Chapter 22: His side.

5.5K 119 9
                                    

Cleo's POV: 

I stared at my phone for the 10th time today. 

Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sakin. Kung nababaliw na ba ako, napaparanoid or ewan. 

Kung ikaw ba naman, bigla bigla nalang mawawala yung fiance mo? Hindi pa nagrereply o sumasagot sa mga text? 

Hay.... Kagabi lang naman sya hindi umuwi, pero feeling ko isang linggo na syang wala sa tabi ko. I'm missing her so badly.. and i hope she knows that.

Hindi na nga ako nakatulog sa kakaisip sakanya eh. Kung ano ba ang ikinasasama ng loob nya.. para iwanan nya lang ako biglaan. 

Hindi ganun si Raizel. ever since, kahit wala akong pake sakanya, nagpapaalam pa rin sya. Ngayon lang sya hindi nagpaalam sakin. Sa tinagal-tagal naming magkasama sa iisang bubong, ngayon lang nya ito nagawa sakin. 

It's either may problema sya na ayaw nya saking ipaalam dahil baka mahirapan lang ako, or may nagawa akong mali na nakita nya..

And may kutob ako na nakita nya kung anong nangyari samin kahapon ni Jasleen- which was a MISTAKE. 

Nagisip nanaman siguro ng kung ano-ano, at napahamak nanaman. At yung rin ang ikinakatakot ko. 

Takot na takot ako.. hindi nya kaya ang sarili nya. Clumsy sya. At, baka umatake nanaman yung sakit nya sa ulo.

Sino nalang ang sasalo sakanya? Shit. Naiinis ako sa sarili ko!!!

Flashback: 



"Talaga bang... wala na akong babalikan sayo?" 



Tinignan ko lang sya. At meron akong nakikita sa mga mata nya.. na emosyon. Hindi ko lang matukoy kung ano. 



Muli syang nagsalita. "Sigurado ka na ba dyan sa nararamdaman mo?" 



"Hindi mo ba nakikit-" 



SMACK. 

          



I did not saw that coming.. hindi ko alam na magagawa nya sakin yun. 



Nang natauhan na ako sa ginagawa nya, itinulak ko agad sya palayo. 



"What the fck do you think you're doing?!" 

Bakas sa mga mata ko ang galit. At alam kong nakita nya iyon. 

Lumapit sya sa tenga ko at bumulong.. 

"Because i can change what you feel. And kung hindi ko man mabago yan, face the consequences, my dear Cleo." 



Alam kong ginawa nya yun for a reason. Hindi lang sya basta bastang gagawa ng aksyon na ganun kung walang rason.. Hindi kaya nandito si Raizel? 



Sa sobrang inis ko eh nasigawan ko nalang sya. "Sa tingin mo ba mababago mo ang pagmamahal ko kay Raizel, ha? Oo. Mahal natin ang isa't isa.. Pero noon yon jasleen. NOON. Why can't you just get over it?! Si Raizel na ang mahal ko.. Hindi na ikaw. Hinintay kitang balikan ako non, pero wala akong napala. Sinaktan ko pa ang babaeng mahal ko na pala para sayo. But you didn't come back." 



Hinawakan nya ang balikat ko. "Cleo, ano ba! I'm right here infront of you. Bumalik na nga ako diba?! So let's just start anew and just leave her!!" 



I looked straight at her. With no emotion showing. 



"I'm sorry.. but you came back at the wrong time." 



Tsaka na sya tuluyang napaluhod at umiyak sa harap ko. Ayokong nakikitang umiiyak ang mahal ko. Oo, mahal ko sya. Pero bilang kaibigan.. hinding hindi ko magagawa kay Raizel yon. 



"Mahal kita.. pero bilang kaibigan nalang Jasleen. I'm sorry." 



Umalis nako at iniwan syang nakaluhod dun. Cold? Okay. Sabihin nyo na ang gusto nyo, pero gusto ko lang makita ang fiance ko, at soon to be wife ko. Ang soon to be mother ng mga anak ko.. 




Pag-uwi ko, hindi ko na sya nadatnan. Pagkita ko sa kwarto nya, eh halos kalahati ng gamit nya wala na. 

My Cold BoyfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat