Chapter 6: "Are you free tonight?"
Iris' POV
"IRIS!!! NAMISS KITA!!!" sigaw ni Jhonie dito sa labas ng bahay namin. Kasabay nun ay ang pagsunggab niya ng yakap sa akin na ikinagulat ko. Isang linggo pa lang nung lumipat kami dito pero parang isang taon na niya ako hindi nakikita. (¬_¬)
Buti pa 'tong si Kyla behave lang.
"Sandali... sandali lang Jhon. I c-can't breath." biro ko sa kanya na bumitaw naman.
"So, balita namin may lovelife ka na ha?" sabi ni Kyla ng naka-kibit balikat.
Whoa! Huwag nilang sabihin na si mama ang nagbalita sa kanila na may mga kasama akong lalake na naghatid sa akin noong nakaraan?
"Tch. Wala noh! Wala akong panahon sa ganyan. Oh buti naman nahanap niyo yung bahay namin?" pag-iiba ko ng topic.
"Siyempre kami pa ba? Haha! Hindi mo ba kami papapasukin? Kanina pa kami dito oh, hello!" maarteng sabi ni Jhon.
Binatukan ko naman siya, dinaig pa si Kris Aquino sa pagsasalita eh.
"Aray ha! Tara na nga Kyl!" sabi naman niya sabay hila kay Kyla sa loob. Aba't masyadong feel at home 'to ha.
"Nasaan yung kwarto mo Iris? Tara! Tara!" excited na sabi ni Jhon na kauupo pa lang naman sa sofa. Energetic masyado, ilang cobra ininom nito?
"Nasa taas." walang gana kong sagot.
"Hmm.. Iris malapit na palabas ng city 'tong lugar niyo ha? Hindi ba nakakatakot? Para kasing anytime may hoodlooms na pupunta dito eh." sabi ni Kyla na kunwari nagka-goosebumps.
"Tch. Ang paranoid mo naman Kyl. Mga nature friendly kaya yung mga tao dito." sabi ko sa kanya kahit na hindi ko naman talaga kilala yung ibang tao dito sa lugar namin.
"Hoy tara sa taas tayo!" sigaw ni Jhon sa amin na nandun na pala sa may hagdan.
-
"Ang... ang ganda dito Iris." sabi ni Kyla na manghang mangha sa nakikita niya.
"Oo nga. May ganto palang lugar dito, ang... ang daming puno." sabi naman ni Jhon na tulala rin katulad ni Kyla.
Nandito kami sa may veranda at kasalukuyang tinitingnan nila yung tanawing palabas na ng siyudad. Madami kasing puno at mga iba't ibang species ng ibon ang mayroon doon. Hindi katulad sa siyudad na puro buildings at establishments ang makikita.
Naalala ko tuloy sila. Ano kayang ginagawa nila ngayon?
-
D.O's POV
"HOY! Bilisan niyong gumawa ng apoy!" sigaw ko kay Chanyeol at Kai. Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin nila napapaapoy yung kahoy na ibinigay ko sa kanila.
"Masyado mo kaming ina-under Kyungsoo! Isusumbong kita kay Suho hyung!" sabi ni Chanyeol na parang iiyak na.
"Ah ganun? SIGE! HUWAG KANG KAKAIN HA?" sigaw ko naman sa kanya.
"Ha-ha! 'Di ka na mabiro Kyungsoo. Hoy Kai bilisan natin gumawa ng apoy. Ha-ha-ha!" sabi niya na tatawa tawa pa.
Magluluto kasi ako ng baboy ramo na nahuli nila Tao at Kris malapit dito. Tradisyunal na pagluluto ang gagawin ko na itinuro pa sa akin ng mga nakatatanda sa lahi namin.
"Oh Kyungsoo hyung, napaapoy na namin." sabi ni Kai makalipas ang ilang minuto na pagkiskis sa kahoy.
"Yehet!" masiglang sabi ni Sehun na akala mo tumulong sa paggawa ng apoy. Yehet? Sa'n galing yun?