Kumuha ako ng water bottled sa loob ng ref at tinungga iyon ng mabilisan. Uhaw na uhaw talaga ako. Wala kasing mini ref sa guestroom eh,siguro kung meron doon pati pagkain hindi na ako lumabas,baka doon na din ako tumira,hehe. Di sana,di ko makikita at makakausap ang kolokoy na sungit na hanep na boss ko na sobrang kagigil. Hanep na yan!
Paubos na halos ang tubig sa bote na iniinom ko ng maramdaman kong nasa kitchen na din ang kolokoy kong boss. Ang bilis niya ah!hinamig ko ang sarili ko,kunwari hindi ko namalayan ang pagdating niya. Patay malisya ko pa ding inubos yung tubig ko sa bote. Lamig! Sarap!
Nagtaka ako. Hindi pa din nagbubunganga si kolokoy sa akin ah! Baka naistatwa na,natulala na sa kagandahan ko?haha,feeling!
Dahil kunwari nga hindi ko pa din siya pansin,pagkaubos ko sa tubig ko ay binuksan ko ulit ang ref at naghanap ng makakain. Kapalan na 'to ng mukha,gutom din pala ako, ngayon ko lang naramdaman,hehe. Nakakita naman ako ng slice chocolate cake,pizza,at ice cream. Nilabas ko lahat ng iyon,walang pake sa taong nakamasid,matulala ka lang dyan basta ako kakain,tsk,tsk,tsk!
"So i thought iinom ka lang? Bakit mukhang kakain ka pa?"kunwari nagulat ako nung magsalita siya,ineexpect ko na magrereact siya pagkakitang kakain ako hindi lang isa kundi tatlong klase,oh diba feel na feel at home talaga ako,haha. Akala niya bibigyan ko siya?
"Ano b?para kang multo ah,sulpot ka ng sulpot!"inis kong arte sa kaniya. Nilapag ko sa kitchen island ang mga bitbit ko at namewang na humarap dito. Akala mo akin ang bahay diba?haha!
Tinaasan niya ako ng kilay at matalim ang mga mata na nagsalita," I don't care! It's my house,i can do whatever i want to. Ikaw nga hindi mo naman bahay 'to pero ginagawa mo ang gusto mo,diba?" Sungit ah! Akala mo babae kung makapagtaray,tsk!
Hindi ko siya pinansin,binalingan ko na lang yung mga pagkain na nilabas ko sa ref nila. Kumuha na din ako ng platito sa platuhan tsaka spoon and pork, tototohanin ko na ang pangbuburaot sa kusina nila. Gutom ako,walang kukontra,ang kumontra pangit,hehe.
"Tsk!ang kapal din pala nitong taong 'to,akalain mo yun hindi halata sa itsurang pangmalakasan pala sa kainan,huh!" pagpaparinig nito sa akin,hindi ko pa rin siya pinansin. Ang napansin ko ay wala pala akong lalagyan ng ice cream,nakagaloon kasi iyon kaya naman bumalik na naman ako sa cabinet slash platohan to get a mangkok,naghanap din ako ng ice cream scooper,nang makakita ay bumalik ako sa kitchen island.
Nag-scoop ako ng ice cream sa mangkook,pinuno ko iyon at binalik sa loob ng freezer. Susubo na sana ako ng pizza ng maalala't maramdamang malamig iyon,hinanap ko ang microwave nila at pinainit iyon doon. Nakamasid pa din sa mga kilos ko ang boss kong hindi maipinta ang mukha.
Habang inaantay uminit ang pizza ay ay sumubo na ako ng cake at ice cream. Napipilitan naman akong tumitig sa boss ko at alokin ito.
"Do you wanna eat?"tanong ko.
"No i don't,if i know kulang pa iyan sayo,yung sa fast food nga kahapon eh minani mo lang eh,yan pa kaya?" nakaismid na sagot niya sa akin.
"Oh, your not going to eat naman pala eh,why are you still there? Watching mo? Checking me? Na baka magbulsa ako ng gamit niyo dito sa kusina niyo? FYI wala akong bulsa, mabigat ang plato,maingay ang kutsara't tinidor at sobrang laki at mabigat ng ref niyo wala akong pagtataguan,pati na microwave niyo kaya huwag ka mag-alala safe sila sa akin." mahaba, mabilis at sarkastika kong wika sa kaniya.
