November 18, 2021, 12:00 amBoyfriend:
Happy 1st Monthsary, love!
Nauna ako bumati. HAHAHAHA
Kinikilig ako, isang buwan na tayo.
I love you!
Girlfriend:
Happy Monthsary po!
I love you rin!
'Wag kang kiligin, sa una lang 'yan.
Charot. HAHAHAHA.
Boyfriend:
Parang sinabi mo na rin na sa una lang ako magaling, ha.
Tamo, patutunayan ko sa'yo, consistent ako.
Kung ano ako ngayon, ganito ako hanggang dulo.
Girlfriend:
Totoo ba 'yan?
Boyfriend:
Oo naman.
Pramis.
Girlfriend:
Oh, 'yan 'yong pinaka-ayaw ko.
I don't like promises.
Kalakip ng salitang pangako ang pag-asa.
Kapag nangako ka, aasa ako.
What if, hindi mo matupad 'yon? Edi masasaktan ako.
If you want to do something, you don't need to promise it.
Gawin mo na lang. Patunayan mo.
Hindi mo kailangang mangako.
Para wala akong aasahan kasi ayokong masaktan sa bagay na pinangako mo pero hindi mo tinupad
Naiintindihan mo po ako?
Boyfriend:
Opo.
Tama ka po, ngayon ko lang na-realize.
May bago na naman akong nalaman.
Love, ako first boyfriend mo pero mas matured ka pa sa akin pagdating sa relationship.
Girlfriend:
Kababasa ko 'to ng Wattpad.
HAHAHAHA.
Boyfriend:
Ang swerte ko na sa'yo.
Hindi ko hahayaang mapunta ka pa sa iba.
Girlfriend:
Like how it should be.
Because you can't find another me.
Hehe.
Taas ko, 'no? HAHAHAHA.
Boyfriend:
Ang taas mo.
Pero naabot ko.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Memory|epistolary✓
Short StoryMyst and Razhiel were once schoolmates. She liked him but her feelings were not reciprocated for he doesn't really commit to relationships. Another reason, Raz thinks of Myst as someone who wouldn't like him. He never tried to pursue her even though...