Chapter 29

48 5 0
                                    

****

NAPAKURAP KURAP SI Farah nang lumabas sila ng sinehan at nilingon si Ashter "That movie is so boring" nakangiwing sabi nya

"Nakakatakot kaya" sabi ni Ashter at kinuha ang hawak nyang juice saka iyon ininuman

Umiling sya at bumuntong hininga "Let's go"

"Uwi na tayo?"

"Nope. Just drive and drive. I think that's more fun than that movie" sabi nya at nauna ng maglakad. Sinundan naman sya ni Ashter at inakbayan "May gig kami mamayang gabi"

"Can I come?"

Tumango naman si Ashter "Angel will be there too" sabi nito at nginitian sya

Napatango sya at napatingin sa nadaanan nilang bilihan ng albums "How many albums did you made?"

"Tatlo" sabi nito na kinatango nya

"How many singles?"

"13 singles" sabi ni Ashter at napatingin sa store "Bakit bibili ka?"

Umiling sya bilang sagot "Tara na"

Napatigil silang dalawa ng makitang may paparating na reporters palapit sa kanila. Agad na sinuot ni Ashter ang cap sa ulo nya at sinuot ang hoodie nya saka sya sinubsob sa dibdib nito

"Ashter...sya ba ang girlfriend mo?"

Napapikit si Farah ng pilit na kinukuhaan ng mga ito ang mukha nya saka mas sinubsob ang mukha sa dibdib ni Ashter. Sunod-sunod ang tanong ng mga ito at pinapalibutan narin sila ng mga tao

Rinig ni Farah ang bawat ingay at hinihila pa sya ng ilan ngunit mas hinigpitan ni Ashter ang pagkakayakap sa kanya. Kumapit si Farah sa t-shirt ni Ashter at mariin na pinikit ang mata. Ramdam ni Farah na may pilit na humihila sa damit nya para mapaharap sya

"Stop it!"

Napakurap si Farah ng marinig ang boses ni Ashter "Stop this. Padaan nyo kami" sabi ni Ashter

"Ashter, isang tanong lang. Sya ba ang girlfriend mo?"

"Gaano na kayo katagal?"

Sunod-sunod nanaman ang tanong ng mga reporters

"She's my girl" may diin na sabi ni Ashter dahilan para matigilan sya "Isang tanong lang diba? Now padaan"

Biglang may humawi na guards sa mga ito at inalalayan sila ng mga ito paalis hanggang sa makarating sila sa parking lot at makasakay ng kotse. Mabilis na pinaandar ni Ashter ang kotse at nang medyo makalayo sila ay tinigil nito ang kotse sa gilid ng daan

"Are you hurt? May sugat ka ba?"

Umiling sya bilang sagot at bumuntong hininga "This is my fault"

"Hindi na mauulit yung nangyari six years ago" sabi nito na kinakunot ng noo nya "Yung bago ka umalis...yung issue. Hindi na mauulit 'yon. I'll protect you this time"

"If ever that happens, let's face it together, Ashter" sabi nya at tinanggal ang cap nya "I'm tired being a damsel all my life"

Napangiti si Ashter at hinalikan sya sa noo "I'm willing to be your Knight, don't worry"

"Ang corny mo" sabi nya at napailing

Natawa naman ng mahina si Ashter at pinaandar na ulit ang kotse. Sa bar sila dumiretsyo at dahil maaga pa ay ang may-ari at mga staffs palang ang naroon

You'll also like

          

"Ikaw nanaman laman ng news ah" sabi nung may-ari na si Dexter kay Ashter at naglapag ng drinks sa harapan nila. Napalingon naman ito sa kanya "Aren't you Farah Fortalejo?"

Tumango sya bilang sagot. Tinignan naman nito ang kabuuan nya "Ikaw yung kasama nya kanina sa mall?" tumango ulit sya bilang sagot "Woah! So totoo? Kayo nga?"

"Chismoso ka 'no?" sabi ni Ashter at uminom ng alak sa baso

"Kinukumpirma ko lang kasi sya rin yung girl six years ago diba? Ang tagal nyo na ah" sabi nito

Napailing si Farah "We're not together. That was made up to save our asses out there" sabi nya at bumuntong hininga

"Showbiz nga naman. Anong plano nyo? Laman kayong dalawa ng balita. Pati mukha mo, Miss Fortalejo" sabi nito

Nagkatinginan sila ni Ashter at agad nitong hinawakan ang isang kamay nya "Sinasabi ko na eh, mangyayari 'to eh. Huwag mo na sila harapin, ako nalang bahala"

"It's fine, Ashter. They wouldn't hurt me" sabi nya rito

"Farah, lahat inuungkat nila--"

"Don't jump into conclusion. This issue will be over" sabi nya at bumuntong hininga

"Nakita rin daw kayong magkasama sa La Union"

Sabay silang napalingon kay Dexter "May pictures pa nga eh"

Agad na nilabas ni Farah ang cellphone at tinignan ang balita saka iyon pinakita kay Ashter. Nagring ang cellphone nya at nakitang tumatawag ang Daddy nya

Sinagot nya agad tawag "Hey, Dad..."

(How are you? Nasaktan ka ba kanina? Nasaan ka? Are you safe?)

"I'm with Ashter" sabi nya

(Okay. Umuwi ka na ngayon na)

"Okay, Dad" sabi nya at pinatay ang tawag saka nilingon si Ashter na may katawagan din

"Ihatid na raw kita. Kakausapin tayo ng Daddy mo" sabi ni Ashter pagkatapos nitong kausapin ang katawagan

Tumango sya at bumuntong hininga. Agad silang lumabas ng bar at sumakay sa kotse ni Ashter. Nang makarating sila sa village ay napakurap si Farah ng makita kung gaano karami ang reporters sa gate

"Paano tayo dadaan?" tanong ni Ashter

"Sa west gate. For sure, there's no paparazzi there" sabi nya at tinuro ang daan kay Ashter. Nakahinga sila ng maluwag ng makitang wala ngang reporters doon

Pinasok sila ng guard ng makitang kasama sya ni Ashter sa kotse at agad na tinahak ni Ashter ang daan patungo sa bahay nila. Nakita ni Farah ang Daddy nya sa pinto ng bahay pagkalabas nya ng kotse

Agad nitong tinignan ang buong katawan "You're not hurt, are you?"

Umiling sya "I'm fine, Dad. Good thing, I wore my hoodie" sabi nya

Pumasok sila sa loob ng bahay at hinilot ni Farah ang sentido ng makita na bukas ang telebisyon at sila nga ang laman ng balita

Nagkatinginan sila ni Ashter ng magflash sa screen ang litrato nilang kuha sa arcade kung saan nakaakbay si Ashter sa kanya habang nakayakap naman sya sa bewang nito

"Kinausap na namin si Manager. Pahupain daw muna sandali yung issue" sabi ni Ford

"It's my fault" sabi ni Farah at bumuntong hininga "I shouldn't lie to my friends"

"Insan, huwag mo sabihin yan. Ayos lang 'yon" sabi ni Angel

"Ang tinik mo, bro. Ang bilis" sabi ni Eric

Nag-iwas ng tingin si Farah at nilingon ang Daddy nya "Be careful next time, okay Farah? Sikat ang boyfriend mo kaya magiingat kayo pareho"

"He's not my boyfriend" sabi nya at napayuko

"Diring-diri ka sakin 'no?"

"Hindi naman. It's just...nakakahiya" nakayukong sabi nya

Napangiti si Ashter at hinalikan sya sa noo na kinalaki ng mga mata nya "Dun din naman ang punta natin diba?"

"You wish!" sabi nya at inirapan ito

Ngumiti lang si Ashter at inabot sa kanya ang stuff toy na nakuha nya sa arcade "Anong ipapangalan mo dyan?"

Tinaas nya ang stuff toy na tila nagtatanong kung iyon ba ang tinutukoy ni Ashter. Tumango naman ito bilang sagot. Tinignan nya ang stuff toy "It's a he"

"Kung Owen?" nakangiting sabi nito

Napatingin sya kay Ashter "Why Owen?"

"Second name ni Ashter yun" sabi ni Basti "Ashter Owen Storm, yun ang buong pangalan nya"

Napatango sya at tinignan si Ashter "Fine, I'll call him Owen"

"Pilit na pilit. Lagyan mo naman ng konting ngiti para sweet"

Inirapan nya ito "Daming alam"

Napangiti si Ashter "May first baby na tayo"

Nanlaki ang mata nya sa sinabi nito "What?"

Nginuso ni Ashter ang stuff toy na hawak nya "Si Owen"

Rinig ni Farah ang kantyawan sa paligid nila dahilan para mapayuko sya sa hiya

"Ehem!"

Napalingon sila sa Daddy ni Farah ng bigla itong tumikhim. Bigla naman syang inakbayan ni Ashter "Pwede mo na syang ipaubaya sakin, Tito?"

Napairap sya sa sinabi ni Ashter "Stop it, will you? You're annoying"

"Grabe ah. Nagsasabi lang naman ako ng totoo saka don't worry, pananagutan naman kita" sabi nito

Inismiran nya ito at umakyat sa hagdan saka nagtungo sa kwarto nya. Nilock nya ang pinto at nilabas ang ngiti. Sumandal sya sa pinto at napahawak sa dibdib nya. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso

Niyakap nya ang stuff toy "Your father is crazy, Owen"

A Voice of an AngelWhere stories live. Discover now