p r o l o g u e

1.3K 22 1
                                    


    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    

"We will never be together, Austin. We're just best friends, kaya ano bang sinasabi mo?" naiinis na bulalas ko matapos kong marinig nang paulit-ulit sa kan'ya ang mga salitang nagsasabing mahal niya ako.

Umigting ang panga niya sa narinig kasabayng matatalim na tingin sa akin.

"No, Vanessa! I still remember that first night we shared! Akala mo ba kinalimutan ko na 'yon dahil sinabi mong kalimutan ko na lang? Hindi! Dahil noong gabing 'yon, napatunayan kong mahal mo rin ako! At paulit-ulit kong napapatunayan 'yon sa tuwing nasa kama tayo!"

Nag-iwas ako ng tingin sa sinabi niya, kasabay ng pangingilid ng mga luha ko. "We're both drunk that first night, kaya ano bang sinasabi mo d'yan?" I gulped. "And the following times we had sex was just nothing to me. I just wanted it back then. At this point Austin, we're not best friends anymore. We're already a fuck buddy to each other!""

Umiling siya. "Hindi. Kahit na lasing tayo, we know what we are doing and saying. Alam ko, dahil hanggang ngayon, malinaw pa rin sa akin ang lahat. Mahal mo ako, Vanessa. At hindi mo pwedeng ipagkaila sa akin 'yon dahil kitang-kita ko!" His jaw cleched before he continued talking. "We're not a fuck buddy because I never fucked you! I fucking made love to you!"

Hindi ko inaasahan ang huling idinagdag niya. I would never ever thought that Austin will differentiate fucking and making love like that to me. And with the situation that we're both in right now, I want to be happy but all I can feel was just sadness and pain.

Tumingin ako nang matalim sa kan'ya. "Tumigil ka na, Austin! Stop that illusion because everything that happened before was just part of our mistakes! Best friends don't fuck each other, and clearly, we are wrong when we did that! And we're the worst when we kept on doing that!"

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at tiningnan nang deretso sa mga mata. "You're not just a best friend to me. I have always loved you more than I loved anyone. I will never stop chasing and hoping, Vanessa because I know that inside your heart, mahal mo rin ako."

No. Hindi pwede. He can't just say that to me. We can never happen because our friendship might be ruined even more. Nadungisan na nga ito noong gabing ginawa namin ang bagay na 'yon, and now, I won't let that to happen again!

I will do whatever it takes para tigilan na niya ako sa sinasabi niya, dahil kahit totoo ang sinabi niyang mahal ko siya, hindi ko pwedeng sabihin sa kan'ya dahil mawawala ang lahat sa amin. Alam kong walang kasiguraduhan ang relasyon sa panahong ito at hindi ko isusugal ang matagal na pagkakaibigan at pinagsamahan namin para lang doon.

"You're seeing it wrong, Austin. Hindi kita mahal. I've never loved you more than just a friend."

Tumulo ang mga luha ko sa sariling salita na sinabi ko. Tumingin ako sa kan'ya at kita ko ang pangingilid ng mga luha niya sa sinabi ko, na parang ito na ang pinakamasakit na salitang narinig niya mula sa akin.

"Stop lying, Vanessa. You know that I will never believe you."

Umiling ako at ngumiti sa kan'ya, kasunod ng pagtulo ng mga luha ko. "Let's just stay like this. Tutal, ganito naman tayong nagsimula, hindi ba? Ito lang talaga ang kaya kong ibigay sa 'yo—ang pagkakaibigan nating dalawa. You're my best friend and I can't just tell you that I love you when the fact is . . . I don't.

"I love you because you are my best friend, but I don't love you like the way you think I do. I am sorry, I can't lie to you. I don't want to be unfair. Alam kong kahit kailan, hindi ka nagsinungaling sa akin, so I'm doing the same. I am telling you this dahil ito ang totoo. I am sorry, but please. Let's just stay being best friends, Austin."

Kumawala ang mga hikbi sa bibig ko matapos kong sabihin ang lahat ng 'yon. Ganito ba ang pakiramdam kapag sinabi mo sa kan'ya ang kabaligtaran ng lahat ng nararamdaman mo? Ganito ba ang pakiramdam kapag nagsinungaling ka tungkol sa totoong nararamdaman mo?

"Is there . . . somebody else?"

Napatingin ako sa kan'ya at kitang-kita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya. Halos mapasinghap ako at gusto kong magsisi dahil nakita kong nasasaktan ngayon ang taong mahal ko. Gustong-gusto kong itaas ang kamay ko para punasan ang mga luha niya, but I can't.

"Austin . . ."

I tried to shake my head but I stopped when he smiled.

"Siya ba, Vanessa? Mahal mo ba siya?"

Nakita ko sa mga mata niya ang determinasyon, na parang kapag sumagot ako ng oo, talagang gagawin na niya ang hinihiling ko.

Yumuko ako. "I'm sorry."

Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang ang kaninang mabagal na pagtulo ng mga luha niya ay tuloy-tuloy at mabilis na ngayon . . . na parang sobrang sakit ng nalaman niya.

He faked a laugh. "I shouldn't have asked you about that. Fuck it, ang sakit. Bakit sa lahat ng tao, si Rafael pa? I warned you so many times before to stay away from him dahil hindi siya ang klase ng tao na inaakala mo. He's a two-faced man, I told you before. Pero ano? Nagpadala ka pa rin sa mga mabubulaklak na salita niya?" Umiling siya na parang hindi makapaniwala.

Of course, I don't. Kung alam mo lang kung ano talaga ang nararamdaman ko, Austin. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, hindi mo masasabi 'yan. Pero ito lang ang alam kong paraan para maprotektahan ang pagkakaibigang mayroon tayo.

Ayokong matulad sa ibang matapos pumasok at lumabas sa isang relasyon ay makakalimutan na ang mahabang pinagsamahan noon. I want us to stay like this . . . like we used to.

Napabuntonghininga siya at pinunasan ang mga luha. "It's over now. I think, it's time to back off. Guard yourself now, Vanessa Anne Madison, because this time, I'm really done with you."

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. Ang lahat ng inaasahan kong sasabihin niya sa akin ay naglahong bigla. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari. Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya.

"W-What?"

He smiled. "You asked me before that I should let you protect yourself, right? I'm doing it now. I think I need to give up, because loving you is almost giving my life up for nothing. I think, it's time for me to love myself."

Tumalikod siya sa akin at naglakad na palayo. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko nang makita kong papalayo siya sa akin. Hahabulin ko na sana siya, pero tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Austin . . ."

He gave me a sad smile. "And for the last time, please . . . do me a favor."

Halos pigilan ko ang paghinga ko dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit sobrang kaba ko sa sinabi niyang favour . . . na pakiramdam ko, mamamatay ako kapag dinugtungan niya ang sasabihin niya. I know, if he continued talking, I will lose myself.

At hindi nga ako nagkamali . . .

"Please do everything to forget about your past with me. All the memories we had, please, forget about it. And I am begging you, Vanessa. I don't want to see you anymore, so I can forget you, as well as you forget me, too."

After saying those words, he turned around and walked away from me. And that was the last time I saw him this close . . . the man I tried to keep for myself by breaking his heart with my lies.


Date started writing: April 22, 2017
Date started posting: May 05, 2017

Date started rewriting: November 15, 2021
Date started posting: November 20, 2021
Date finished writing & posting: tba (kung matatapos bwahahahah)


In Bed With A Friend • slow & batch updates [2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon