Chapter 9 (Girlfriend?!)

83 0 0
                                    

Kathryn's POV

Arghhh. Nakakainisss! Nakakainis talaga! Shutang inernsss--Bad kath! Huhuhu, natututo na ko magmura waaaahhh! Teka nagtataka kayo siguro kung bat ako naiinis no? Ganito kase yun..

FLASHBACK

*kringgggggggggg--*

"Aaaahhhhh! Hmmm.." naginat ako at nagpagulong gulong sa kama ko. 2 araw din pala akong di nakapasok dahil sa pagbabantay ko kay Daniel. Speaking of, kamusta na kaya siya?

Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Ayoko kase ng bumaba paggising ng hindi pa naliligo. Hmp, gusto ko lagi akong presko.

At siyempre, morning rituals muna ang gagawin ko. Tinignan ko ang poster ni DJ my labs sa tabi ng bintana ko at nginitian ito. Alam ko mukha akong tanga pero wala eh, nakagawian ko na.

"Good morning, babe." puno ng pagmamahal na bati ko.

"Hoy kapatid maligo ka na! Di ka muna papasok ngayon ha!" nagulat ako ng may magsalita. Tinignan ko yung pinanggalingan ng boses at nakita ko si kuya Keith na nakaschool uniform at nakasukbit ang polo sa balikat. Feel nyo? Yung parang pang model. Hahaha, gwapo talaga ni kuya.

"Ha? Bat hindi? Dalawang araw na kong di napasok ah! Sayang naman tong notes na isinulat ko kung di ko maipapasa ngayon tsaka andami ko naring nakaligtaan na quizzes eh!" umiling naman si Kuya at kinuha ang mga notebook sa lamesa ko.

"Ako nalang magpapasa sa mga subject teachers mo tsaka excused ka for one week dahil nabalitaan ng head ng school ang nangyari sayo. Isa pa, laman ka ng balita sa tv, newspapers at networking sites. Wag mo nalang pansinin yung mga yun, okay baby girl?" malungkot na tumango naman ako sakanya. Laman agad ng balita at chismis? Ano nalang kaya ang sasabihin nila Papa at Mama dito?

Linapitan ako ni Kuya at hinalikan sa ulo. Pinat niya yung ulo ko at nginitian ako.

'Ano ako?! Aso?!'

Lumabas naman siya at isinara ang pinto ko. At dahil tinamad ako, bumalik ako sa pagkakaupo sa kama ko at binuksan ang laptop ko. Nag open ako ng fb, twitter, tumblr at wattpad. Sarreh, networking sites addict ako eh.

Pagkatingin ko sa fb ko ay 300+ notifs at 185 messages. Sa twitter ko naman ay nabawasan yung followers ko pero nanatili parin doon yung mga ka-DJ members ko. Binasa ko yung mga trends ngayon at bengga, nationwide ang hashtag na #WhoIsThisKBGirl

At sad to say na ang nagpatrend non ay si Zharm. Si Zharm na ex ni DJ. Aba! Eto talagang babaeng to! Hindi lubayan ang aking future hubby!

Yep, kilala ko si Zharm. Eh halos lahat ng nagtangka na lumapit kay DJ noon eh sinasalag niya. Ganun siya kapossesive.

Kinlik ko yung hashtag na #WITKBGirl at parang kinukurot ang puso ko sa mga nabasa ko.

---

@iamgarciakesha  
#WhoIsThisKBGirl Kathryn Bernardo guys. Taga GF academy. Malandi daw talaga yan

Replies:

@Jhiiz_18
@iamgarciakesha Ayy oonga halata sa itsura haha, whore like.

@iamariollazharm
Guys! I do have the link of the picture! Click here! --> www.walangmaisipsiauthornawebname.com

---

Kinuha ko yung iPad ko at binuksan yung IG ko. Tinignan ko yung username nung nagbigay nung link at nakita ko yung picture doon kung san nakayakap sakin si Daniel.

Mr. Matulungin meets Ms. MasipagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon