Chapter 14

40.2K 1.5K 315
                                    

"Sigurado ka na ba talaga?"

"Opo," sagot ni Niana habang kumakain ng tinapay at nakaupo sa countertop ng kusina. Kausap niya ang papa niya. "Sabi ko naman po sa inyo, huwag na tayong magluto, e. Sana nag-order na lang po tayo, Pa."

Umiling ang papa ni Niana at hinango ang nilulutong salmon habang inaayos naman ang vegetable salad para sa gaganaping dinner kasama si Cavin at mga magulang nito.

Dating chef sa isang malaking hotel ang papa ni Niana kaya marunong ito sa mga kakaibang luto, pero natanggal sa trabaho dahil nagkasakit. Isang rason iyon kung bakit sila nawalan ng malaking source of income at nawalan pa ng ipon.

Gamit ang sariling pera, bumili si Niana ng ingredients kahit may kamahalan. Ayaw niyang lugaw ang ipakain sa mga magulang ni Cavin.

"Mas magandang ako ang magluluto," nakangiting sabi ng papa niya. "Mukhang mabait naman ang magiging in-laws mo. Basta ang masasabi ko lang, kung ano man ang mangyari, nandito lang kami."

Tahimik lang na nakikinig si Niana sa papa niya bago ibinaling ang tingin sa mama niyang naghihiwa naman para sa salad na gagawin.

"Kung napipilitan ka lang sa kasal, puwede ka pa namang umatras, Niña. Puwede mo pa rin naman sigurong sabihin sa kanila na hindi ka pa ready?" sabi ng mama niya na tumigil sa paghihiwa. "Maiintindihan naman siguro nila, 'di ba?"

"Mahal ko si Cavin, Ma." Niana tried so hard to smile genuinely to hide the lies. "Mahal ko rin naman siya kaya po ako pumayag. Siguro po napaaga, pero okay lang naman po siguro 'yun, 'di ba?"

Dinig ni Niana ang lalim ng paghinga ng mga magulang niya, pero kaagad ring ngumiti, lalo ang papa niya. "Kung saan ka naman masaya, susuportahan ka naman namin, e. Sa totoo lang, nalulungkot ako kasi ang aga pa, Niña. Alam kong marami ka pang pangarap, e."

Walang mali sa sinabi ng papa niya dahil alam ng mga ito ang inilatag niyang pangarap para sa pamilya nila at para na rin sa sarili.

Kung alam lang ng mga ito na matutupad na niya ang lahat ng iyon oras na magpakasal siya kay Cavin. Makabibili siya ng bahay, mapalalago ang mga negosyo, at mas maaalagaan niya ang mga magulang.

"Natatakot lang din naman ako, Niña. Pakiramdam ko naman na mababait ang mga Karev, pero natatakot ako sa layo ng buhay natin sa kanila at ikaw ang iniisip ko. Ayaw kong husgahan ka ng ibang tao, Niña." Malungkot ang boses ng mama niya habang nakatitig sa kaniya. "Ayaw kong masaktan ka."

"Ma, kaya nga, 'di ba, sa ngayon, itatago na muna namin ni Cavin ang tungkol sa magiging kasal namin tulad na lang ng pagtatago namin sa relasyon namin?" paliwanag ni Niana. "Huwag po kayong mag-alala sa akin, Ma. Kaya ko po."

Nagpaalam na rin muna si Niana sa mga magulang para magligo para kung sakaling dumating na sina Cavin, ready na siya, at habang nakatitig sa salamin, mayroong bumagsak na luha sa mga mata niya.

"Ano ba 'tong pinasok natin?" Niana sobbed silently while caressing her chest where the heart was. "P-Para sa p-pamilya," she whispered.

Araw ng pamamanhikan ng mga Karev sa kanila at naging discussion pa nila ni Cavin iyon noong isang araw.

Gusto ng mga magulang ni Cavin na maging traditional sa pamamanhikan at nag-decide na bibisita ang mga ito mismong bahay nila na ilang beses tinanggihan ni Niana.

Bukod sa maliit ang bahay nila, walang parking area sa mga sasakyan lalo na at nasa tabi sila ng kalsada, at nakaramdam si Niana ng takot sa mga ito.

Hindi na rin nagbukas ng canteen ang parents ni Niana para makapag-prepare sa kakainin nila. Si Niana naman ay galing pa ng school para sa pagpapa-check ng thesis, pero hindi na pumasok sa trabaho para makatulong.

Married, Concealed, Appealed (East Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon