xiv † Promise

32 1 0
                                    


Aldrin PoV

Hindi na talaga ako mapakali. Pagulong-gulong ako sa kama ko. Hindi kasi ako makatulog. Iniisip ko pa rin si Mikee at ang mga kasama niya roon.

"Hindi siya ang kaibigan mo!" Sabi ni lolo kanina. "Patay na siya. Pinatay na namin siya noon."

Hindi nga ba siya ang kaibigan ko? Napapikit ako ng maalala ang nasaksikhan ko sa villa Rosetta sampung taon na ang nakakalipas. Kung patay na siya, sino yung nakita ko sa palengke?

Naguguluhan na ako.

Tumayo ako at pumunta sa may desk ko. Umupo ako doon at tinitigan ang larawan na nakapatong doon.

Larawan namin yun ni Mikee. Napakawagas ng ngiti nito sa larawan. Ng mga oras na yun noon, una kong nakita ang ngiti niya. Namasyal kami noon sa isang kapilya na ginawa sa tuktok ng isang burol. Dinala niya ako noon doon. Sinabi niya na doon daw siya nagpupunta kapag nalulungkot siya.

"Kung ganoon, malungkot ka?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin. Nakaupo kami ngayon sa tabi ng malaking grotto ng kapilya. Tanaw na tanaw namin ang buong San Quintin.

"Mukha ba akong malungkot?" Sabi nito saka yumuko. Itinaas ko ang mukha niya at hinawi ang makapal nitong bangs na halos takpan na nito ang mga mata niya.

"Knock! Knock!" Sabi ko pero kumunot lang ang noo niya. "Naman! Ang sabihin mo 'who's there?'."

Ngumiti siya. Napatigil ang mundo ko ng makita yun. Napatulala ako. Ito ang unang bese na makita ko na buo ang ngiti niya. Ngumiti din ako.

"You must smile more often." Sabi ko. Kinuha ko ang camera ko sa bag. "Picture tayo." Yakag ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Hinila ko siya sa may tagiliran para mapalapit siya sa akin. "1...2...3" Bilang ko sabay click ng camera.

Tumingin siya sa akin.

"Isa pa!" Sabi ko.

Tumango naman siya saka ngumiti.

"1...2..." bilang ko ulit. But before I click the camera I did something that made me realize how I adore him. How I adored Mikee. I Kiss him on his cheek. Nagulat pa siya nun. "I-im sorry!" Baka kasi magalit. Hindi siya nagsalita.

"A-ano ba ako sa'yo?" Tanong niya. Nakayuko na naman siya. Hinarap ko siya.

"I-I love you!" Bulalas ko. Hindi ko na iniisip kong ano ang sasabihin niya. Napaangat siya ng tingin sa akin. Tinitigan niya ako.

"Nga-ngayon lang may nagsabi niyan sa akin." He said then he bursted into tears. Niyakap ko siya. "They don't love me at home. Siya na lang palagi kasi ang nakikita nila. Ako baliwala lang."

"Tahan na. I promise, Mikee." Tinitigan ko siya sa mata. "I'll protect you, no matter what."

"I'll protect you." Sabi ko habang nakatitig sa larawan namin. Yung mga salitang yun; yung pangako ko sa kanya na hindi ko natupad.

Pinunasan ko na ang luha na tumutulo galing sa mata ko. Tumayo ako at naghanap ng jacket sa cabinet ko.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto ko. Nag-iingat na huwag nakagawa ng ingay at baka marinig ako ni lolo. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan hanggang sa makalabas ako ng bahay. Malakas pa rin ang ulan pero hindi ko na lang yun inisip.

Basta ang gusto ko ngayon ay makita si Mikee at matupad ang pangako ko sa kanya. I'll protect him, no matter what.

---

Gladys PoV

"Nasaan na kaya si John Paul?" Tanong ko. Nakatayo ako ngayon sa sala at nakatanaw sa labas ng bintana. Palakas pa rin ng palakas ang ulan.

"Anong meron?" Nilingon ko ang nagtanong. Si Sheila pala nagpupunas ng buhok.

"Naligo ka?" Tanong ni Rachel.

"Ay, hindi. Trip ko lang magpunas ng buhok." Banat naman ni Sheila. Napahawak pa ito sa sikmura. Tumunog yun.

"Nagrereklamo na yang tiyan mo." Pang-aasar ni Rachel sa kapatid.

"Eh magagawa ko. Sa gutom ako eh." Sabi nito saka naglakad papuntang kusina. Bilib naman ako sa ibang kasama ko. Parang wala lang sa kanila ang nangyayari.

"So, ano na?" Biglang tanong ni Darren. Humarap ako sa kanila. Magkakatabing nakaupao sa mahabang sofa sina Darren, Rachel at Darryl. Si Illonah naman sa single couch; nasa armchair naman nito si Gerick.

Mabuti na lang at kinausap ko sila kanina. Nagkabadtripan kasi sina Darren at Gerick.

"Hindi ko alam." Sagot ko sa tanong ni Darren. "Nag-aalala na ako kay John Paul. Nasaan na kaya yun?" Pinigilan kong mapa-sob pero hindi ko napigilan. Tumalikod ako sa kanila saka napaluha.

"Kailangan na nating umalis dito." Suhestiyon ni Darryl.

"Ganun ba kadali ang umalis dito?" Tanong ni Sheila na sumulpot galing kusina. May dala itong isang mangkok ng mainit na sopas. "Kumain na kayo? Halos hindi pa nabawasan yung naluto ah."

"Sa tingin mo makakakain kami?" Sigaw ni Illonah. Masama niyang tinignan si Sheila.

"Relax! Nagtatanong lang ako." Depensa naman ni Sheila. Nagtaas na rin ito ng kilay.

"Guys, wag tayong mag-away." Awat ko naman. "Ang dami na ngang nangyayari."

"Sorry, girl." Sabi ni Sheila saka umalis. Bumalik na ito sa kusina.

"Your sister is so insensitive." Asar na wika ni Illonah. Tinitigan lang siya ni Rachel. Tumayo na ito saka naglakad palapit sa akin.

"Wala man lang bang taong tutulong sa atin dito?" Tanong ko. Walang nagsalita sa kanila. Natahimik na naman kami. Tanging ang kulog na lang ang naririnig.

I sobbed again. Niyakap ako ni Illonah. "What if?" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Magiging ayos lang tayo." Pagpapakalma naman sa akin ni Illonah. May yumakap pa sa akin. Si Rachel pala yun.

"Group hug, guys." Sigaw ni Darryl.

Yumakap na silang lahat sa akin.

"Ahhh!" Sigaw ni Illonah. Napabitaw kami sa pagkakayakap.

"Bakit?" Tanong ni Gerick sa kanya.

"May tao sa labas." Napatingin naman ako. Nabuhayan ako ng loob. Baka si John Paul na yun.

Agad akong tumakbo papuntang pinto para buksan yun. "John Pau--" Natigilan ako. "Si-sino ka?" Hindi pala si John Paul ang nasa labas.

Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng gray hooded jacket at basang-basa pa.

"Si-si Mikee, andyan ba?" Tanong nito sa akin. Patingin-tingin pa ito sa loob ng bahay.

"Wala siya. Nawawala." Nagulat ang lalaki sa sinabi ko.

Pero mas nagulat kami ng biglang kumidlat ng malakas at saka namatay ang ilaw.

Hindi ko na inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Nawalan ng ilaw ang bahay. Unti-unti na rin kaming nawawala.

---

The Evil WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon