Chapter 6
"Summer Break"
Written by ShyyshaiiAgad napatingin sa amin ang mga kaklase namin dahil sa sigaw niya.
Hayss! Attention seeker talaga to eh noh?
"Magsalita ka talunan!" sigaw niya ulit sa'kin.
Luh! Kinareer pa talaga ang pagtawag sa'kin ng talunan ha?
"Pipi ka ba ha? Baka naman kinarma na yang bibig mo sa pagsagot-sagot mo sa'kin? Tss!" kapre.
Baliw! Malamang nag-iisip ng idadahilan.
"Malamang tinulungan ako. Sa tingin mo ba makakalabas ako 'dun kung walang tumulong?" nginitian ko siya ng pilit. Inis na inis na ako sa taong to ah.
Pagkatapos kong sabihin yun ay nagkatitigan pa kami ng mga ilang segundo.
"Huwag mo akong ngitian! Hindi tayo close! Hindi ako nakikipag-close sa isang TA. LU. NAN." at idiniin niya ang pagsasabi ng talunan.
Atsaka naglakad na siya palayo sa'kin.
"Pasalamat ka nga nginingitian kita diyan eh! Kahit mukha kang kapreng hilaw! Tss." sigaw kong sagot sa kanya bago pa makalayo sabay roll eyes.
At dahilan upang mapalingon siya.
"Anong sabi mo?!" nanggagalaiti niyang tanong sakin.
"Wala. Wala akong sinabi. Bakit may narinig ka?"
Kinuha ko yung bag niya na nakalagay sa upuan niya.
Binigyan ko siya ng nakakaasar kong ngiti bago ko binato sa kanya ang bag niya.
At mabilis naman niya itong nasalo.
"Nice catch! Mukhang lilipat ka na kasi ng upuan eh. Kaya binigay ko na yan sayo." sambit ko.
"Hindi ako lilipat ng upuan!" sabi niya sa akin.
Hindi lilipat eh tumayo nga eh.
Galit itong bumalik ulit sa upuan niyang nasa tabi ko at inirapan ako.
Pero pagkaupong-pagkaupo niya ay sinipa ko yung upuan niya at nag-crack yung bandang inu-upuan.
HAHAHAHAHAHAHAHA!!!
Pinipigilan ko ang sarili kong mapatawa.
"Pfftt. HAHAHAHAHA." tawa ako ng tawa dahil sa nangyari sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Pero hindi ito planado ah? Hindi ako ganun kasama. Sadyang natrip ko lang 'to sa kapre na 'to.
"Ayan ang napapala ng taong mayayabang." mapang-asar kong tanong sa kanya.
Hindi niya ako nasagot dahil sa pagdating ng prof. namin.
Pero bakas parin sa mukha niya ang pagkaasar.
"Good morning, class." bati ni Ms.Gueverra.
"Good morning, ma'am." bati rin ng mga kaklase ko.
"Okay class, let's start our lesson. Wait, Mr. Hartz... why are sitting at the floor?" tanong sa kanya ni Ms. Gueverra.
"Can't you see? Sira ang upuan ko. Tss." iritang sagot ni kapre.
Tsk.Tsk. Wala talagang galang ang lalaking 'to eh.
"I'm sorry Mr. Hartz, it's my responsibility. And oh! Mr. Cortwar is absent today so... you can sit there for temporary." sabi ni ma'am kay kapre.
Atsaka tinuro ang bakanteng upuan ng kaibigan niya. Mukhang late ata yung Jayden nayun.
"Psh! Of course ikaw ang may responsibilidad samin. If you want to stay in your job. Tss." sabi niya atsaka siya naglakad patungo sa upuan ni Noah.
*sigh*
It's my fault.
Sa kalagitnaan ng discussion ay ginalaw-galaw ko ang batok ko upang matanggal ang ngalay dahil sa kanina pa ako tumutungo.
Nang aksidenteng mapadako ang paningin ko sa upuan ni kapre na bagsak at nawalan ng isang paa.
Kaya't ng maalala ko ang expression ni kapre nung mahulog siya ay agad akong napatawa.
"Class katulad lang ito ng buhay natin...."
"Pfftt..." ooppss! wag kang tatawa AC nagdi-discuss pa c ma'am eh.
"Kaya class gaya nga ng sinabi ko sa inyo, wag kayong magpapadali sa pag-aasawa dahil...." ano ba naman tong teacher namin.
Kita na ngang nag-aaral pa kami eh pag-aasawa na kaagad ang itinuturo.
Tumingin ako sa unahan at nakita ko si kapreng hilaw. Naalala ko na naman tuloy yung expression niya nung bumagsak.
"Pffftt... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" hindi ko mapigilang pagtawa ng maalala ko yung nangyari kanina.
Naku kapre! Ambilis yata ng karma mo!
"HAHAHAHHAHAHAHHA!" tawa ko naman ulit.
Wait...
Bakit lahat sila nakatingin sakin?
"Ms...?!?" tanong ng teacher namin.
Agad ko naman siyang sinagot.
"Ms. Harkley, ma'am."
"Well, Ms. Harkley, if you don't mind, you are disturbing my discussion, at the middle of my class your laughing?! What's funny about sex? Answer it." sabi ni ma'am.
S-sex? Tungkol na pala doon ang lesson namin. Hay! Kanina pag-aasawa ang topic tapos ngayon sex na?!
Patay! Anong isasagot ko?
"Ma'am!" at bakit naman nagtaas ng kamay ang lalaking kapre na'to? Ano na namam ang plano niya.
"What is it Mr. Hartz." tanong ni ma'am.
"Ma'am, di po ba may kasabihan na kapag ang babaeng tawa ng tawa ay gusto ng mag-asawa? HAHAHAHAHAHA!" sabi ni kapre.
Ano namang nakakatawa dun? Akala niya aatrasan ko siya?! No! Hindi!
"Pwes! May kasabihan rin tayong... Ang lalaking tawa ng tawa, isang dangkal ang haba!" dahil sa sinabi ko ay nagtawanan naman ang mga kaklase ko kasama pa si ma'am.
Oh? Ano ka ngayon?
Napatigil naman sila sa pagtawa ng makita nila ang galit na mukha niya. At ang sama pa ng tingin niya sa akin. Aba! Kasalanan kaya niya 'yan. Siya 'tong bigay ng bigay ng kasabihan eh.
Tama bang sinabi ko yun? I don't care.
_________________________________
G'day! Thank you for reading babies!🦋Please do comment and vote. Tenchuuu!😘
BINABASA MO ANG
SUMMER BREAK (ON-GOING)
Teen Fiction𑁍𝐒𝐮𝐦𝐦𝐞𝐫 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤𑁍 Part of growing up is realizing that you love so many people and you'll get hurt. But in a billion of peoples around you, their is only one people that's destined for you. Ayeesha Christine Harkley - The new girl at Har...