Chapter Forty Nine- Talk To Me (Part 2)

11 0 0
                                    

Dinaanan ko si Clifford. Naramdaman ko ang paghabol niya saakin sa likod. Tumigil ako at hinarap siya.

"Stop following me"

"Please, talk to me...i cant bear it. I'll go crazy if i cant talk to you seriously."

"Then go crazy," umalis na ako at pumasok na sa room. Nakabuntot parin siya at di nagsasalita. Ano ba kasi gusto niya?

Umupo na ako sa upuan ko. Umupo din siya sa upuan niya at tinitigan ako. Ipinikit ko mata ko. Aaaarg...

***

Umupo ako sa grass. Dito makapahinga ako. Walang sagabal. Kitang kita ko ang view ng pagbabasketball ng mga lalake. Favorite sport ko yun, naiinlove talaga ako lalo na kung expert siya sa paglalaro nito. Naiinlove din ako sa mga lalaking magaling kumanta, ang sarap pakinggan.

May tumabi saakin.

Siya nanaman!

Tumayo ako pero hinawakan niya kamay ko.

"Bitiwan mo kamay ko!" sigaw ko. Binitawan niya agad ito. Nang nakatayo na ako, inabot niya saakin ang ice capades na chocolate. Dalawa ang dala niya, isa sakanya at isa para saakin. Kinuha ko to mula sa kamay niya at tinapon ito sa malayo.

Nagulat siya at tinignan ako. Tumakbo na ako palayo.

Hinding hindi na ako magtitiwala na kahit kanino, sobra na akong nasaktan kaya dapat lang ipagtanggol ko ang sarili ko. Mas mabuti na tong magisa ako kaysa sa patuloy kong kasama ang mga taong nagpapanggap lamang.

*~ringggggg!~*

Sinagot ko. "Saan ka? May practice ngayon."

"O-okay po"

Lintekan. May practice pa pala ng majorette! Hindi pa ba natatapos yan?

Pumunta na ako sa stadium.

"Lets start" sigaw ng trainer. Nagsimula na kaming sumayaw ng steps. Nagchange position hanggang nasa huli ako. Umikot ikot kami ng natigilan ako ng nakitang nasa likod ko lang pala si Clifford, nagda-drum.

Holy Crap! Bakit nakalimutan kong kasali pala siya dito?!

"Stop! Stop! Stop!" hinalbot ako ng beking trainer kaya napaharap ako sakanya. Galit na galit siya.

"Bakit ka tumigil?!" he yelled at me.

Ngumiti ako ng plastik."I quit"

Nagulat silang lahat. "W-what?" biglang lumaki ang mata ng beki ng narinig niya ang sinabi ko.

"I said I quit." I repeated.

"Why? Gosh! You cant quit!" taranta siya.

Its because di ako makaconcentrate kung may naaalala akong masakit!

Kung pwede ko lang isigaw ang mga dahilan ko, nasigaw ko na -___-

"Its just..."

"Its just what?" natatarantang tanong ng beki.

"Its just because im tired"

"Tired? Di ka pwedeng mag-quit! The next day na ang competition!"

"Its not my fault anymore" i frown. Tinuro ko si Madi.

"Her! Let her be the one"

"What do you mean?" tanong ulit ng beki.

I sighed "Siya nalang ulit ang head, tutal, magaling naman siya"

"Oooh yes! Please! Ako nalang!" Madi jumped.

"Di pwede! Ikaw nalang!" pakiusap ng beki.

"Sorry. I cant. Goodluck to all..." i shouted and left the stadium as soon as i can.

Umuwi na ako kahit di pa tapos ang klase. 3:09 pa lang. Humiga lang ako sa kama at kusa nalang tumutulo ang mga luha ko. Biglang nag-ring phone ko.

"Hello?" malumay na sagot ko.

"Please...talk to me" his voice is very low.

"Sino ka?" i ask still not opening my eyes.

"Kapre"

Lintek! Agad kong pinatay ang phone ko. Hampas lupa siya! At may gana pa siyang mag-call saakin? Pweee!

Nag-ring ulit phone ko pero agad ko tong pinatay. Ni-off ko ang phone ko at tinapon ito sa kung saan saan. Ewan ko na. Bahala siya.

Nagising ako mga 2:32 na? Whoa. May klase pa pala ako, pero dapat 6 pa ako magising, matagal pa klase ko. Nagroll over ako sa kama ng may naramdaman akong bagay sa kama. Kinuha ko yun, yung phone ko pala. Ni-on ko to.

28 misscalls
10 messages

Tinignan ko sino. Puro galing kay Clifford. Inopen ko ang messages niya.

Puro talk to me nalang ang tinetext niya, pero nahagop ng mga mata ko ang isang message niya.

Message: i'll wait for you after my class at the park. I'll wait no matter what.

Napatayo agad ako. After class?! Kailan ba natatapos klase namin? 4:00! Sht! Tinignan ko anong oras na, 2:32!

Crap! 10 hours and 32 minutes siyang naghihintay! Baliw na ba siya?

Nagbihis agad ako at nagtoothbrush agad. Okay na tong pajama at shirt na malaki na color green.

Bumaba ako ng sala at dahan dahang lumabas ng nakita kong umuulan ng malakas! Waaaaa! Si Clifford!  SHIT!!!

Nagmadali akong tumakbo palabas habang may dalang payong. Mabuti nalang medyo malapit ang park.

Ilang minuto din, nakarating na ako. Hinanap ko siya sa buong park pero wala siya. Naman Classy! Bakit ka ba naniniwala sakanya? Niloko ka na nga, maniniwala ka pa! Ang bobo mo! Sa sobrang close mo sa tao, simpleng sabi niya, naniniwala ka. E sino ngayon tanga? Edi ikaw!

Aalis na sana ako ng nakita kong may lalaking nakatayo sa gitna ng park habang nakayuko at sobrang basa na siya. May dala din siyang rose sa kamay niya na sobrang lanta. Nanginginig ang buong katawan niya.

Lumapit ako sakanya at pinayungan siya. Nakataas ang buong kanan kong braso sa sobrang tangkad niya. Tinignan niya ako.

Mga mata niya, sobrang pula na, mas pula pa saakin, kahit na ang lakas ng ulan, malakas din ang pagtulo ng luha niya. Ang buong katawan niya ay basa na at sobra siyang giniginaw.

Bigla niya akong niyakap. Nabitawan ko ang payong at sabay kaming nabasaan ng malakas na ulan. Nanatili lang kaming ganito. Umiiyak siya habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakayakap niya saakin. Ang lamig niya, sobrang lamig. Nanginginig na rin ang buong katawan ko dahil sa sobrang lamig niya. Ang bilis ng pagtibok ng puso niya, sobrang lakas.

"Im glad..." hirap na simula niya,"...you came..." mas niyakap niya ako. Napaiyak na rin ako at niyakap din siya.

Cant help it... tangina!

...to be continued

All Against MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon