¤ Chapter 22 ¤ Binalaan kita

199K 5.9K 362
                                    

¤ Chapter 22 ¤ Binalaan kita

Nagulat ako nang biglang hilahin ni Monique si Lulu papunta sa stage.

Everyone is curiously looking at us.

Sinundan ko sila at pilit pinigilan pero desidido si Monique at ayaw talagang magpaawat.

"Monique, tigilan mo na 'to!" pigil ko sa kanya sa harap ng stage.

Si Lulu naman ay walang ginawa at nagpatianod lang kay Monique. What the?

I looked at him questioningly. Bakit hindi mo pinipigilan si Monique?

Tumango lang siya saakin, parang sinasabing 'hayaan mo na, she deserve this'.

Umiling ako bilang sagot sa kanya. I knew she deserve this but...hindi ko yata kayang ipahiya nang ganito ang kapatid ko.

Si Monique naman ay lumapit sa MC at inagaw ang mic dito.

She looked at me and smirk.

Umiling ako sa kanya para pigilan ang binabalak niya. "Kapag tinuloy mo 'to ikaw lang ang mapapahiya." banta ko sa kanya.

But she didn't heed to my warning. Lalo pang lumaki ang ngisi niya dahil sa sinabi ko.

"Mapapahiya? Sino? Ako?" nanunuyang tanong naman niya gamit ang mic.

Nakuha namin lahat ng atensyon ng mga tao dahil sa ginawa niya. Everyone around is now looking at us.

"Monique, hindi ako nagbibiro." I said sternly.

"Bakit? Sa tingin mo ba, nagbibiro rin ako?" she said smugly.

Tapos bumaling siya sa mga taong nanonood ngayon saamin.

"Ladies and gentlemen, alam ko na hindi rin kayo sang-ayon sa results nang contest na ito," sabi niya.

Umiling lang ang mga tao, hindi sang-ayon sa sinasabi niya. Everybody knows we deserve the title.

"Let's just face it, come on! Paano mananalo ang lalaking 'to over my boyfriend?! Ni hindi niya nga pinakita ang mukha niya! At all this time suot-suot niya ang maskarang ito!" dugtong pa niya.

"Where are the judges?" tanong niya pa.

Yung mga judges naman ay tinignan lang siya ng masama.

"Aminin niyo na, binayaran lang kayo ng couple na ito para manalo hindi ba?" accused niya.

What is she doing? Nababaliw na talaga siya.

"Monique, stop it! Hindi ka ba nahihiya sa pinanggagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ako mahihiya? I'm just claiming what's mine." sabi naman niya.

I'm just so speechless right now. Hanggang saan ba ang sukdulan ng sama niya?

"Sa'yo? Ang alin?" tanong ko naman sa kanya.

"Ang title. Kami naman dapat ni Jarred ang mananalo, e! But you paid the judges para papanalunin kayo!" accuse niya saamin ni Lulu.

Nang mga oras na iyon napagtanto ko na mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat pinahirapan at pinahiya si Lulu para lang sa walang kwenta kong kapatid. She's not worth it.

Hindi ko na dapat siya iniisip. Bakit ko ba naman kasi iniisip ang kahihinatnan nang taong wala namang ginawa kung hindi pahirapan at ipahiya ako?

Kapag hinayaan kong lumambot ulit ang puso ko, alam ko sa huli kami ang magiging talunan at kawawa dito.

"Hindi nila kami binayaran! The judgement is fair. Sa rampa palang talbog na kayo! Kilig factor? Napakilig nilang lahat ang mga tao dito sa stadium. Looks? Miss Sophia is obviously prettier than you. And even though Mr. Ethan is wearing a mask, he got the same cheer and claps as your partner. And the body? Everyone in this stadium will agree in the decision na mas higit sila." paliwanag naman ng isang judge.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon