Warning: there are spg scenes, if you're not comfortable to read it, just skip it. Thank you again for reading.
She's Back!
+++++
"Ay sorry sorry at nakaistorbo ako. Sige tuloy niyo lang." nahihiyang sabi ni Vian at papunta na sana siya kabilang dako nang magsalita si Mendoza.
"Kumusta na?"
"Ay ano. Ano po. Okay naman siya so far. Uhm... Baka sa susunod na araw pa siya magiging magaling talaga." sabi ni Vian.
"Susunod na araw pa?" nag-aalalang sabi ni Diane.
"Uhm... Oo. Ganun kasi katagal yung epekto nung droga. Depende sa immune system ng tao. Pero kadalasan talaga, three days ang tinatagal nun."
"Grabe namang droga yan!" react ni Natasha.
"Ah oo grabe talaga. Actually nakakapagod eh. Uhm... Pwede po bang makihingi ng tubig or pagkain?" sabi ni Vian.
"Sure sure. Nandiyan ang kusina. Gusto mo tulungan na kita." sabi ni Diane at tumayo na ito.
"Naku ate salamat! Di ko nga alam kung kakayanin ko lahat yun eh."
"Diyan muna kayo." sabi ni Diane at sinundan si Vian.
Pagkadating sa kusina ay agad na nagsandok si Diane ng macaroni para kina Vian.
"Ay ate thank you. Ikaw pa nagsandok."
"No worries. Tsaka halata namang pagod ka eh." sabi ni Diane.
Napansin ni Vian ang pagtingin nito sa kaniya kaya pasimpleng inayos niya ang buhok na medyo magulo.
"Ah eh... Actually, pinagod kami ni Luna hehe. Grabe pala katawan nun kapag nadrogahan!"
Napangiti si Diane dahil nagkukwento na ang babae sa kaniya.
"Tuyong tuyo na kami sa kaniya. Pero siya, walang humpay sa pagpapaligaya sa sarili niya. Parang di nga siya natutuyuan eh."
Napatingin naman si Diane na may pag-aalala sa mukha nito. "Hanggang ngayon ba ganun pa rin siya?"
"Pagkaalis ko te, oo. Nagsasarili siya. Tulog pa kasi yung dalawa. Mamaya gisingin ko kasi alam ko gutom na rin sila eh."
"Ganun ba? Sana okay na siya." nag-aalalang sabi ni Diane.
"Sana nga te. Pero ilang araw pa yun. Hays... "
Maya-maya ay natapos na nilang maghanda ng kakainin nina Vian. Si Vian na sana ang maghahatid ng pagkain pero nagpresinta si Diane na sumama sa babae.
"Sure ka teh? Nako, may amoy na yun. You know, magdamag kasi kami dun. Puro ano lang, fountain nangyari dun kagabi kaya ayun hehe." bulong ni Vian.
"Okay lang. Hindi naman ako maselan. Nag-aalala lang ako kay Luna."
"Pero—"
"Tara na dali! Baka gutom na yung dalawa." sabi na lang ni Diane kaya wala nang nagawa si Vian dito.
Nakabukas ang pinto ng bus kaya nakapasok agad sila. Nauna si Vian at dire-diretso siya sa pagpasok sa bus. Samantalang si Diane, pagkapasok at pag-akyat niya sa bus, natigilan siya nang makita ang likuran ng bus. Nakita niya si Vian na naghahanda ng pagkain. Sa kanang bahagi ng bus, nakaupo si Mariel, walang saplot. At sa dulong dulo ng bus, kita niya ang likuran ng isang babae na hubad din. Sa ginagawa ng babae, alam niya ang nangyayari dito. Alam niya rin kung sino ang kasama nito habang ginagawa ang isang bagay na hindi niya talaga inaasahan.
"Sa wakas! Tulog na siya!" mahina pero masayang sabi ni Mariel at pabagsak na umayos ng upo.
"Jusme, ngayon pa lang natulog yan? Ang tagal ko kaya lumabas!" mahinang sabi ni Vian na parang nakalimutan na ang kasama niya.
Samantala, humiwalay na si Misha kay Luna na tulog na dahil sa pagod.
"Gutom nako." sabi na lang ni Misha.
"Nakakapagod. Penge tubig." sabi ni Mariel.
"Ay oo nga pala! Umayos kayo nandiyan pala si ate Diane." biglang sabi ni Vian kaya nataranta ang dalawang babae na napatingin sa kaniya.
"H-hello."
Madaling madaling tinakpan ng dalawa ang kanilang sarili.
"Baliw ka talaga bat di mo sinabi agad!?" bulong ni Mariel.
"Sorry! Nakalimutan lang." bulong ni Vian. Nakaramdam ng hiya ang tatlong babae kaya napangiti si Diane.
"Naku okay lang naman. Ay ito pala pagkain niyo. If gusto niyo pa, punta lang kayo sa kusina ah? Marami dun pagkain. Eat well lang." malumanay na sabi ni Diane.
"Nabigla ka ba te? Sorry hehe, sabi ko sayo wag ka na sumama eh." sabi ni Vian.
"Ay okay lang nga sabi. Di naman ako maarte or what."
Pagkalapag ni Diane ng pagkain sa isang upuan na malapit sa tatlo ay tiningnan niya ang mga ito at saka ngumiti.
"Maraming salamat sa inyong tatlo."
Hindi agad nakasagot ang tatlo. Sobrang nakakataba ng puso kasi para sa kanila ang sinabi ni Diane at napakasinsero pa tingnan ng babae. Natouch sila sa madaling salita.
"U-uhm... S-salamat din po sa pagsama samin." nahihiyang sabi ni Mariel at kita na naluluha na ito.
"Welcome naman kayo samin. Kahit sino pa kayo basta may malinis na puso naman kayo. Okay lang. At salamat din sa pag-aasikaso sa lider namin."
"W-wala po yun. Pambawi lang namin 'to sa kaniya." sagot ni Mariel.
"Sige na, bababa nako. Halatang nahihiya pa kayo sakin hahaha! Pasensya na."
"Hala ok lang po hehe, salamat po." sabi ni Vian.
"Thank you po." sabi na lang ni Mariel.
Napatingin si Diane kay Misha na napatingin din sa kaniya. "Thank you."
Nanlaki ang mga mata ni Misha kasabay nun ay bumaba na si Diane ng bus. Sinara naman ni Vian ang pinto ng bus.
Samantala, natigilan si Diane sa paglalakad nang makita ang ilan sa mga kasamahan niya na nakaabang sa pinto ng mansyon.
"Ginagawa niyo diyan?"
"Anong nangyari dun te?" tanong ni Janille.
"Basta. Okay si Luna. Di pa siya baliw sa libog." natatawang sabi ni Diane at pumasok na siya ng mansyon. Sinundan siya ng ilan sa kasamahan niya maliban kay Winston na tumitig muna sa bus bago tuluyang pumasok ng mansyon.