Ikatlo

7 2 0
                                    

I FALL INLOVE TO A MAN OF MY DREAMS
Written by : AzaleaBlack
(One-shot story)

=============================

I am Yesha and i love to read stories. I have a mini library in my room. Hindi ako umaalis ng bahay na walang dalang libro. Sinasabihan na nga ako ng mga magulang ko na okay lang daw na magbasa ako pero sana isipin ko rin na nasa totoong mundo ako.

Paano ba naman kasi? Natutulala ako minsan at nakikita pa nila akong ngumungiti at tumatawa. Baliw na ba ako kung ganon?

I have a boyfriend in my dream. Isa sya sa mga imahinasyon ko na sadyang diko malimot. Bago ako matulog iniimagine ko na sya. Halos oras oras na nga yata ay naiisip ko sya.

Nagsimula ko syang mapanaginipan nung may nabasa akong story Action ang genre yata non? I don't remember the title pero alam ko na maganda yon.

Sa panaginip ko ay sweet sya at maalalahanin. Hindi nya ako hinayaang masaktan o ni mahawakan ng kahit na sino sa mga kasama namin sa panaginip ko. He always say i love you and even kiss me everytime. Sobrang sarap nya magmahal.

Sa panaginip ko ay mag boyfriend-girlfriend kami at nakatira kami sa iisang bahay. Malaki sya at malawak, may mga paintings and pictures naming dalawa. May mga maid din kami at nakakusap ko sila. May driver din kami at masaya silang kasama.

Minsan nga or palagi ba na tanghali na ako nagigising kasi nga ayoko pang itigil ang maganda kong panaginip tungkol sa kanya-sa aming dalawa.

Nabasa ko kasi ang kwentong yon sa isa sa mga facebook writer na naging close ko. Sabi pa nya ay true story daw yon. At eto pa ah? Ang sabi nya is napapanaginipan daw nya lahat ng scenes non bago nya isulat, kaya nga hanggang ngayon ay di pa rin sya tapos.

Oh! I remeber na ang title! That story is entitled When We Were Still Together written by Arthur.

Yan yon eh and also lalaki si Arthur okay? Actually na discover ko sya beacuse he add me as his friend sa facebook then nakita ko na may sinusulat syang story at ngayon araw-araw ko na syang binabasa. Meron na nga yong about 120 chapters at dahil don nagsimula na akong managinip about kay Arthur na syang bida non. Arthur din kasi ang name ng bida nya at Arthur din ang pakilala sa akin nung nasa panaginip ko.

Para talagang totoo ang lahat ng nasa panaginip ko. Lahat ng scenes na nasa binabasa ko ay nandon din at talagang kumpleto.

"Anak! Natulala ka nanaman dyan ano ba!" Sita sa akin ni mama

"Eh ma! Masama bang mag imagine?" Sabi ko habang nakatunghay sa mama ko na nakasalubong na ang kilay

"Abay anak! Okay lang mag imagine at mangarap pero nasa totoo kang mundo at wala sa loob ng libro!" Sabi naman bigla ni papa na mula sa kusina at may dalang kape

"Eh pa! Ma! Para kasing totoo eh!" Sabi ko naman sabay harap kay papa tapos si mama naman ay umupo sa tabi ni papa na kaharap ko ngayon.

"Eh ano ba k-kasing napapanaginipan mo?" Takang tanong ni mama sa akin na tila ba ay kinakabahan

"May jowa daw ako ma! Tapos nakatira kami sa iisang bahay! May maids don at driver! Ang lawak at may mga paintings at pictures pa namin!" Sabi ko na tila ba ay iniimagine ko ang lahat

"Eh a-anak anong pangalan ng sinasabi mong jowa mo?" Takang tanong naman ni papa ngayon na tila ba ay kinakabahan na rin

"Arthur po" pagsagot ko sa katanungan ni papa

"Naaalala mo na ang lahat?!" Sabay na sigaw nina mama at papa

Teka naguguluhan ako! Anong naaalala ko na ang lahat?!
--------------------

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon