Chapter 10

1.5K 46 3
                                    

NGUMITI ako ng malawak nang matanaw si Alexander papunta sa gawi ko.Mas napangiti ako sa dala nitong mangga.
No'ng sinabi kong gusto ko ng mangga ay mabilis itong kumilos at sasabihing bibili daw siya.
Pero fresh ang gusto ko kaya wala siyang choice kundi akyatin ang puno ng mangga.
Natatawa parin ako hanggang ngayon sa mga pinaggagawa niya kanina.

Flashback....

"Parang gusto ko ng mangga."wala sa sarili kong usal saka tiningnan ang katabi ko.
Ngumiti ito saakin bago nagsalita.
"Bibilhan nalang kita mamaya,okay kang ba?"inirapan ko ito saka tumalikod.
"Gusto ko ngayon na eh."nagtatampo kong saad,bumuntong hininga naman ito.

"Okay,i'll buy some mangga as in now na.What do you want to eat pa?"nawala agad ang init ng dugo ko sa sinabi nito.
Hinarap ko ulit ito saka hinawakan ang kamay niya.

"Fresh na mangga huh,yung kagagaling pa sa puno."masaya kong wika dito.
Nakita kong nag alinlangan pa siya,nang makita ang reaksyon dito ay hindi ko mapigilang tumaas ang isang kilay.
Tiningnan ko siya ng mariin na parang sinabi kong TINATANGHIHAN MOKO?
Dahil sa mukha ko ay bigla itong ngumiti saakin.Gumaan naman kaagad ang loob ko.

"O-okay,i'll asked someone to get some mangga for you."mahinang usal niya saka tumayo pero bago pa man siya maka alis ay pinigilan ko ito.
"Wait lang naman,ayaw ko sa iba.Gusto kong ikaw ang kumuha para sakin."nakanguso kong saad dito,namutla ito sa sinabi ko pero wala akong paki alam.Basta mabigay niya lang lahat ng gusto ko ay okay na ako.

"Seriously,ako!?"nanlalaki na ang mata nito sa sobrang kaba at gulat.Sinamaan ko ito ng tingin.
"Ayyy sige wag nalang ,ako nalang ang aakyat ng puno."pananakot ko dito kaya mas lalo siyang nataranta.
"F-fine,i'll try to climb just to get your mangga."ngiting tagumpay naman akong naglakad sa pwesto niya.

"Lets Go?Sasamahan kita para ako ang manghihingi ng mangga."masaya kong usal dito saka ito hinila para makapag lakad na.Parang tuod naman kasi ito masyado.

———

"Ihagis mo kasi sakin!"nag sisigaw na ako dito sa baba sa sobrang inis.
"I don't want to hurt you baby so please wag mong sasaluhin.Leave it to Mang Kanor."malambing na saad nito kaya mas lalo akong nainis.Sobrang arte!Gusto ko lang naman saluin para may ginagawa ako.

Wala akong choice kundi ang umupo sa kawayang bangko dito.
Siguraduhin niya lang na worth it ang pag aantay ko dahil kong hindi nako.

End of flashback...

Yun ang alamat ng mangga ni Alexander.Masaya ko namang nilantakan ang hilaw na mangga.Meron pa akong sawsawan na bagoong at limang siling labuyo.
Sarap na sarap ako sa kinakain ko pero itong isa ay parang nangangasim na ang mukha.
Hello!Ako ang kumain ng hilaw na mangga tapos siya ang mag rereact.

Nilunok ko muna ang nasa bibig ko na mangga saka ako nag sawsaw ng panibago.
Nilapit ko ito sa bunganga ni Alexander.

"Ahh?"tumanggi naman ito saakin sa pamamagitan ng pag iling.
"Kakainin mo o ipapalunok ko to sayo ng buo."seryusong saad ko dito,kahit namumutla ay ngumanga rin naman ito .
Sinubo ko sakanya iyon saka pinunasan ang bibig nitong may naiwang sawsawan.

"Masarap diba?"pag ungot ko dito pero nagtaka ako nang bigla itong yumuko.Nag aalala ko naman itong nilapitan saka hinarap sakin.
Hindi ko na natuloy ang pagharap nito saakin dahil niluwa lang pala nito ang sinubo ko.

"I-im sorry,i C-cant eat that kind of f-food."nahihirapan nitong saad saakin.Kinuha ko naman ang dala kong tubig at binigay dito.
"Okay lang atleast ginawa mo pa rin kahit labag sa loob mo just for me and our baby.mahina kong saad dito saka pinunasan ang mukha nito na puro pawis.Sobrang anghang ba talaga!?
Wala naman kasi akong maramdaman kahit konteng anghang.Hindi talaga siya sanay sa mga maanghang na pagkain.

"H-hindi mo ba ako pagagalitan sa p-pangungulit ko sayo?"parang bata kong usal dito.
"Ofcourse not,gagawin ko ang lahat para sayo at hindi ko makakayang magalit sayo kahit sandali.I love you enought and i cant get mad at my baby okay?"naglalambing ko naman itong niyakap.Napa singhot ako sa baho nito.Mabilis akong napalayo dito saka napahawak sa ilong ko.

"Ang baho mo na."natatawa kong saad dito pero tinawanan lang ako ng timawa.
"Ikaw rin naman,pareho lang tayo kaya bagay talaga tayo sa isa't isa."kunwaring nginiwian ko ito sa banat niya pero deep inside sumasayaw na ang bulati sa tiyan ko sa sobrang kilig.

———

HINUGASAN ko ang pinagkainan namin ni Alexander.Umalis naman ito kaagad dahil may bibilhin lang daw siya sandali.Hindi ko na napigilan ng sinabi nitong bibilhan niya ako ng kiwi.
sobrang nag kecraving kasi talaga ako sa fruits.Mas better nga yun eh dahil healthy foods.
Nang matapos ay pumunta kaagad ako sa kwarto para magpa hinga.Sobrang napagod ata ako sa adventure's namin ni baby kanina.
Hindi lang nagtagal ay kusang pumikit ang mata ko.

.....................
Nagising ang diwa ko sa pag sigaw ni nanay mula sa labas ng kwarto ko.Pikit mata pa akong tumayo saka lumabas ng silid.

"Isabelle!Halika dito at ikaw ang kumausap sa batang ito.Sumasakit ang ulo ko."naka pamewang na saad nito sa harapan ko.Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Yung asawa mo kamo,kausapin mo Don sa may pintuan."huling sabi pa nito saakin bago ako talikuran.
Asawa agad!?Ang advance masyado ng nanay ko.
Nagkakamot ako ng ulo habang naglalakad papunta sa tinutukoy ni mama.Inaantok pa talaga ako.

Nang makarating sa sala ay nakita ko kaagad si Alexander na naka hilig sa pintuan.
"Anong pinagsasabi ni mama?Ano bang ginawa mo at ganon nalng ang reaksyon ni mama?"nagtataka Kong saad dito nahihiya naman siyang nagkamot ng batok.

"Diba sabi ko liligawan kita ulit?
I brough something outside."bigla nawala ang antok ko sa sinabi nito.
"Anong dala mo?"excited kong tanong dito,mahina itong natawa saka ako nilapitan at ginuide papalabas ng bahay.

Nawala ang ngiti ko ng makita ang nasa harapan ko——


















Isang sakong bigas!?

Susunod.......

(Ang ating manliligaw na nagdala ng isang sakong bigas.Dapat ay chocolate o kaya bulaklak ang dala eh.Pero suportahan nalang natin siya sa gusto niya...Happy reading guysss!Enjoy🤗🤗🤗)

Loving You Is A Mistake (COMPLETED✅✅✅)Where stories live. Discover now