CHAPTER 25

41 2 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kaniya na hindi makapaniwala.

He is in love with me?. Mahal niya ako?...

"Hi-hindi kita maintindihan.." Sabi ko sa kaniya na parang naguguluhan.

Biglang lumungkot yung mukha niya and by that parang nasaktan ako ng konti.. Ano ba 'tong nararamdaman ko?.

"Bree.. Nung una I like you.. Nung nakilala kita like lang kita nun kasi you're simple, mabait, palatawa.. Lahat nandiyan na sayo.. Iba ka.. Iba ka sa ibang babae, iba ka sa kanila..." Sabi niya sa akin na nakatingin sa mga mata ko..

Hindi ako umimik at nakatingin lang din sa kaniya.

" Napaisip ako nun baka like lang kita o crush lang.. Sabi ko nun sa sarili, normal lang yung magkaka crush sa isang tulad mo.. Sabi ko din nun, crush lang at huwag nang hihigit pa dun.."

"Pero umabot yung araw na yun.. The way you looked at him.. Iba yung way na pagtingin mo sa kaniya.. Not the way sa pagtingin mo sa amin ni Zack.. Iba Bree.. Nasaktan ako nun at umaasa na sana mali ang iniisip ko.. Ang iniisip ko na baka mahal mo siya..."

"Pero yung araw na nakita kitang umiiyak, nilapitan kita nun.. Nasasaktan ako na makita kitang umiiyak tapos tinanong kita kung bakit ka umiyak.. Tumingin ka sa akin nun na may mga luha sa mga mata mo at sabi mo mahal mo na siya... At nung sinabi mo yun, alam ko na agad kung sino yung ibig mong sabihin na mahal mo na..."

Naalala ko pa yun.. Siya yung nag comfort sa akin...

"Nasasaktan ako nun.. Una, Kasi umiiyak ka.. ayaw kong makita na nasasaktan ka. Pangalawa, kasi sinabi mong mahal mo siya..."

Speechless..

Yan ako ngayon.. Hindi makapagsalita at hindi alam ang sasabihin..

"Bree.. Nandito lang ako.. Ngayon ko lang nasabi 'to sayo dahil ayaw kong guluhin ang isip mo noon... But now.. I think this is the right time na sasabihin ko ito sayo, ang nararamdaman ko para sayo.."

Hindi ko namalayang may luhang bumagsak sa pisngi ko.. Hindi ko alam kung bakit.. I was so blind.. Meron lang palang taong nagmamahal sa akin.. Ang bulag ko.. Yan kasi eh.. Minsan nagiging bulag tayo.. Lahat ng nakikita at yung attention natin ay napunta lang sa taong mahal natin.. Hindi natin napapansin na meron pa palang iba na nagmamahal sa atin..

Wala naman siguro akong nararamdaman na 'something' para sa kaniya.. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko?.

"Bree.."

Tinignan ko siya at ang seryoso ng mukha niya.

"Mahal kita."

Biglang bumilis ng tibok ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Bakit?. Alam kong mahal niya ako.. pero... alam naman niya na may mahal akong iba..

"Dimitri ... Alam mo namang mahal k----."

"Na mahal mo siya?." Sabi niya tapos tumawa ng mapait.

"Alam ko naman yan, Bree eh. Matagal na. Lahat ng araw nakikita kitang parati nakatingin sa kaniya. Alam ko naman yan eh.." Sabi niya na parang naluluha na.

Why? . Bakit pa ba 'to nangyari sa amin?. Ang gulo na...

"'Di ba sabi mo kanina ayaw mo na? . Gusto mo nang mag move on?. Tutulungan kita.." Sabi niya na nakatingin lang sa akin..

Tulungan? How?.. Don't tell me..

Panakip butas?..

"Hindi... Ayaw kong maging panakip butas ka.. Alam kong hindi agad mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. it takes time.. pero kahit ganun, ayaw kita---."

"Please..."

Sabi niya sabay hawak sa mukha ko.. He is now crying.. Us, we both are crying..

Umiiling ako sa kaniya, sign na ayaw ko talaga..

Ayaw kong maging panakip butas lang siya.. Hindi...

"Please?.. Tutulungan kitang mag move on ..Okay lang sa akin .. Okay lang sa akin Bree kahit panakip butas man lang ako.. I am willing to do it for you .." Sabi niya sa akin na lumuluha pa rin..

"Ayaw kitang paasahin.. Baka hindi mag work-out---"

"Matutunan mo akong mahalin.. If you'll fall for me, don't worry.. I'll catch you and I won't let you hanging.."

Nakatingin lang ako sa kaniya.. Alam kong gusto ko nang mag move on.. Pero hindi sa ganitong paraan..

Hindi ako umimik at nakatingin lang sa kaniya..

Bigla siyang yumuko, lumayo sa akin ng konti at bumalik yung tingin sa city lights..

"I understand .. just ... just tell me if okay lang sayo o hindi.. I know naguguluhan ka ngayon at ayaw mong mag desisyon.. pero Bree, gusto kong malaman mo na mahal kita.. Mahal na mahal na kita.. And I am ready to catch you if you'll fall .."

Nakatingin lang ako sa kaniya at sa hindi ko alam na dahilan ay bigla ko siyang niyakap..

"Please understand.. ayaw kitang gawin na panakip butas ... I know mahirap mag move on.. Talagang it takes time .. Pero ayaw kong gumamit ng tao para lang makalimutan ko ang isa .. Ayaw kong gawin yan .. maraming paraan para makalimutan ko siya .. Thank you sa suggestion pero ayaw ko talaga.."

Naramdaman ko namang yumakap din siya sa akin..

"Okay if that's what you want.. I'll help you na mag move on pero hindi meaning na panakip butas ako, ah.." Sabi niya na tumawa ng konti..

Konting katahimikan ang pumagitna sa amin.. Ang tanging naririnig lang namin ay yung mga ingay galing sa city.

"Dimitri..."

"Hmm?."

"Kung mas maaga lang kitang nakilala ... Ikaw na sana ang pinili nitong puso ko..."

Narinig ko siyang tumawa ng konti..

"Saan kaya nagtitinda ng time machine?."

Sinuntok ko naman siya sa likod niya ng mahina..

"Haha. Sira ka talaga.."

*BOOOOOOM!!*

Bigla kaming napatingin sa kung saan nanggaling ang tunog..

Mga makukulay na fireworks ang nakikita namin na nasa kalangitan. Sunod-sunod na pag putok. Iba't-ibang kulay..

Ang ganda..

"Bree.."

Napatingin ako kay Dimitri..

"Lagi mong tandaan na nandito lang ako para sayo.."

Ngumiti ako sa kaniya at nag saludo.

"Opo!."

Destined For You ❤ [HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon