Chapter 12

92 5 0
                                    


Baby

Chapter 12

“Jezzz! That was a stupid prank.” I exclaimed as I walking towards the couch.

Kagagaling lang namin sa simbahan at katatapos lang manghimasok ni Fridge sa isang kasalan. Weekend ngayon kaya kagaya ng napagkasunduan, ngayon namin isinagawa iyong pampa-prank ang kaso, sa kasamaang palad, nauwi sa hindi maganda ang lahat. We intrude to someone's wedding and we really ruined it.

“Paano na ako niyan ngayon? Kainis naman, e. Paano nalang kung patayin ako ng lalaking iyon?” Problemado at maluha-luhang wika ni Fridge habang nakasampak sa sahig. Looking at her now, she is so exaggerated, frustrated and devastated. Sabagay sino ba namang hindi?

“Ang nega mo! Hindi ka naman siguro nila namukhaan,” ani Avah.

“Anong hindi? Wala naman akong gamit na maskara ng pasukin ko 'yon. Gaga!”

Tumayo ako mula sa couch at dinalohan si Fridge na ngayo'y parang bata ng nakalupasay sa sahig.

“Everything's gonna be alright, Fridge. Just think positive,” pagpapagaan ko sa nararamdaman niya.

Alam ko kung gaano kahirap ito para sa kaniya pero wala na kaming magagawa pa ro'n, e. Nangyari na ang nangyari. Siraulo kasing Avah na ito. Hay naku!

“That's a huge trouble!” anang muli ni Fridge saka naupo sa couch niya.

“Sorry na. Malay ba nating magkakagano'n?” Wika ni Avah saka niyakap ang babae. “I'm really sorry.”

“Hindi ako galit sa 'yo. I'm just worried about my situation right now.”

Lumapit din ako sa kinaroroonan nila at tinapik ang balikat ni Fridge.
“Huwag kang mag-alala. Ginawa natin itong tatlo kaya su-solusyonan din natin itong tatlo. All for one, one for all.”

“Yeah! We won't leave this on you. We're together on this,” saad naman ni Avah at nagyakapan kaming tatlo.

Huge problem with a huge responsibility, but it's alright, as long as we are all together on this, huge problem going to be lite. Parang kahit na anong problema ay makakaya naman namin basta't magkasama kaming tatlo. We're family and we care to each other. Ang problema nga lang ay kapag nalaman ito ng mga pamilya namin. We are all at mess again, I think.

Pagkatapos naming mag-usap-usap na tatlo ay umuwi na rin ako sa amin. Si Avah nanatili muna sa condo ni Fridge upang samahan muna ito. Hindi kasi ako maaaring magtagal kina Fridge sa ngayon dahil pupuntahan ko pa si Natalie sa bilangguan. Bukas na kasi ang hearing sa kaso niya kung kaya't kailangan ko siyang makausap.

“Sa'n ka galing?” bungad na tanong sa 'kin ni Mom ng makita akong paakyat ng hagdan. Naka-formal dress ito na kulay itim at mukhang may lakad base sa ayusan nito.

Huminto ako sa paglalakad saka tumingin sa kaniya. “M-may pinuntahan lang po.”

Tumango-tango ito saka tumingin sa phone niya na kasalukuyan niyang hawak. “I have a charity party to attend. Baka gusto mong sumama.”

I cringed to what she said.

Ako sasama sa kaniya sa charity event na dadaluhan niya? Nahh. No way. Puro sosyalan at plastikan lang ang ginagawa ro'n, e. Mas gugustuhin ko nalang na magmukmok sa kuwarto kaysa um-attend ng mga ganoon.

“I need to talk to my client later, Mom. I can't go with you.” Sabi ko saka nagpatuloy paakyat.

“Okay. But sometimes, try also to socialize with other people. You're being out of place.” Rinig kong saad pa nito ngunit hindi na ako nag-atubili pang lingonin siya. Napairap nalang ako sa ere sa mga sinabi niya.

Blacksheep Series #2: The Obedient DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon