CHAPTER 43 -Sweetheart

505 29 28
                                    

-Sweetheart

Umagang umaga nababadtrip ako ng professor namin, aga aga tumawag para lang sabihin na may project ang bawat president ng college. Hello? Thesis week na namin naisipan pa nyang isama ko sa project project na 'yan!!

Pumasok ako sa org. room kung saan gaganapin ang meeting di ko sila pinansin tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa upuan ko ng nakasimbakol ang mukha, puyat ako kakakausap sa letseng unknown number na 'yun! Sarap kurutin ng apdo nya,

"Goodmorning, Ella! Ganda ng bungad mo sa umagang ito. Isang mukha na dinaig pa ang lukot na papel." Nagtawanan sila sa sinabi ng panot naming professor inirapan ko nalang, di ko ikakayaman pag pinansin ko sya.

"Di pa ba tayo mag uumpisa? Nag sasayang tayo ng oras, Mister Toyoma." Half japanese kasi si panot 'yung apilido nya katunog ng TOYOTA.

"Chill lang, Miss Caluag! Wala pa si Mister ONGSEE." Aba talaga nga namang idiniin pa 'yung ongsee? Ano pa nga ba magagawa ko? Fans nga pala yan ng loveteam namin, Chos!

"Vip 'yang Ongsee na 'yan ha! Por que ba president sya ng org. nila? Papalate sya? Aba kamo matuto syang mag bigay ng oras sa mga taong pinahahalagahan sya." Angil ko bigla silang natahimik sa sinabi ko, may nasabi ba kong masama? Sa pag kakaalam ko wala?

"Hugot?"

O_________O

Nanlamig ako sa boses na nag mula sa likod ko. "K-kanina ka pa jan?" Mariin syang tumango napasampal nalang ako sa noo ko.

"Sorry kung late ako hinatid ko pa kasi si trisha sa school nila, e. So start na? Humuhugot na si ella, e." Tyaka sila nag tawanan, narinig ko tawa ni ranz kaya napatitig ako. For the first time narinig ko ulit 'yung tawa nya, parang walang nangyare samin kasi ngayon pinapansin na nya ko unlike dati, diba? Halos pag taboyan na nya ko, maganda ata awra nung singkit na to. Siguro sinagot na sya ni trisha? Araykobe!

"Alam kong pogi ako wag mo muna ko titigan oras ng meeting, e. Pwede maya nalang? Haha." Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ko, sasagot na sana ko ng biglang umepal si panot.

"Ops! Tama na baka ma M.I kayo." M.I? Ha? Ano daw? Etong panot na 'to kung ano ano sinasabi konti nalang kukutusan ko na sya sa pisngi.

"What? M.I?" Tanong ng malanding president ng Tourism.

"Bitch, M.I means Muling Ibalik! Why you gotta be so noob?" Natawa kami lahat sa sinabi ni alliah president ng Educ. Napairap nalang si kristel sa binanat ni alliah! Hahahahaha.

"Okey okey! Tama na, so 'yun nga pinatawag ko kayo kasi kailangan natin mag pakain sa Home for the Agent." Panimula ni toyoma, bigla akong naexcite gustong gusto ko kasi nag papakain ng matanda. Namiss ko tuloy si Lola kamusta na kaya sya? Masaya kaya sila ni Lolo habang kafeeling si Papa God?

"Iwww! I hate gurang sir. Its so kajirits! You know sir. I want boys who have a sexy body like v-line and 8pact abs." Maarteng sabi ni Kristel, hay wag nyo nalang pansinin english nya. Tourism nga sya!

"Alam mo ikaw puro ka kaartehan, e!" Iritado kong sabi. "Wala ka bang lola? Isipin mo nga mga matatanda na nasa Home for the Agent? Wala silang pamilya di mo alam kung ano nararamdaman nila pag mag isa lang sila, di mo alam na kung ga'ano sila nasasaktan pag naiisip nila na hindi na sila kayang alagaan ng pamilya nila kaya sila inilagay dun! Ni-hindi mo nga ata alam kung inaalagaan sila ng tama don, e! Kaya wag kang mag inarte na nakakainis sila, dahil sayo palang naiinis na ko!" Inis na sabi ko lahat sila nakatingin sakin biglang nag palakpakan nakita ko mukha ni kristel na naiinis na.

"Woah! Pang famas ang drama mo."

"Artista na yan!"

"Bigyan ng jacket with 6pact abs."

Im Forever Yours :) (CFCPart2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon