16

410 13 28
                                    

"Sino'ng nagugustuhan mo?"


Habang natatawa si Eula sa tanong ko ay kabado naman akong nakatingin sa kanya. Maraming gwapo sa school at 'di na ako magtataka kung may magustuhan si Eula. Iyon nga lang ay parang mabigat sa pakiramdam.


"I don't wanna say it now, Lory," aniya. "Saka na 'pag tama na ang panahon. Let's just enjoy the moment for now."


"Sabi nila, 'di raw totoo 'yung konsepto ng tamang panahon. Wala naman daw talagang gano'n," sabi ko. "Ngayon na ang tamang panahon, Eula."


Natawa ulit siya. "I believe in that concept, Lory. I just feel like now is really not the right time. Ayokong makasira ng mood. Ayokong may masira ako."


Nagkibit na lang ako ng balikat. Sa bagay, iba-iba naman ng paniniwala ang bawat tao. Hindi ko na lang kinulit si Eula kasi baka nga 'di pa siya handang sabihin sa 'kin kung sino ang crush niya. Naiintindihan ko naman kasi maging ako ay 'di rin naman handang aminin sa kanya 'tong nararamdaman ko.


At 'di ko alam kung kailan ako magiging handa.


Isang oras yata kaming nakatambay sa pampang ni Eula bago niya ako niyayang magpunta sa kanila. Noong kagabing tumawag ako sa kanya ay niyaya niya na akong pumunta sa kanila pero tumanggi ako kasi ayoko namang sa kanila salubungin ang bagong taon. Ayokong umepal, 'no.


Nalalakad lang mula rito ang bahay nila Eula kaya nagsimula rin agad kaming maglakad. Malayo-layo pa ang lalakarin namin pero ayos lang kasi wala naman kaming choice. Naisip ko tuloy na malayo pala ang nilakad ni Eula kanina para lang mapuntahan ako. Nakaka-guilty tuloy.


"Sorry, ah," sabi ko.


Huminto siya saglit sa paglalakad kaya huminto rin ako. "I know you're gonna say that, pero I don't want you to apologize. Wala ka namang dapat ika-sorry. Pinuntahan kita kasi gusto ko at 'di dahil napilitan lang ako."


"Pero ang layo ng nilakad mo. Nagmamadali ka pa kanina."


"You have no idea how willing I am to do things for you, Lory," aniya. "Kahit ilang milya pa ang lakarin o takbuhin ko, gagawin ko, mapuntahan ka lang."


Napayuko ako sa sinabi niya at nagtago ng ngiti. Ano ba naman 'tong si Eula at bakit biglang ganito siya sa 'kin? Para niya tuloy akong binibigyan ng pag-asa sa kanya.


Wala akong nakitang tao nang makarating kami sa kanila. Alam kong may mga tao dahil siyempre ay bagong taon ngayon, pero sa laki ng bahay nila ay para talagang walang tao. Sobrang tahimik pa. Pakiramdam ko tuloy ang kaming dalawa lang ang nandito sa mansyong 'to.


Pumasok kaming dalawa sa kwarto niya at sa panonood ng movie pinalipas ang mga oras. Nang magsawa ay umupo kaming dalawa sa harap ng bintana ni Eula. Patay ang mga ilaw sa kwarto niya kaya tanging liwanag lang ng buwan ang siyang tanging rason kung bakit nakikita ko ang marikit na mukha niya.


Lagpas alas tres na ng madaling araw ngayon kaya tahimik na ang mga tao. Humupa na nang tuluyan ang saya ng bagong taon, pero 'di ang saya sa puso ko.

Ashes of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon