20

839 10 0
                                    

AN: Last part na muna. Next update Friday night/ Saturday morning. + 15 parts agad sa. (i have just reuploaded ffh, completed na to before) Vote please! THANK YOU 

Setting: Late August na. Sa school. Nagreready pa rin para sa upcoming Intrams (Sep. 15-17)

Nag-aantay lang kami nito sa room na dumating ‘yung next subject teacher namin. Nagbabawal lang ako sa mga maiingay at wala naman sila gaanong pakialam dahil baka hindi naman pumasok teacher namin, super busy na kasi talaga.

Nilapitan naman ako ni Gian na mukhang sawa na rjing magbawal, “Hay Sam, showing na niyan ‘yung Final Destination.” Hihi alam kasi niyang mahilig ako sa horror eh! Tsaka nung isang araw, pinanuod ko lahat ng Final Destination movies tapos katext ko siya kaya nabalita ko.

“Oo nga daw eh, walang pasok ng Monday baka manunuod ako.” Ewan ko lang bakit walang pasok ha.

“Ah sige bye.” Hahahaha. Hindi ko siya inaya kasi gusto ko sanang itry ayain si Jam magmall ulit na kami lang dalawa. Tutal nakakasama ko naman na siya talaga at nag-uusap na kami in person, baka naman pumayag na siya.

******

“Princess, showing na daw niyan FD5 oh..” Ka-chat ko kasi siya nitong gabi.

*1 new message:

Ahh oo. Papanuorin mo?”

 

Woooh it’s now or never!

Pwede pasama manuod? Sa Monday please! Wala namang pasok eh.”

 

*1 new message:

“Bakit ako?:O”

 

Ay. Sige si Cam! Nako, syempre siya, siya kaya mahal ko. Huhu.

“Miss na kita eh.. Gusto ko ikaw..”

 

*1 new message:

“Nasasanay ka na ha! Hahaha. Hmm sge pag-isipan ko.”

 

Ayun eh! Pero tama siya, nasasanay na yata akong pwede ko na siyang nakakasama. Sana naman pumayag na siya!

******

Lumipas lang ang linggo na puro practice sa Basketball lang ang inatupag naming barkada.

Sabado ngayon at nag-ayang magmall si Mama. Nasa Robinson’s kami at naghahanap siya ng damit. Habang naglalakad, may damit na pumukaw ng atensyon ko.

Yellow Angry bird shirt! Hihihi, obviously, hilig nga ni Jam ‘yun, tsaka syempre, favorite color niya.

“Mother! Magmo-mall akong Monday.. Pabili naman nun oh.. Suot ko..” Tawag ko kay Mama habang nagtitingin-tingin siya ng sarili niyang damit. Hindi naman umayaw si Jam diba? Kaya assuming na ako na tuloy kami sa Monday. Hihihi.

Lumapit naman siya at tinignan ang shirt na hawak ko, “Hindi naman maganda eh, pili ka nalang ng iba.”

Fighting For Her (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon