrap book. We're looking at each other, Hindi ko alam pero hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya. There's something about her hazel eyes that keeps me drowning for them.

"Ehem saan po kayo?" Napaiwas kaming dalawa ng tingin dahil sa conductor.

"Si sir sa SL village diba? Tapos kayo ma'am?"

Zandria looked at me a little shocked before looking at the conductor.

"Doon din po" Ika niya making me shock also, she also lives there?

"Oi baka destiny yan" He teased making us look at each other pero umiwas rin.

"Joke lang" He laughed at binigyan kami ng ticket, we payed for it at umalis na siya.

"Sorry about that, madaldal talaga yang si kuya" I whispered and she just smiled. Dumating na nga kami sa village at bumaba na kami. Sabay rin kaming naglakad papasok sa entrance.

"Hatid na kita" She looked at me because of what I've said.

"Hindi na, malapit narin naman kami dito. Saan ka at Ikaw na ang ihahatid ko" Tumango tango pa siya at talagang desididong ako ang ihatid. I can't help but to chuckle. She's really different.

I pointed our house na makikita agad sa entrance. Napanganga siya at tinignan ako.

"Sure kang bahay yan hindi mansion?"

"You want to come over for a coffee?"

"Next time nalang, tara hatid na kita" Nauna pa nga siyang maglakad kaya sumunod ako at tumabi sa kanya. She looks so small beside me but I love the height difference.

"Dito na ako" We reached our house that fast.

Tumango siya.

"Bye na" She smiled and waved, I smiled a little too at naglakad na nga siya papalayo.

"See you tomorrow!" Pahabol na ika ko , liningon niya ako and nodded.

How I wish na mas malayo ang bahay namin.



Worthwhile RomanceWhere stories live. Discover now