Malou, Malou, Malou. What have you done?

59 4 3
                                    

Umuwi ako ng bahay na wala sa sarili. Hindi ko maalis sa isip ko ang masungit na si Malou. Hindi maalis sa isip ko na tinarayan niya ako. Hindi maalis sa isip ko na ako, si Erwin, isa sa tinitilian sa school, tinarayan ng isang babae. "Ano kayang gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko. "Malou, Malou, Malou. What have you done?" D ko mapigilang mainis dahil sa mga nangyari. Ang hirap talaga mag move on.

"Nay, andito na ho ako." Tawag ko habang papasok ng gate. Pero imbes na si nanay ang sumalubong, si Sherry ang lumabas ng pinto. "Erwin!!! Waaaaah!!" Todong tili ng kaibigan ko habang patakbong lumakad sa akin bago yumakap. "Oi teka teka, anong nangyayari?" Pagtataka ko. "May kwento ako dali tara sa loob!!!" Hinila niya ako papasok ng bahay. Hindi pa man lng ako nakakaupo ay bumanat na siya ng kwento. "Dre, may nakilala akong super duper hot guy..." Naku, mukhang matagal na usapan ito. "Oh iho, nariyan ka na pala. Ayan si Sherry kanina pa hindi mapakali sa kina-uupuan kakahintay sayo." Singit ni nanay. "Mano po." Kinuha ko ang kamay upang mag mano. "Mag bihis ka muna iho at malapit na matapos itong niluluto ko." Ayos, buti na lang iniligtas ako ni inay. Kung hindi ay aabutan ako ng gabi na hindi man lamang nakakapag-palit ng damit. "Teka lang dre ha, bihis lng ako." May halong pang-aasar na paalam ko." Ano ba yan. Bilisan mo." Maktol niya. Dali dali akong umakyat ng kwarto para makapagbihis at magtago na rin. Humiga muna ako sa aking himlayan, kasama si Malou na hanggang ngayon ay hindi pa nilulubayan ang aking isip.

"Good morning Malou, ang ganda mo talaga. Mas maganda pa sa pinakamagandang tanawin sa buong mundo." "Ang sweet mo naman babe. Kaya mahal kita eh." Sagot niya. Andito ako sa kwarto niya. Gumising ako ng maaga upang sunduin siya. "Babe ilang anak ang gusto mo?" Tanong niya sa akin. Nabigla ako sa tanong niya. "Ah... eh... gusto ko gumawa ng isang basketball team!" Sagot ko sa kanya. "Ang konti naman babe, gusto ko dalawang football team! May kasamang coach at substitutes para kumpleto." Sabi niya sa akin sabay hatak sa mukha ko paharap sa kanya. Natulala ako habang nakatingin sa kanyang mga mata. Mga matang kasing ningning ng isang bituin. Ang napakatangos niyang ilong, pababa sa kanyang almost perfectly-curved sexy lips. Ang mukha niyang kalmado na ubod ng ganda. Bumalik ako sa mga mata niyang kanina pa nakatitig sa akin. Binalot ng kaba ang katawan ko. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Inilapit ko ng mabuti ang mukha niya sa akin. Ang kabilang kamay ko ay inihawak ko sa kanyang bewang. Idinikit naman niya ang katawan niya sa akin. Unti-unting tumigil ang ikot ng mundo. Tumahimik ang paligid. Wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko na kanina pa gustong bumulwak sa kakaibang pakiramdam na nararanasan ko. Hinawakan niya ako sa leeg na lalong nagpatindig ng aking mga balahibo. Parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. Inalalayan ko siya, dahan dahan ay inilapat ko ang kanyang katawan sa malambot niyang kama. Hinawi ko ang kanyang buhok. Nakita ko ang kanyang mukha. Mababakas ang kaba, ngunit kalmado pa rin na parang sinasabing 'ikaw na ang bahala sa akin.' Kumilos na ang mga kamay ko. Gumapang ang kamay ko sa kanyang katawan. Nasa ibabaw ako ng taong mahal ko. Lumapit ako sa kanya upang sa wakas ay maglapat na ang aming mga labi. Pumikit siya at tuluyang sumuko sa laban. Palapit na ako sakanyang labi. "Malou..." Ngunit bago pa tuluyang mag laban ang aming mga labi ay nakaramdam ako ng bigat sa aking pag hinga. "Erwin!" Narinig ko. "Erwin!" Isa pa. At tuluyan na akong nawalan ng hininga. "Blaa...aag."

[Sherry's P.O.V.]

Excited na ko magkwento kay Erwin kaya lang umakyat muna siya para magbihis. Tapos na magluto si Tita pero hindi pa rin siya bumababa. "Antagal naman nun." Reklamo ko kay tita. "Oo nga, lumalamig na ang miryenda natin, palki tawag mo nga anak at sayang ang luto ko, hindi na masarap pag malamig." Sabi ni tita. "Ok po." Tumayo ako upang pumunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay narinig ko na may binanggit siyang pangalan. "Malou..." Mukhang nananaginip ang damuho. Nagpintig ang tenga ko at uminit ang ulo ko. Nilapitan ko siya at dinaganan. "Erwin!" Tawag ko sa kanya pero ungol lang ang tanging sagot niya. "Erwin!" Sigaw ko ulit. Sa pangalawang pagkakataon ay ungol uli ang narinig kong sagot niya. Naalala ko yung pangalang binanggit niya. Sino kaya yung Malou at kasama niya pa hanggang pagtulog? Nakita kong kumurba ang labi niya na parang hahalik. "Aha! Mukhang may ginagawang kababalaghan tong dalawang ito ah." Sambit ko sabay sampal sa pisngi niya. Napalakas ata yung ginawa ko pero ayos lang. Mukhang natauhan na si loko at biglang tumayo habang hawak yung pisngi niya. "Blaaag!" Bigla kasi siyang bumangon at nahulog ako sa kama. "ARAY!" Sigaw ko. Pagtingin ko sa kanya ay namumula siya at nakatulala. Mukhang wala pa sa wisyo.

Tumayo ako na parang walang nangyari at hinampas ko siya sa balikat. "Hoy sino si Malou at anong ginagawa niyo!?" Pang uusisa ko. "Ha? Ah... eh.. wala!" Utal na sagot niya sabay walk out. "Anak ng..." Naiwan ako sa kwarto na hindi makapaniwala. Mukhang may itinatago ang kaibigan ko ah. Napangiti na lang ako at lumabas na ng kwarto.

[A/N]

Yeah. 5 chapters na! Kung binabasa mo ito, congrats kasi nakatagal ka. Anyway, thanks kasi umabot ka dito. I think I like audience participation.. comment kayo guys kung anong gusto niyo mangyari! Haha! Yun lang thanks! Wait for more update guys!


ILYSFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon