Chapter 1

26 1 0
                                    

CHAPTER ONE

"Oh my ghad?? Seryoso ka ba dyan?" tila hindi makapaniwalang saad ni Sashi sakin ng maikwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit hindi kami magkasama ni Ashton.

"I'm deadly serious. I don't think ....I can make it...it hurts so bad , Sashi" napahagulhol ako muli , hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang sakit, it's more than a month pero nandito parin ang sakit.

"So ..that's explain the reason why when I saw him last week he can't even look at me nor can't say hi like how he used to do..knowing that you and I are best friends"

"Saan mo siya nakita?" hindi ko maiwasang hindi magtanong,nag-aalala parin ako sa kanya sa kabila ng lahat.

"Sa Cafe ni Tiara, that snake!" he exclaimed

"Ssh, may mga tao" suway ko sa kanya na agad niya namang binigyang pansin.

"Sashi...."

"Hmm??"

"Am I ...not enough??" desperadang tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ba yung kulang?may mali ba sakin?bakit nagawa sakin 'yon ni Ashton.

"Ofcourse You Are enough!!, what the hell  Jade?what kind of question is that?!" I smiled weakly.

Hindi ko na siya sinagot at muling binalingan ang iniinom kong alak. Bakit kaya ganon?May mga bagay na akala mo perpekto na pero masisira rin pala sa isang iglap.

Akala ko dati magiging masaya ang buhay mag-asawa namin ni Ash. He's the man I always dreamed of, I like him ever since and when the day he confessed that he likes me too , I can't help it but  claim as the happiest girl on that day.

He never fails me , especially when our relationship status becomes official. Palagi siyang may nakahandang surpresa para sa akin, that's the reason why I fall in love to him even more.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aalala ng mga masasayang memorya naming dalawa ng  biglang tumunog ang cellphone ko. Walang ganang kinuha ko iyon saka tinignan ang mensahe.

From: Janiie

;Ate, nasaan ka? Umuwi ka na dito please , si Mama hinahanap ka

Bigla akong kinabahan sa mensaheng iyon ni Janiie, tila nawala ang epekto ng alak sa akin at agad na napatayo sinukbit ko na ang bag ko saka derederetsong lumabas ng bar ni Sashi, rinig ko pa ang pagtawag sakin ni Sashi pero hindi ko na pinansin pa, nababahala ako sa kalagayan ni mama.

I grab my phone and dialled Janiie's number, I'm trembling in fear as I drove my car in the midnight of the road. My heart keeps on beating , mas dumoble pa ng matagalan si Jannie sa pagsagot ng tawag ko.

"Janiie...please ..pick up the phone..." tanging mga salita na paulit kong binibigkas.

"A-Ate..." I heared Jannie's voice broke

Oh please God.... please  this is not happening..please...

"Janiie...malapit na ako , p-paparating na si Ate..." pilit kong nilalabanan ang panghihina , kailangan ako ng kapatid ko ngayon, kailangan  ako ni mama.

Please mama, hintayin mo'ko...

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating ako sa bahay nila mama, dumiretso ako agad sa kwarto niya , malayo  pa man ako ay rinig ko na ang mga hikbi sa loob ng silid.

Tila parang ayoko nalamang buksan ang pinto at matunghayan ang kaganapan sa loob.

Ngunit kailangan kong harapin ito, higit na kailangan.

Pagkabukas ko palang ng pinto ay agad na nakita ko si Janiie sa gilid ng kama ni mama.

"A-Ate...." hindi ako nakagalaw ng bigla akong sugurin ng yakap ni Janiie at ramdam ko ang pag-alog ng mga balikat niya at ang mga tunog ng mga hikbi niya,na mangin ako'y nadala sa nararamdaman niya.

Tinapik ko ang balikat ni Janiie saka siya pinakawalan sa pagkakayakap. Ang mga mata ko'y nakatutok lamang sa bulto ng pamilyar na babae, ang babaeng humubog sa akin sa mundong ito, ang babaeng minahal ako ng buong buo, na kahit kailan ay hindi ko akalaing mawawalay sakin.

Mas lalo lamang akong nanghihina sa tuwing hinahakbang ko ang aking mga paa patungo sa pwesto niya.

"M-Mama..." maiinit na luha ang rumagasa saking mga mata.

What kind of person am I in my past life?Why God gives me this kind of pain. I lost my Ashton and then my mama, why on earth gives me total heart break.

"Ma..gising kana..." I said like she could hear me, like she's just sleeping for a while and could open her eyes again.

"M-Mama...hindi mo man lang ako hinintay..." hinawakan ko ang malamig niyang kamay saka iyon inilapat sa aking pisnge.

"Kailangan kita Mama, lalo na ngayon...higit na kailangan kita..." napahagulhol na ako sa iyak, ramdam ko nalamang ang pag-alo sa akin ni Janiie kahit pa mangin siya mismo'y umiiyak na rin.

"Sorry Mama, hindi ako agad nakauwi rito ng mas maaga...sana..sana nakasama pa kita...sana nayakap man lang kita..."

"Ate...pinapahabilin ni mama, na kung sakali man daw na mawala siya, hanapin daw natin si papa"

Matagal ng hinahanap ni mama si papa, maliit palang si Janiie noong iwanan niya kami, wala akong ideya kung bakit niya kami iniwan , isang taong gulang palang ako noon at nasaksihan ko ang pag-aaway nila ni mama na humantong sa ganoong sitwasyon.

Noon pa man ay sinabi ni mama na kung sakali mang makita namin si papa ay huwag kaming magagalit sa kanya, na siya namang tinutulan ko, pero sabi ni mama hindi iyon mangyayari kung hindi dahil sa kanya na panghanggang ngayon ay di ko parin alam kung ano at bakit.

"Ate nandito na ang kukuha sa bangkay ni mama" ani Janiie na siya namang tinanguan ko. Gustuhin ko mang asikasuhin ang mga taong kukuha kay mama pero ayokong kumilos ayokong bitiwan si mama.

"Ate....kailangan na nilang kunin si mama" ani Janiie, tumango ako at sa muling pagkakataon ay hinalikan ko ang kamay ni mama saka hinayaan ang mga  kukuha ng bangkay niya.

Nakatingin lamang ako sa papalayong sasakyan ng magvibrate ang cellphone ko.

Unknown Number

;My Deepest Condolence Jade...I know what you been through and I know that  you can handle it. You're the strongest woman I knew I'm always here for you, even if you don't want.Take care of your self.

Nangunot ang noo ko  kung kanino at sino ang nagmamay ari ng numerong iyon. Ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon. I went back to my car and drove to funeral.

                       VersionOfMine

SHATTERED LOVEWhere stories live. Discover now