[The Healer]
Nahihimbing na ang lahat sa pagtulog ngunit katulad ng dati ay hindi dinadalaw ng antok si Bomber. Kahit na naggawa siya ng mga patibong sa paligid ay hindi pa rin siya mapapalagay sa ganoong sitwasyon. Tila bumabalik sa kan'yang alaala ang mga panahong nasa isang misyon siya. Hindi rin siya dinadalaw ng antok. Tila nakasanayan na ng katawan niya na huwag matulog sa gitna ng misyon.
"Siguradong magiging mahaba ang kinabukasan. Dapat nagpapahinga ka rin," ang payo ni Healer na humihigop ng kape sa isang tasang bakal.
"Kilala mo ako. Hindi ko ugaling mag-pahinga kapag nasa gitna ng misyon. Ang katapusan lamang nito ang magbibigay sa akin ng kapanatagan," ang sagot ni Bomber pagkatapos ay inabot ang isang tasa na umuusok pa ang laman, mula kay Healer.
Naaamoy niya ang aroma ng puro at matapang na kape. Amoy pa lamang ay tila ginigising ang kan'yang natutulog na kaluluwa. Bahagya muna niyang hinipan ang mainit na kape bago ito nilasahan. May pait at tamis na nanunuot sa kan'yang dila. Ramdam rin ng kan'yang mga kamay ang init. Tila binubura nito ang panlalamig ng kan'yang buong katawan. Ngunit ang kaibahan sa pagkakataong iyon ay bigla siyang nakaramdam ng antok. Isang mahinang paghalakhak ang kumawala sa lalamunan ni Healer nang makita ang kan'yang biktima.
"Pasensya na Bomber, pero kakailanganin namin ang lakas mo sa mga susunod pang mga araw," ang saad ni Healer at naupo sa tabi ng kaibigan na hinatak na ng kahimbingan."Trabaho ko, na i-kondisyon ang mga katawan ninyo. Sa ngayon magpahinga na muna kayo," ang sabi ni Healer habang binabalikan ang mga araw na pinili niyang manatili sa laboratoryo para magsaliksik ng mga bagong imbensyon.
Nakasilip siya sa kan'yang microscope. Pinagmamasdan ang isang kakaibang microoraganismo kung mayroon ba itong pagbabago matapos niyang patakan ito ng isang experimental control na nagmula ang main active ingredients sa isang puno ng Arbor vitae. Pagkatapos ay binalikan niya ang isang papel na halos mapuno na ng datos patungkol sa obserbasyon niya sa positive control at negative control na paghahambingan niya.
Nakangiti lamang na pinagmamasdan ng isang binata ang kaibigang si Healer. Alam ng kaibigan kung gaano ito ka-dedikado sa kan'yang trabaho. Ang kan'yang mga magulang ay researcher rin at sa parehong pagkakataon ay isang bayani ng Sixth Generation. Namatay sila sa gitna ng pakikipagsagupaan sa ilang kalaban habang nasa biyahe pabalik ng Gabrelius. Simula noon ay itinuon na lamang ni Healer ang atensyon sa pananaliksik at pilit na iniwasan ang anumang may kinalaman sa pagiging bayani. Ngunit nagbago ang takbo ng kan'yang buhay simula nang makilala ang leader ng Wolf Guild na si Fang.
Ang nag-kumbinsi sa kan'ya na gamitin ang kakayahan sa pakikipaglaban. Bagaman nakumbinsi siya nito na sumali sa guild ay hindi pa rin nawala ang pangamba niya na masangkot sa kapahamakan. Kaya madalas kung kaya niyang umiwas ay pilit siyang umiiwas.
"Dmitri, pwede mo bang i-set up para sa akin ang soxhlet extractor?" ang pakikiusap ni Healer sa kaibigan habang hindi inaalis ang mga mata sa microscope.
"Anong binabalak mo ngayon?" ang tanong naman ni Dmitri sa kaibigan.
"Balak kong e-extract ang volatile oils sa dahon ng punong iyan. Susubukan ko kung makakagawa rin ako ng mosquito repellent sa dahon ng punong ito," ang sagot ni Healer na nakapagpahalakhak sa kaibigan.
"Hindi iyon ang tinatanong ko, Linus. Ang itinatanong ko ay kung anong balak mo sa buhay mo. Magkukulong ka na lang ba rito sa laboratoryo?" ang tanong ni Dmitri na nakapag-palingon sa kan'ya.
Nakakunot ang kan'yang noo na hinarap ang kaibigan."Nakita ko iyong imbitasyon sa'yo. Pag-isipan mo. Sayang naman," ang saad pa ni Dmitri na nagsimula nang i-assemble ang soxhlet apparatus para makapag-extract ng maraming volatile oils.
Ilang araw pa ang lumipas. Halos marindi na siya sa kaibigan sa paulit-ulit nitong pangungulit na sumali sa mga ka-guild niya na sumubok para maging bayani.
BINABASA MO ANG
Silver: The Son of the Rebellion I
Fantasy[EDITED] Risen from the abyss of Etherea, the darkest, most impenetrable shadow. The Grandeur Clan, the bloodline of the werewolves, is making its first scream from the bottomless of the chasm, howling softly, after a decade and years of waiting, as...