"Psh!"angil niya. Wow! walang masabi,walang maisagot,sana magpakabait na siya,pero nagsalita pa din siya. "Look hindi ako magsosorry sa mga nagawa ko kasi sinadya ko naman iyon. Why would i say sorry eh sinadya ko nga iyon? Huwag kang kampante na kinakampihan ka ng parents ko,mabait lang talaga sila kaya huwag kang abuso at feeling,wala kang sorry na maririnig mula sa akin."
"Fine,as if i care,i know brats like you so patas lang tayo."sarkastikang sagot ko sa kaniya habang patuloy pa din sa pagnguya ang bibig ko.
"Ganiyan ka ba makipag-usap sa amo mo?"asik niya.
"No! Sayo lang PO BOSS."may diin talaga yung huling dalawang salita ng bigkasin ko.
"Huh! You're fired!"nanlilisik ang mga matang sabi niya sa akin.
"You can't fire me boss. Only Mr. Franklin,your papa,have the power to fire me,my apology."
"Is that so?oh eh pasensyahan na lang tayo,matira matibay."
"You don't have to worry mahaba pasensya ko sa mga spoiled brat."
"Who's spoiled brat? Me? Do you want me to throw you out of my house now?" gigil na gigil na siya,haha.
"Tamo,ugali nito hindi daw spoiled brat?"bulong ko. "Tsk,tsk,tsk!Bakit ko naman gugustohing itapon mo ako sa labas eh alam ko naman na hindi mo iyon magagawa. Your mom will surely get mad,so ungentleman of you boss. Ang tanda tanda mo na,kalalaking tao mo pa pero masyado ka pa din maarte at madrama. Pumapatol ka pa sa babae,Tsk!"hindi tumitingin na sagot ko sa kaniya.
"Kahit ano sabihin mo, wala akong pake sayo,babae ka ba? Mukha ka ngang....huh! You look older than me,you acted older than your age,you wear lola's outfit,wear ticked eye glasses and eat a lot as in a lot. Mas malakas ka pa kumain kesa sa akin. Hindi bagay ang itsura mo sa attitude mo. Who are you? Who you really are? You seems mysterious?"
"Yan ang walang pake,dami alam,tsk!"bulong ko ulit pero napalakas ata kasi mukhang susugod na siya sa akin. Feeling mo kakasa ka,ah?haha
"What did you say?"
"Sabi ko po kain ka ng ice cream boss,para lumamig ang ulo mo,at para po maalala mo din na kaya kayo sumunod dito sa akin kasi sinabi mo sa mama mong maga-apology ka sa akin."alok ko pa sa kaniya ng ice cream. Sinamaan niya lang ako lalo ng tingin.
"Ang sabi ko i won't apologize."
"Okay,oh!kumain ka ng ice cream."alok ko pa din sa kaniya nang-aasar pa din. Lumapit lalo siya sa akin at sumandal pa sa kitchen island.
"I don't eat ice cream pero kung mapilit ka let me try it." bulong niya sa tenga ko. Hala! Kinilabutan ako,shit bakit iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya,ang kolokoy na 'to,malandi talaga,argh!
Pero patay malisya pa din akong tumingin sa kaniya at kinuha yung mangkok na may icecream at inabot sa kaniya at swabeng lumayo sa kaniya,mahirap na lumapit sa malandi.
"Oh,ayan ubosin mo yan ah!" sabi ko pa dito.
TENGGGG!
Microwave. Hay salamat. Ang pizza ko.
Kinuha ko ang pot holder,binuksan ang microwave at kinuha ang pizza. Sarap,hmmm....! Inamoy amoy ko pa iyon bago humarap sa kitchen island ng makangiti,hehe!
Nagulat naman ako sa tingin sa akin ng isang ito. Dumilim lalo ang mukha. Tumalim lalo ang tingin. Pero hawak niya pa din ang lalagyan ng icecream.Ano ba trip nito?
"Oh boss,hati na din tayo sa pizza,grabe ka naman makatingin akala mo naman hindi kita bibigyan,tsk!"
"I don't like pizza either."
"Oh eh di matulog ka na,istorbo ka sa eating session ko. Go na boss!"
"Where were you when the incident happen a while ago?"
"Huh?"
Shit! Ano nagawa ko? Bakit biglang napunta doon ang topic? Oh my,oh my,oh my talaga,shit na malagkit. Anyari?
YOU ARE READING
My Unexpected Secretary
RomanceBigla na lng pinalitan ng ama ni Franco ang kanyang secretary. Ang ipinalit pa ng ama ay mukhang nanggaling pa sa baul ng ninuno nito kung manamit. At galit siya sa ama dahil sa ginawa nito. Kaya pahihirapan niya din ang babaeng basta-basta na lang...