Chapter 11

5 2 1
                                    

Xairine.

"Ano?!"

"Wala ng time para magulat sis! Magempake kana minsan lang to oh tsaka sayang rin yung free ticket na binigay ni mommy"

Hindi ako makapaniwala na pagkagising ko palang nasa sala na silang lahat. Pero sina luhan, gray, Tiffany ay naka bihis na atmay dala dalang maleta sa gilid nila.

Pero sina mang ben at Yaya Mel ay nakapambahay lang rin.

"Sige na anak sabi nga nila minsan lang to, bigyan mo ng oras ang sarili mo, mag enjoy ka muna" nakangiti pang ani ni yaya mel.

"Kayo po? Sasama po kayo diba?"tanong ko.

"Hindi na anak, dito lang kami magbabantay sa bahay, okay lang kami rito tsaka hindi naman kami mahilig na sa mga malalayong lugar, mahina na ang mga tuhod namin"  Nakangiti parin ito.

"Pero--"

"Wala ng pero pero, gusto kong magliwaliw ka kahit minsan, nakasasama rin ang puro pag aaral" napatango nalang lamang ako.

Kumain muna kami ng agahan at nagkwentuhan saglit. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago muling umakyat at
maghanda.

Matapos ang halos isang oras ay natapos rin ako, bumaba na ako na bitbit na pababa ng hagdan ang maleta ko. Hindi iyon masyadong malaki pero inalalayan parin ako ni luhan sa pagbaba nito.

Agad kaming nagpaalam kina yaya mel at mang ben.

Sasakyan lang ni gray ang naroon sa labas ng gate namin kaya ito siguro ang sasakyan namin ngayon.

Hindi rin tumagal ay nakarating na kami sa airport at sakto lang run kami sa oras ng flight namin, may 15 minutes nalang kaming hihintayin.

"Here's my key, thank you" sambit ni luhan sa driver nito na tinawagan niya kanina para ipakuha dito ang sasakyan niya.

Binaba naman muna ng lalaki ang mga gamit namin bago ito umalis.

Pumasok na kami sa loob at pagkatapos ng ilang checkings ay umupo na kami sa waiting area.

Nakabook na online ang flight namin kaya hindi na namin kelangang pumila.

"Magiging excited to!" Magiliw na sambit ni tiff.

"Ye right I have also reserved one room for us babe" mapang asar na ani ni gray.

"Ewness kahit kailan hindi ako papayag na makatabi ka sa higahan!"

Puno na naman ang bala nila. Tsk. Tsk .

Nagtinginan lang kami ni luhan at tawa tawang umiling.

Nung tinawag na ang flight namin ay agad kaming sumakay sa eroplano.

May phobia pa naman ako sa heights pero kakayanin ko to. Matagal tagal narin nung last na sumakay ako sa eroplano, siguro nasa 6 ata ako nun. Kaya parang nanibago ulit ako.

"Woah! Ang ganda dito!" Tumitili tili pa itong si tiffany.

Nakarating na rin sa wakas. Nandito kami ngayon sa Davao dahil yun ang destination ng ticket na binigay.

Isang beach resort. Sosyalin tingnan kahit old-fashioned style.

Napakaganda nga ng lugar nila dito, masasabi kong naging masaya na ako sa tanawin palang!

Pagkarating namin kanina ay agad na may sumalubong samin na mga crew at tinuro samin ang cottage na tutulugan namin.

"Magkatabi lang rin ang cottage natin" puna ni gray na may nang aasar na tingin pa kay tiff.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now