Killer's POV
*2nd Day*
"Tina."
Nagulat siya nung marinig pa lang niya ang boses ko. Umurong-urong siya sa sulok ng kwarto.
Isang munting kuting na nakakulong sa isang madilim na lugar at takot na takot.
Napansin kong hindi niya rin ginalaw ang pagkain niya. Napatawa ako. Gusto niya na talagang mamatay?
"S-Sino ka?" Napangisi ako ng marinig ko ang boses niyang garalgal.
Tinignan niya ko sa mata. Hindi mo ba ko nakikilala Tina? Nakakatawa. Napakaliit ng mundong ginagalawan natin. Tiyak akong magugulat ka kapag nalaman mo kung sino ako.
"H-Hindi ikaw yung kahapon ah."
Naglakad ako sa kinaroroonan niya, nang makalapit ako, bumulong ako sa tenga niya. "Hindi lang siya ang papatay sayo Tina."
"Kaming lahat."
Kasabay nun ang paglabas ko ng cutter. Paglalaruan ko muna siya. Tiyak kong masaya 'to.
Napatingin siya sa cutter na hawak ko. Dahan-dahan kong inilabas ang talim nito. Nakikita ko ang repleksyon niya mula roon.
Naalala ko naman siya bigla. Naalala ko ang lahat ng nangyari sa kanya.
Maigaganti rin kita. Maghintay ka lang.
Umurong siya at sumiksik sa tabi ng higaan. Hanggang diyan ka lang Tina.
Ang kukulit niyo naman kasi eh. Nagtransfer pa kayo dito. Ayan tuloy ang napala niyo.
Kinuha ko ang kaliwang kamay niya. Dahan-dahan kong itinarak ang cutter doon. Nakita ko ang pagsirit ng dugo mula sa braso niya kaya mas lalo kong idiniin ang tarak doon.
"AHHHHHHH!"
Gustong-gusto ko ang ginagawa ko.
"Sigaw lang Tina."
Hinugot ko ang cutter. At itinarak ulit yun doon. Pinaulit-ulit ko iyon hanggang sa mapuno na dugo ang kinauupuan niya.
"AHHHHH--TAMA NA!" Napapikit siya at tumingin sa ceiling.
Tama lang yan sainyo! Dapat mamatay kayo!
"Masakit ba?" Diniinan ko pa lalo ang tarak ko doon kaya mas lalo siyang nagsisigaw.
"Parang awa mo na. Tama na." Rinig ko ang mga hikbi niya kaya napahinto ako. Hinatak ko ang cutter mula sa braso niya.
Tinitigan ko siya ng ilang segundo at napabuntong hininga.
Hindi ko gusto ang naiiisip ko ngayon.
"Tss." Awtomatikong naihagis ko ang cutter sa may sulok. Nakaramdam ako ng kakaiba kaya ko nagawa iyon.
Ano bang nangyayari sakin? H-Hindi ako pwedeng maawa. Hindi ako dapat makaramdam ng kahit katiting na awa.
Naglakad ako patungo sa pintuan ng kwartong 'to. Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago tuluyang umalis.
"Magpasalamat ka ngayon, Tina."
Jiyeon's POV
"Lalalalalalalalalala~HAPPINESS--"
"F*ck."
Agad kong kinapa ang phone ko sa bed side. Letse! Aga-aga may tumatawag.
Nasira ang beauty rest ko.
BINABASA MO ANG
Black Code
Mystery / ThrillerI've moved on a school that's full of mystery. And now, there's no way out.Will I be able to solve it? Or I will just left confused? -Jiyeon Mitch Lee