Hi, EX.

69 2 0
                                    

Part 14

Paano kapag nakita mo yung ex mo? Paano kapag nakita mo ang taong dati mong minahal at ang taong akala mo ay kayo hanggang forever? Anong gagawin mo?

Sabi ng karamihan, past is past. Kaya dapat daw walang bitter. Dahil ang bitter daw ay ang taong indenial. Uy, aminin! May feelings ka pa dun no?

Sabi naman ng iba, awkward daw iyon. Kasi diba, siya yung taong sinasabihan mo ng, "I love you" dati. Siya yung taong binibigyan ka ng mga sweet smiles at warm hugs tapos ngayon hindi mo alam kung pwede ba siyang tignan o hindi mo na lang papansinin.

Some says, be friends again. Sayang naman daw ang mga pinagdaanan na memories kung masasayang lang. Pwede naman daw kasing ipagpatuloy ang samahan na walang commitment.

Pero, remember the love cycle? Yung strangers, tapos friends, naging close friends, pagkatapos naging lovers then pagkatapos, brokenhearted na. Wala naman sigurong may gusto na makipagkaibigan sa taong sinaktan ka at baka saktan ka ulit... if you give them the permission to hurt you again.

Exes can never be friends again. When it happens, one or both of them might still be in love, or they were never been inlove at all. In the first place when offering friendship, just realize the reality. It's like telling your kidnapper to keep in touch.

I honestly disagree with exes being friends -- much more kung close pa -- kasi, hindi ba awkward yun? Mahal na mahal niyo ang isa't isa dati then one will offer friendship? I mean, pwede kung hindi malalim ang naging relasyon niyo or hindi masyado seryoso. Pero kung kulang na lang ilaklak mo yung Smirnoff o Red Horse para maibsan ng konti yung sakit, yung wala ka nang makita masyado kasi mugto na mata mo, yung magpeplay ka pa ng mga pang-senti na kanta sabay iyak kasi may kasamang memories, eh mas mabuting "hu u?" na lang ang ireply mo sa ex mo. Whatever the reason why you ended, no exes are really friends.

Kami na Hindi Kami (KHK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon