Sa tuwing ika'y wala,
Tila ba ang init sa paligid ay naglaho.
Natakpan ng mga ulap ang sinag mo,
Nalanta ang puso kong ikaw lang ang sinasamoUlan ay dumating,
At ang puso ko'y ikaw ang hinihiling.
Sa pagbabalik mo'y nakaantabay,
Ngunit ako'y nalukungkot at nalulumbay.Oh, aking araw...
Parati mong tatandaan,
Ako'y malunod man sa ulan
Hinding-hindi kita bibitiwanKahit piliin mong titigan ang buwan,
At ako'y tuluyang malimutan
Sana'y iyong maalala,
Na kahit nasa'n ka man'Di ako susuko
At 'di ka ipagpapalit
Ako'y maghihintay pa rin sa 'yo,
Kahit pa hindi na ako- Emman & Chelsea
BINABASA MO ANG
Sol, Aking Sinta Nasaan Ka Na?
PoetryIto ay isang Maikling tula tungkol kay Flor na naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang pinakamamahal na si Sol.