16- Revelation

24 1 0
                                    

ISANG hapon ay naghihintay si Nerry kay Taylor sa exit gate ng school dahil sinabi nitong sabay silang uuwi, nauna na sina Aigust na umuwi dahil may gagawin pa daw ang mga ito.

Nagulat siya nang may isang babaeng biglang humawak sa kamay at sa gulat n'ya ay agad din n'yang nahila ang kamay dito. Mukha itong pamilyar sa kanya. Saglit n'yang inalala kung sino ito at napagtanto ring ito ang babaeng humalik sa pisngi n'ya sa resto noon—na dahilan kung bakit sila nabugbog ni Taylor.

"Ano'ng kailangan mo, miss?" tanong n'ya.

"Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ng boyfriend ko sa 'yo, sinabi kasi n'yang nabugbog ka n'ya at 'yong kasama mong kaibigan."

"Okay na ako, pero baka puwedeng layuan mo na ako kasi baka malaman na naman n'yang nakipagkita ka sa akin."

"I was waiting for him, gusto ko lang talagang mag-sorry."

"Okay na, sige na." siya na lang ang umalis sa tabi ng babae, nag-text na lang siya kay Taylor kung saan siya susunduin nito.

Nang sumunod na araw ay may gift box na nasa locker n'ya. Naisip n'yang baka galing kay Taylor pero nagulat siya nang buksan n'ya 'yon at isang patay na daga ang laman.

"Ano yan?" usisa nina Kan sa kanya at nagulat din ang mga ito nang makita ang laman. Mabilis n'yang ibibigay 'yon sa janitor at nakiusap na itapon na lang.

Hindi na sana n'ya 'yon sasabihin kay Taylor dahil baka mag-freak out ito ngunit naikuwento naman nina Mond, kaya si Taylor ang nag-iimbestiga kung sino ang naglagay n'yon sa locker n'ya.

Ayon sa CCTV ay isang lalaking nakasuot ng itim na cap ngunit hindi makita ang mukha. Ka-built din ng katawan at height ang lalaking nakasuot noon ng mask na nang harass sa kanya sa pool area.

"My hinala na talaga ako sa kung sino 'yan." sabi ni Taylor.

Alam n'yang pareho sila ng hinala ni Taylor noon pa at mas lalo n'yang napatunayan 'yon dahil sa babaeng nagpakita sa kanya no'ng isang araw. Wala namang may galit sa kanya maliban sa boyfriend ng babae, nagselos ito sa kanya kaya siya ginagawan ng masama.

"Hindi ko na ito mapapalagpas." sabi bi Taylor. Ayaw sana n'ya ng komusyon pero sobrang nag-aalala ito para sa kanya.

Ini-report ni Taylor sa school administrator at pati na rin sa student council, sinabihan din nito sina August na bantayan siya kapag hindi sila magkasama dahil baka biglang magpakita ang lalaking 'yon at saktan uli siya.

"Kung puwede lang akong lagi sa tabi mo, gagawin ko ma-protektahan ka lang." sabi ni Taylor.

Hinawakan at pinisil n'ya ang kamay nito para ipanatag ang pakiramdam nito. Natatakot din naman siya pero mas natatakot siya na baka madamay si Taylor dahil sa kanya.

"PUWEDE ba kitang makausap?"

Mabilis na nag-angat ng tingin ang criminology student na si Krane kay Nerry at mabilis na pinaalis ng lalaki ang mga kaibigan nito.

Matapang ang mga titig nitong nakatingin sa kanya na animo'y anumang oras ay maaari siyang tunawin gamit ang mga mata nito.

"Sabihin mo sa akin 'yong totoo, ikaw ba ang may kagagawan nang lahat nang nagyayaring pagbabanta sa akin dito sa achool?" seryosong tanong n'ya.

Ang akala n'ya ay magsisinungaling ito pero mabilis nitong inamin na ito nga ang nananakot sa kanya.

"Ilang beses na kitang binalaan na lumayo sa girlfriend ko!"

"Wala akong kinalaman sa girlfriend mo, hindi ko siya gusto at 'di ko siya kailanman magugustuhan kaya tigilan mo na ako!"

"Sinasabi mo bang pangit siya?" galit na sabi nito.

TLWS 2: Secretly Loving You (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon