Chapter Four: Ang Makabagong Robin Hood
NAKAPIRING na naglalakad si Justice sa isang daan na hindi niya alam kung saan. Ang tanging gabay lang niya ay ang mga kamay ni Pierre. And it was quite a different experience. Hindi niya lubos maisip na magiging malapit siya sa isang magnanakaw.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ni Justice.
"Hindi ba, gusto mong malaman kung saan ko dinala ang perang pinagsanlaan ko ng selpon mo?" balik-tanong ni Pierre.
"Oo. Pero bakit kailangang nakapiring pa ako?"
"Surprais nga, eh. May surprais bang sinasabi agad?"
Oo nga naman. Medyo sumesemplang tayo sa common sense recently, Justice, ah? sita ng isip niya sa sarili.
Sa ilang sandali ay huminto sila. Ah, basta. Susunod lang siya sa kung saan siya dadalhin nito.
Narinig niya ang pagtunog ng doorbell. Pinindot siguro iyon ni Pierre.
"Puwede mo nang tanggalin ang piring mo." utos ni Pierre.
Tinanggal niya ang bandanang nakatapal sa kanyang mga mata. Isang mataas na pinto ang nasa harap nilang dalawa. Kumunot ang mga noo niya nang napatingin siya kay Pierre.
"Ano'ng lugar—" Natigil ang sinasabi niya nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang isang lalaking nakasuot ng mahabang damit na kulay puti. By the looks of it, isang pari ang nasa harap nila.
"Magandang umaga po, Pader." bati ni Pierre sa pari.
"Aba, magandang umaga naman sa 'yo, Pierre. Nakakatuwa at muling binisita mo ang ampunan."
Ampunan? Nasa isang orphanage sila?
"Si Jus—Jas—Jus—Jastis nga po pala. Jastis, si Pader Eduardo nga pala. Siya ang paring nangangasiwa sa bahay-ampunan na ito." pagpapakilala ni Pierre sa kanila.
Ang ipinapatawag niya kay Pierre ay Orange na lang, dahil nagpapanting ang mga tainga niya sa tuwing imi-mispronounce nito ang pangalan niya. Pero napapangiti ang puso niya sa tuwing susubukan nitong itama ang sarili para mabigkas nang tama ang pangalan niya.
"Hello po, Father Eduardo. Nice to meet you po." Kinamayan agad ni Justice ang pari.
"Ikinagagalak din namin ang pagbisita niyo. Halika, pasok kayo." aya ni Father Eduardo. "Tamang-tama at nagme-meryenda ang mga bata."
Tumalima naman silang dalawa. Napasulyap siya kay Pierre, at matagal ang sulyap na iyon. She was truly astonished of where he brought her.
Hindi pa man sila nakakalimang tapak ay naramdaman niya ang pagkrus ng mga daliri niya sa mga daliri ng kamay ni Pierre. He was holding her hand!
"Huwag ka nang kumontra. Nanakawan ulit kita ng halik, sige." mahinang wika ni Pierre.
Kokontra ako! Kokontra ako! nagsusumigaw na sabi ng utak niya. Aba, ang maharot niyang utak, mukhang nais magpahalik ulit sa lokong ito?
Sa ilang sandali ay narating nila ang loob ng bahay-ampunan. Napakaraming bata ang naroroon at sabay-sabay na kumakain. How she loved kids!
BINABASA MO ANG
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR)
Romance"Sabihin mo lang na ligawan kita, hindi lang puso mo ang nanakawin ko. Pati ang buong pagkatao mo, aangkinin ko." Masayang-masaya si Justice sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay. Nag-overflow ang creative juices sa utak niya at nakapagsu...