Funny moments

6.1K 97 0
                                    

"Walang tao?" oo nga. Walang tao sa loob ng bahay.

"Baka may pinuntahan lang sila. Tamang-tama! ngayon na lang natin gawin yung banner para sa birthday ni ate. Dun tayo sa lugar na lagi kong pinagtatambayan para walang makakita haha"

"Ang galing mo talaga mag-isip tito! Sige magbibihis lang ako tapos diretso na tayo dun"

Nag-iwan na lang kami ng note sa mesa na may pupuntahan lang kami para di na sila mag-alala.

"Wow tito! pano mo naman natuklasan 'tong lugar na 'to? Napaka-ganda! Seryoso ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-peaceful na lugar"

Pinagmamasdan nya ang buong paligid with amazement.

"Actually, the day na naaksidente ka eh dadalhin sana kita dito. Kaya lang ayun nga, naaksidente ka, napostpone tuloy. Isusurprise nga dapat kita. And Believe me or not, ikaw palang ang nadadala kong babae rito"

"Talaga? Kakilig naman ng severe! HAHAHA KIDDING. Well, thanks tito! Uhm tara simulan na po natin yung banner"

Kinuha na namin lahat ng mga art materials. Gumupit kami ng mga letters out of colored papers at dinikit namit sa isang malaking cardboard. Kumuha rin si Amber ng iba't-ibang colors ng glitters at ginamit nyang pangdesign sa background.

Ako naman, nagdraw ng doodle sa isa pang malinis na cardboard, emphasizing ate's name.

"Oh Amber tapos na ako. Ambagal mo naman"

"Nahiya naman ako tito. Try mo kaya maglagay ng glitters manually jusko hahaha"

"aba hahahaha" sinulatan ko nga sya sa mukha gamit ang pentelpen. Hahahaha ang cute talaga nya magalit!

Bumawi naman sya sakin. Sinabuyan ba naman ako ng glitters sa buhok.

Nagpatuloy lang kami until we realized na maggagabi na pala.

"Tara umuwi na tayo. Iwan nalang natin lahat ng banners sa loob ng kubo para safe"

Nag-ayos na rin kami ng sarili at naglakad ng magkaakbay pauwi. Nakakapagod na araw 'to pero sobrang saya!

Love beyond bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon