Kabanata 13
MAINGAY ang kantyawan sa pool area nang makabalik doon si Linus para puntahan sana si Ivler, ngunit nang mapasadahan niya ng tingin ang mga taong naroon ay hindi niya ito nakita.
He felt someone tapped his back. Nang tignan niya ang taong umakbay sa kanya ay kaagad itong ngumisi.
"He's not here. I saw him went to his cabin," ani Sandro.
Uminit ang mukha niya sa hiya. "H—How did you know who I'm looking for?" halos pabulong na niyang tanong sa kaibigan.
"Magkaibigan tayo, Linus at kilala na kita. You can lie to yourself but you could never keep a secret from me," simple nitong sagot bago nito tinungga ang boteng hawak.
Napatitig naman siya rito habang malamlam ang mga mata. "Aren't you... disgusted?"
Umismid ito at tinaasan siya ng kilay. "Why would I if I'm the one who asked the whole MCB for help?" Bumuntong hininga ito. "Magkaibigan tayo, Linus, at kahit sino naman ang piliin mo, kung diyan ka naman magiging masaya gaya nga ng sabi ng kakambal mo noong magkausap kami kahapon sa tawag, hindi ka naman namin pipigilan."
Natigilan siya sa narinig. "A—Alam ni... Linel?"
Tumango si Sandro. "He gave me the blessing to seek the MCB's help. We all see it and it's too obvious, Linus. You're into Ivler and we're totally okay with that because real friends will always support you in something that will truly make you happy. Kaya sana piliin mo na lang din kung saan ka sasaya." Tinapik nito ang kanyang balikat. "Puntahan mo sa cabin niya, this time be straightforward. Ivler doesn't like getting confused because he's an overthinker sometimes."
Lumunok siya at matipid na nginitian ang kaibigan kahit na sa totoo lang ay kabado siya. "Salamat, bro. Sana... hindi ka mailang sa'kin dahil... dito."
Ngumisi ito. "My cousin, Saint is bisexual but we're the closest. What makes you think I'd stop being a pain in the ass to you? Nah, man. You will forever suffer because of me. That's an oath. Isa lang ang hihilingin ko. Bunso namin 'yong si Ivler dito, Linus kaya huwag mo sanang sasaktan kung sakali man."
He sighed. "Hindi nga sigurado kung saan papunta 'to."
"Then go talk to him so you'll know." Tuluyan siyang iniwan ni Sandro upang magpunta sa pool. Nang makita itong tumalon sa tubig, humugot siya ng malalim na hininga at tuluyang nagtungo sa cabin ni Ivler.
He gathered all his courage to confess what he truly feels, but right before he was able to knock, the door already opened and he saw Ivler with his bags... as if he's about to leave the clubhouse.
"Linus..." halatang nagulat nitong tawag, marahil ay hindi inasahang makikita siya sa labas ng cabin nito.
Naibalik niya ang tingin sa hawak na bag ni Ivler saka siya humugot ng malalim na hininga. "You're... leaving?"
Umiwas ito ng tingin nang ibalik niya ang titig niya sa mga mata nito. Mayamaya ay humugot ito ng matalim na hininga saka lumunok. "Yeah I uh... have to refresh my mind a bit."
Kumirot ang puso niya. Dahil ba sa kanya? Dahil ba sa... laro? O mayroon pang ibang dahilan?
He needs to confess now or he will surely regret missing the chance someday. Tama na ang pagsisinungaling sa sarili at pagiging duwag...
"Can we go fishing before you leave?" Umangat ang tingin nito sa kanyang mga mata kaya matipid siyang ngumiti. "At least let me talk to you about something important before you go..."
Ivler gulped but he nodded his head. Ibinalik nito sa closet ang bag saka sumunod sa kanya. Walang nagsalita sa kanila habang patungo sa may pantalan, maging noong nakasakay na sila ng speedboat at napatakbo niya na ito palayo sa pampang.
BINABASA MO ANG
MONTE COSTA SERIES #4: Estuary Of Love [BL]
RomanceWhat was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up. The two ended up staying in one cell overnight for causing trouble at a bar, but what seemed to hav...