Chapter 13: Something Visual

46.4K 661 97
                                    






“SURPRISE!!!!!!!”


“Ano ‘to? Bakit may ganito?”


Tanong ko sa kanila kahit na may ideya na ako kung ano talaga ang nangyari. Lahat sila ngumiti sa’kin na abot hanggang tenga nila. Ang parents ni Kevin, ang parents ko, Sina May, Aya, Axelle, Jerome, Mark at syempre si Kevin.


Lahat sila may suot na party hat. Si Kevin naman hawak hawak ang isang cake na may kandilang nakasindo.


“It’s your day Mia. Happy Birthday!!”


Bati sa’kin ni May saka niya ako sinuotan ng party hat.


“Thank you May.”


Sagot ko sa kanya saka ko siya niyakap.


Tinignan ko naman si Zelle na nasa likod ko nakatayo.


“Huwag mong sabihing?”


Tumango naman siya agad kahit na hindi ko pa natapos ang sinabi ko.


“It’s all part of the plan Mia. Kaya tayo pumunta ng cafeteria to kill time. Para naman may oras sila para ihanda ang lahat ng ‘to.”


Sagot ni Zelle sa’kin saka niya tinulak ang wheelchair na kinaupuan ko papasok ng room. Isinara nadin niya pagkatapos ang pinto.


“AHHH!!!! Ang daya niyo talaga!!!”


Bulalas ko dahil hindi talaga ako nagkaroon ng kahit isang clue sa ginawa nila. Nawala nga sa isipan ko na araw ko pala iyon. Iyon pala ang araw ng kapanganakan ko tapos hindi ko man lang naalala.


“Ano pang hinihintay natin? Let’s sing na!”


Sambit naman ni Mommy na cute na cute sa suot niyang party hat.


♫ Happy Birthday to You
Happy Birthday to You
Happy Birthday Dear Mia...
Happy Birthday to You.


Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Para akong kiniliti sa sobrang sorpresa at tuwa ko. Iyong tipong mapapaisip ka na kung anong nagawa mo nong nakaraang buhay mo para bigyan ka ng napakamabuting magulang. Napakamababait na mga kaibigan at syempre mapagmahal ng asawa.


Napakaswerte ko dahil nakuha ko ang lahat ng biyaya ng pwedeng ibigay ng Panginoon. Maliban nalang sa magandang kalusugan. Pero malakas ang pananalig ko sa Panginoon na gagaling ako sa sakit ko.


Gagaling ako. Kailangan kong gumaling para sa mga magulang ko, para sa mga kaibigan ko, para sa asawa ko, para sa sarili ko at higit sa lahat para sa magiging baby ko.


♫ From good friends and true,
From old friends and new,
May good luck go with you,
And happiness too.


Pagkatapos nila akong kantahan, pumalakpak naman ako para sa kanila.


“Thank you!! Hindi ko talaga inasahan na gagawin niyo ‘to sa’kin. Thank you sa effort.”


Sobra sobra iyong pasasalamat ko sa kanila dahil sa effort na binigay nila. May mga balloons na nakadikit sa dingding ng hospital room ko. May banner para sa’kin. May mga nakasabit na iba’t ibang kulay na papel sa kisame.


Lumapit si Kevin sa’kin habang dala dala niya sa palad niya iyong cake.


“You’re welcome muffin. Happy birthday. Tumanda ka na naman ng isang taon at nagpapasalamat ako sa Panginoon na andito ka parin kasama namin. Ang hiling ko lang ngayon, sanamarami pang taon ang lumipas na kasama ka namin. Hanggang sa lumabas na si baby at lumaki na siya. Hanggang sa madagdagan pa ng isa si baby. Hanggang sa puti na lahat ng buhok mo. I love you. And I will love you more everyday kahit na pumuti na ang buhok natin at kahit na nasa kabilang buhay na tayo..”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon