The letter of Mica

18 9 0
                                    


To my bestfriend Wanda

    Alam kong masasaktan ka nito pero ito lang ang naiisip kong paraan para magpaalam sa'yo. Hindi ko alam kong makikita mo pa ako bukas, pakiramdam ko hindi na. Ang weird ng pakiramdam na parang hindi ka na maaabutan ng bukas, hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon.

Ilang gabi ko ng napapansin na lumalabas si Rex sa kanilang silid tuwing hating gabi. Siguro nagtataka ka kung bakit nakikita ko siyang lumalabas iyon ay dahil lumalabas din ako kapag tulog kana at nakikipagkita kay Mino sa likurang bahagi ng gusali.

Pasensiya na kung hindi ko nabanggit sayo ang tungkol sa amin ni Mino.

Binaliwala ko lang noong una ang paglabas ni Rex ngunit nagtaka ako nang mapansing napapadalas ang paglabas niya kaya isang gabi sinundan ko siya pero hindi ako nagtagumpay. Gusto kong sabihin sa'yo ang tungkol sa kanya pero natatakot ako dahil baka sabihin mong sinisiraan ko siya lalo pa't may nakaraan kayo isa pa wala akong sapat na ebendensiya na magpapatunay dahil hindi ko alam kung saan siya pumupunta.

Nung gabi na may nagtakang pumatay sa'yo nag-alala ako ng husto pero mas pinili kong sundan ang taong gumawa nun sa'yo para ipaghiganti ka kaya ako napadpad sa harap ng isang malaki at itim na bahay.

Bumalik ako para ipaalam sa inyo ang aking nakita pero tulog na ang iba nating kasama sa mga oras na iyon at hindi ko na rin nagawang sabihin sa'yo dahil alam kong susugod ka sa oras na malalaman mo at hindi ko iyon hahayaang mangyari lalo na at kakagamot pa lamang ng sugat mo.

Babalik ako sa itim na bahay mamaya upang alamin kung ilang kalaban ang nandoon at para na rin siguraduhin kung si Rex nga ba ang anak ni Ether at ang taong nagtangkang pumatay sa'yo. Wanda, kung ano man ang mangyari masaya ako dahil naging kaibigan kita.

Wala akong pinagsisisihan na araw magmula ng maging kaibigan kita. Wanda, huwag kang malulungkot kapag nawala ako, isipin mo na lang na makakasama ko na ang mga magulang ko at ang pamilya mo. Ikukwento kita sa kanila, pangako 'yan.

Sasabihin ko sa kanila na namimiss mo na sila. Si Dion pala, masaya ako para sa inyong dalawa. Alam kong mahal ka parin niya dahil nakikita ko ito sa kanyang mga mata. Hindi mo napapansin pero nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata sa tuwing nakikita niya kayo ni Rex na magkasama. Naku! Bestfriend pakasalan mo na 'yan!

Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa'yo, pinapatawad na rin kita. Wanda, palakasin mo pa ang loob mo dahil maraming umaasa sayo.

Thank you for everything Wanda,

Ikaw ang isa sa pinakamagandang ibinigay sa akin. Hinding-hindi kita makakalimutan kahit nasa kabilang buhay na ako at alam kong hindi mo rin ako makakalimutan.


Salamat.

-M

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon