CHAPTER 5

129 8 0
                                    

It's been 1 month since the three of us graduated. Sila Elara at Alkina, they both graduated as Bachelor of Education Major in English samantalang gumraduate naman ako as Bachelor of Education Major in Elementary Education.

Kahit noon pa man gustong gusto ko na yung mga bata kasi di ako nagkaroon ng kapatid. Di ko maiwasang manggigil lalo na pag sobrang kyut nila.

Andito na ako sa bahay namin ngayon. Pagkasabi ni Alkina na mag-impake kami ay umuwi kami kaagad nun. Nagtaka pa sila Tita bat daw nakapag impake na kami kaya inexplain namin. Nagkanda gulo-gulo pa explanations namin.

"Tita, Ma kailangan na nating umuwi." agarang sabi ni Elara pagkabukas ng pintuan. Nagulat pa sina Tita pagkabukas kasi naglalaro sila ng baraha.

"Huh bakit? Isang araw pa lang tayo dito ah saka mamayang hapon pupuntahan na natin yung 10,000 roses cafe." ani Tita Andra.

"Ehh kasi ma, tita jajiwjnsnbakka." hindi na maintindihan yung mga sinasabi nila Alky at Ely kasi nag sabay sabay na silang magsalita.

"Hoy paano namin kayo maiintindihan eh sabay sabay kayong magsalita. Nah rapper na lang sana kayo." Agad namang kumalma ang dalawa sa sinabi ni Tita Nova.

"Tita ganito po kasi yun 1 week after our graduation nag apply kami agad for our board exam then nag set kami ng date sa phone naming tatlo on when we will start our review tas kanina nag ring yung phones namin which reminds us that tomorrow will be the start of our review." Pag-eexplain ko kina Tita. Tumango-tango naman sila Alky bilang pag sang-ayon sa akin.

"Sge sge mag-iimpake muna kami ni Nova at mag-antay kayo sa labas kasi kakain muna tayo bago tayo umalis," agad naming sinarado yung pinto at naunang pumunta sa restaurant sa loob ng hotel.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko saka ipinikit ang aking mga mata. I'll take this remaining hours muna na magpahinga bago ako sumabak sa madugong isang buwan na labanan.

Nagising ako na nasa tabi si mama at may dala-dalang pagkain. Tumingin ako sa bintana at nakitang gabi na pala.

"Ma, anong oras na po ba?" tanong ko kay mama habang umuupo ng maayos at kinukuha yung pagkain.

"Alas syete na anak. Di muna kita ginising kanina kasi mukhang pagod na pagod ka." Nakangiting sabi niya.

Nginitian ko sya pabalik at nagpaalam sya pagkuwan dahil maghahanda pa daw sya ng mga orders bukas. Gusto ko mang tulungan si mama pero hindi pa sa ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay inilabas ko na ang aking pinagkainan. Nakita ko si mama na nakatulog na sa mesa habang kinakalkula kung ilan ang magiging orders bukas. Kumuha ako ng kumot sa kaniyang silid at pinalibot ko sa kaniya. Bago ako bumalik, hinalikan ko muna sya sa noo at bumulong ng "I love you".

Inunat ko muna ang aking katawan at bumuntong-hininga saka sinimulang ilatag ang mga dapat kong I-review. Isinulat ko kung anong mga subjects ang aaralin ko sa mga araw na toh para di ako masyadong malito.

Buklat, sulat, basa at memorize ang aking ginawa. Nag highlights at naglagay din ako ng aking DIY notebook clip para mabalikan ko ito after kong mag review at para maisulat ko sa papel.

Ganito yung style ko ng pagre-review. Binabasa ko muna yung whole context tas hina-highlight yung mga important words para if babalikan ko mananariwa sa akin yung napag-aralan ko and through that mas na mememorize ko yung iba kasi nag coconnect na yung mga ibang informations.

Sa pagiging subsub ko sa pag-aaral di ko mamamalayan na umaga na pala kung hindi kumatok at pumasok si mama sa kwarto para sana gisingin ako.

"Hindi ka ba natulog Lucy?" tanong ni mama habang inaayos ang kaniyang eye glasses.

"Hindi ma eh kailangan ko kasing mag review para board exam ko this upcoming October." hindi ko tinitingnan si mama habang sinasabi ko yun.

"Sge ipaghahanda na lang kita ng pagkain at dadalhin ko na lang dito."

"Sge po ma salamat you're the best," Tiningnan ko si mama at umakto pa ako na nagfa-flying kiss.
 
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos kong aralin ang isang reviewer ko. Nilagay ko sa isang envelope ang nasulat kong important words tsaka itinabi. Mag po proceed na sana ako sa next reviewer ko ng biglang tumunog yung cellphone ko.

Kinuha ko ito at nakitang nag i-initiate ng video call si Elara sa gc namin. Nakapag-join na si Alkina kaya pinindot ko din yung join call button.

Bumungad sa akin ang sabog nilang mga mukha. Si Alky na di mo alam if anytime mahihimatay ba or what samantalang si Ely papikit-pikit din habang nakatingin sa notes nya.

Ganito kami sa tuwing may mga incoming exams kami sabay-sabay na nagrereview. Napatingin ako sa screen ng biglang sumigaw si Ely.

"Arghhhf. Taenang math toh wala akong maintindihan ni isa. Putakte sino ba kasing nag-imbento ng letchugas na math na toh. Problema nya tayo pinapalutas, bakit nung tayo ba may problema pinasolve ba natin sya?" gigil na reklamo ni Elara. Napatawa naman kami ni Alky. Sya yung dakilang reklamador sa aming tatlo sa tuwing nag-aaral kami.

"Edi tapon mo. Napaka basic lang diba Elara?" suhestiyon ni Alkina.

"Edi wala akong matututunan."

"Bakit may natutunan ka ba?" sarcastic na tanong ni Alkina.

"Wag mo kong asarin Alky ah. Lilipad tong papel sayo." Pagbabanta ni Elara kay Alkina

"Tanga sge ipalipad mo yan tingnan natin kung sinong cellphone ang masisira." Napailing na lang ako sa naging awayan nilang dalawa.
     
Magsusulat na sana ako uli ng biglang may tumulong likido mula sa aking ilong papunta sa papel. Pagtingin ko dahan-dahang tumutulo yung dugo. Dali-dali akong kumuha ng pamunas ng biglang kumatok sa pinto si mama.

"M-ma," nauutal kong sabi habang pasimpleng tinatago yung pamunas ko.

"May problema ba Lucy?" may kaba sa puso ko habang tinitingnan si mama. Nakita ba nya? Hindi pwede. Hindi maaari.

"May narinig kasi akong nagsisigawan sa labas ng kwarto mo." tila nawalan ng tinik ang aking puso sa tinuwiran niya.

"Ahh sila Alkina at Elara po siguro yung narinig." Tumingin si mama sa harap ng cellphone ko at nangamusta kina Alky.

"Hi po Tita." sambit nilang dalawa habang kumakaway-kaway sa screen.

"Okay lang ba kayong dalawa? Anong nangyari sa mga itsura niyo?" takang tanong ni mama ng mapatingin siya kina Alkina.

"Oks lang po kami Tita medyo nahihirapan lang po kami ng kaunti." saad ni Elara.

"Ohh sya sge maiwan ko na kayo para makapag-aral kayo ng maayos." Bumaling naman si mama sa akin pagkatapos "Kumain ka ha." tumango naman ako bilang tugon.

Pagkalabas ni mama ay inilabas ko din ang pamunas ko na may dugo.

Nagsisimula na naman ba? Sana hindi. Wag muna ngayon.

______________________________________

Tamed by the Beauty - Teacher Series 1 (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon