2 5

186 7 1
                                    

"First day na first day, nakasimangot ka. Sumpa na 'yan, dzai."

I looked at Carleen who sat beside me. We're in the room while waiting for our classmates. Kyla's not here yet, perhaps she's late for some reason. I looked away and breathed out a sigh. Mahina naman siyang tumawa.

"Ilang buwan din tayong hindi nagkita, ah." She tapped my shoulder.

"Yeah. How are you?" I tried to open a conversation.

"Ayos naman. Mas masaya ang buhay sa probinsiya, mas payapa. If I could just stay there forever, but I can't. Alam ko namang wala akong future ro'n." She smiled at me. "Ikaw? Balita ko, kayo pa rin ni Dillion. Tatag niyo, ah."

"Napagtiya-tiyagaan naman siya." We laughed at my words. Ilang sandali pa kaming nanahimik. Dinig na dinig ko na ang mahinang bulungan ng mga kaklase ko. "How about Kyla? I don't hear anything from her since the second week of vacation. How is she?"

"Ah, 'yon? Fortunately, pinayagan na siya ng magulang niya na mag-shift ng course." She looked outside the window. My mouth parted because of what she said. Mukha namang nakita niya ang reaksyon ko kaya tumawa siya. "She just told me that last week. Naayos niya na raw lahat. Surprise nga dapat 'yon kaso sinabi ko na sa'yo."

"Hindi naman siya lilipat ng school, 'di ba?" Kahit naman naiinis ako sa kaingayan ni Kyla, I couldn't hide the fact that I will miss those. She's the first friend I had when I stepped on college.

"Hmm, I don't know. The last thing she told me is that she shifted course." Muli siyang tumingin sa labas. Her presence is dull as if she's sad. "Magsasabi naman 'yon if ever may plans na siya."

"Pakalat ka ng chismis, beng. Na-late lang ako nang ilang minuto, may course shifting na naganap sa 'kin." Napatingin ako sa babaeng pumasok. I glared at Carleen when she laughed at me. I really thought that she's being serious!

"'Wag ka na kasing ma-late. Next time na ma-late ka, ang sasabihin kong rason ay nilibing ka nang buhay." Kyla sat beside Carleen before waving her hand on me. "Gino-goodtime ko lang si Callan, kita mo, pikon agad."

"Funny," I said with a sarcastic tone.

"Hindi na ako magsi-shift, ano ka ba. Baka ma-miss mo 'ko nang bongga e. Ikaw ha, cheater ka. Sumbong kita kay Dillion." Hindi ko na lang sila pinansin. Binabawi ko na rin ang sinabi ko kanina na mami-miss ko siya. "Speaking of the bitch, ang tagal niyo nang dalawa, 'no? Five months ba? Anong sikreto niyo? Baka gumana sa 'kin."

"Dasal-dasal lang 'yan, sis. Kaso demonyita ka, wala ka ng pag-asa."

First day na first day, magbabardugalan na naman sila.

"E 'di wow. Uso naman ang himala ngayon. Basta, 'wag kang magjo-jowa hangga't wala pa ako, ha? Gan'on kasi ang friendship. Hindi tulad ng isa r'yan, inspired lagi." Nakita ko pang umirap si Kyla sa 'kin.

"Depende," Carleen said, smirking.

"Sabagay. 'Wag kang tutulad do'n sa taong nagsabi na study first daw tapos naging study flirt bigla." I bit my insides to stifle a laugh.

"Sinetch itey ba? Bigay ka nga clue."

"Callan Tyler Addison is his name, lumandi ng pogi is his game."

Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Napailing na lang ako at hinayaan silang magdaldalan. Maya-maya lang din ay dumating na ang professor. Dumating na siya pero 'yong reply ni Dillion, hindi pa. Maybe he's off to something. If he can reply, he will. What am I being so upset about it? Stop that, Callan, kung gusto mong magtagal pa kayo.

The class went well, I am able to answer queries from our teachers. As expected, the next professor didn't attend the class again. First day na first day, hindi aattend ng klase. Ilang meetings ba ang kailangang attend-an sa isang taon?

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon