A/N: ~Annyeong!! Feelingera lang aketch. hahaha :) Eto na naman ako. I feel great thank you sa mga commnet niyo. Alam ko curious kayo sa maraming bagay pero malalaman niyo din yun sa TAKDANG PANAHON. Hohoho parang si BIG BROTHER lang. O siya eto na :D LET'S CRY. Ay SMILE pala :D
IBTO 18 - Our Conversation
"Can I talk to Sol?"
Sinabi ko yun habang nakatingin ako kay Sol.
Naramdaman ko na tumingin sa akin si Kyo, kahit di ako nakatingin alam kong nagulat siya dahil humigpit ang hawak niya sa akin.
"Ren?" napatingin ako sa kanya. Yung mga mata niyang nagtatanong, natatakot na para bang mawawala ako sa oras na pumayag siya.
Kailangan ko lang ng kasagutan. Kyo, just wait and trust me.
Bumalik ang tingin ko kay Sol. Napatingin si Aaliyah sa kanya at nakita ko na humigpit ang hawak ni Aaliyah sa kamay ni Sol.
Para bang sinasabi niya na 'I trust you'. Napaiwas ako ng tinigin.
Napatingin ako kay Kyo, napayuko lang siya at dumiretso sa kotse niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa umalis ang kotse niya.
Napatingin ulit ako sa kanila. Ngumiti si Aaliyah sa akin at sabay na binitiwan ang kamay ni Sol. Dumiretso siya papunta sa Ice cream shop kung saan nandoon sina Ji yong.
Tahimik.
Nakatayo lang kami at walang balak magsalita. Ni ayaw niya akong tingnan.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Hindi siya sumagot.
"So silence means yes?" Tumingin siya sa akin pero iniwas niya din.
Lumakad siya papunta sa loob ng school. Sinundan ko lang siya.
Tahimik at tanging hangin lang ang mararamdaman mo.
Napapunta kami sa park ng school. Hanggang ngayon paborito pa din niya ang park. Katulad ni Aaliyah, sa park siya umiiyak. Ako ba? Saan ba ako umiiyak?
Umupo siya sa swing. Umupo din ako sa tabi niya.
Ayaw niya talagang magsalita.
"May balak ka bang magsalita??" Tanong ko.
"What? What do you want to talk about?" Nakatingin siya ng diretso sa harap. Nasasaktan ako para bang gustong-gusto na niyang umalis.
"I want to talk about US." Simpleng sagot ko.
Nakita ko siyang ngumisi.
"There's no US." Simple lang din niyang sagot.
Parang tinusok ang puso ko. Nangingilid na ang luha ko pero pinipigilan ko. Hangga't maari ayaw kong umiyak. Ayaw kong makita niya akong mahina. Pero bakit ganun? Sumisikip yung dibdib ko.
Napabuntong hininga ako.
"Bakit ganun? Isang taon na walang communication. Isang taon na wala ka. Hinintay ko yung pagkakataon na dumating ka. Para awayin ka kasi di mo ako kinausap. Pero nung nalaman kong dadating ka, wala akong ibang inisip kung hindi mayakap ka, mahalikan ka at makasama ka. Pero nung nalaman kong kayo na...ulit. A-anong nangyari?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Habang siya ayaw pa din niyang tumingin. Naiirita na ako. Bakit ba ayaw niyang tumingin??!
"Maybe, our love wasn't real. Maybe, I was just longing for Aaliyah. Maybe, I thought I was in love with you."
Tumulo na ang luha sa mga mata ko.
"But it was all just 'maybe'" mahina kong sagot.
"I have loved Aaliyah and will continue to love her more."
BINABASA MO ANG
I'll be the one (A LMBTO FanFiction)
Fanfiction~A LMBTO FANFICTION. Ako si Renesmee Marie Alcantara Clarkson at inlove ako kay .......