Cassandra
Nakakainis naman 'tong closet ko. Wala man lang totoong damit. Paano 'ko sasamang mag-mall nito?
Ilang beses ko nang binuklat 'tong closet ko, wala talaga. May short dito kaya lang makikita ni Kuya Mongi 'yong sugat ko. Patay ako 'pag nagkataon. Ang bobo kasi ng gate, hindi lumihis.
Wala akong choice. Gag*. Bahala na. P'wede na 'to.
Jah
Nakita kong nakagayak si Josh at Stell sa sala.
Sa'n sila pupunta?
"Kakain ka, Jah?" tanong ni Stell.
Ngumiti ako. Alam na alam na gutumin ako ng ganitong oras. "Oo."
"Kumain ka na," sabi niya.
Hala! Kumain na yata sila, hindi ako hinintay?
"Bakit, kumain na kayo?" tanong ko. Magtatampo talaga 'ko 'pag hindi nila ko hinintay.
"Sa mall na kami kakain," sabi ni Pablo. Nakaupo pala siya sa sofa. Parang inip na inip. Suot niya 'yong favorite niyang orange shirt at black pants.
"Saan kayo pupunta?" taka kong tanong.
"Mall. Pupunta kami ni JC, sumama lang sila," sabi naman ni Josh.
Ang daya, hindi nagyaya.
"Sama rin ako," sabi ko. Baka maglibre si Josh ng food. Masarap 'pag libre.
"Nang ganiyan ang suot mo?" tanong ni Stell.
Tiningnan ko 'yong sarili ko. Anong problema? Ayos na 'to. Black maong shorts saka polo shirt na puti. "Ayos na 'to. Magsasapatos na lang ako."
"Sige bilisan mo," sabi ni Josh.
Ayos, pumayag.
Nagmadali na 'kong nagsapatos saka bumaba. Pero nakabalik na 'ko, same pa rin sila ng puwesto. Parang naiinip na lalo si Pau.
"Nainip ba kayo? Ang bilis ko nga," nakangiti kong sabi.
"We're not waiting for you," inis na sabi ni Pau.
Hala. Galit ata.
"Matutuloy pa ba? Akyatin mo na sa taas, Josh. Baka nakatulog na?" sabi ni Stell.
Tiningnan ko kung may kulang sa amin. "Si Ken ba? Tulog pa nga."
"Si JC. Ayan na pala," sabi ni Josh na nakatingin sa likod ko.
Nilingon ko 'yong likuran ko at halos mapanganga ako. Si JC ba 'to? Naka-dress siya?
Nakasuot siya ng pulang satin dress na lagpas tuhod. Nakapusod rin siya nang mataas, pero walang ayos ang mukha. Bagay lang. Inosente tingnan.
Napangiwi lang ako nang tumingin ako sa paa niya. Ayos na sana, babaeng babae, kaso naka-rubber shoes.
Ken
Masakit pa rin 'yong paa ko dahil sa babaeng 'yon. Buang ata, nanadiyak na lang bigla.
Bumaba ako para kumain. Baka nakaluto na si Stell ng dinner. Pero nagtaka 'ko kasi walang tao.
Nasaan sila. Tinawag ko sila isa-isa pero walang sumasagot.
Iniwan na naman nila 'ko?
Napailing ako nang maka-receive ako ng text galing kay Jah.
From: Jah
Hoy po! Umalis kami. Nagpunta kami ng mall. Sumama kami sa bonding ni Josh at JC. May pagkain daw diyan sabi Stell, iinit mo na lang. Kung gusto mo sumunod ka na lang. Kadarating pa lang namin. Maglilibre si Josh. Bilisan mo, sayang ang libre.
BINABASA MO ANG
Living with Five Mongoloids
FanfictionNaranasan mo na bang gumising sa hindi mo bahay? Naranasan mo na bang mamalagi sa lugar na kabaliktaran ng nakasanayan mo? Naranasan mo na bang tumira kasama ang mga taong hindi familiar sa'yo? Jean Cassandra is a typical "PROBINSYANA". Hindi man ma...