17

7K 176 52
                                    


"Debut na ng Ina ko.. Mahal kong Ina, eighteen ka na ngayon! Dalagita na ang mahal kong Ina.. "

Kanta nang kanta si Mama habang nagbabalot ng mga paninda niya mamaya. Dahil walang bagyo na dumarating sa La Carlota, 'di naalintana ang benta't pasok ng pera sa bahay namin. I was satisfied and was more than happy.

"Ma! Ano ba 'yan," tawa ko. "Wala ka naman sa tono!" suway ko bago ko tuluyang inayos sa maliit na bilao ang mga nabalot na daing. Matalim niya akong tinignan at animo'y aabutin pa para kurutin ako.

"Ikaw na nga 'tong binabati ikaw pa 'tong galit!"

"Joke lang!" tumawa ako nang tumawa. Mayo na ngayon, literal na ang bilis ng panahon. Tapos na ako ng high school. I graduated as the batch Valedictorian. Inalay ko 'yon sa Mama kong 'di tumigil na maniwala sa 'kin at magtiwala, hindi ko inexpect na ako ang mangunguna sa buong batch pero thankful ako dahil maganda tignan 'yon sa background ko.

Especially makakatulong 'yon sa pag-apply ko for scholarships na nailakad ko na rin. Naghihintay nalang ako ng acceptance letter para sa scholarship sa school sa Manila. Kung hindi naman kasi ako makukuha 'di ko na rin papatulan pa..

Alam kong 'di namin kaya ni Mama ang 40,000 pesos per semester. Baka makuba na ang nanay ko sa kaka-trabaho 'di pa ako tapos sa pag-aaral sa school na 'yon.

Ang hirap mangarap 'pag wala kang pera. Pero mas mahirap atang may pera ka at kakayahan pero wala kang pangarap.

O baka pareho lang mahirap. Umiling ako. Pitting struggles against each other was so unnecessary.

Isang buwan na simula nang mag-graduation, halos dalawang buwan na nang mag-birthday si Loki. Wala akong ibang ginawa kung hindi magtrabaho, pinaghahandaan namin ni Mama ang tustusin para sa dorm na titirhan ko kung sakali mang matanggap nga ako.

"Anak, bilhan kaya kita ng gown? Marami sa Pla-"

"Gastos lang 'yan, Ma," pagputol ko sa kaniya. "Ipang-pansit nalang natin."

"May pansit na naman tayo!"

"'Wag na po talaga, ayos lang ako, 'di naman importante 'yon. Ang mahalaga magkasama tayo.. 'Tsaka si Loki," dagdag ko, nakatingin pa rin sa bilao na punong-puno. Bukas kasi 'di kami magbebenta kaya marami ngayon ang ilalako namin.

"Isang beses lang sa buhay ng babae ang debut, 'nak, ano.. Gusto mo?" ngumiti siya. Umiling ako. Debut ko na bukas pero ayos na naman sa 'kin ang simpleng handa. Ganoon naman palagi ang birthday ko. Masaya naman ako roon?

Kahit man gusto ko maging magarbo, ayaw kong magkunwari na kaya namin ni Mama ang mga ginagawa ng ibang taong may kaya.

'Di ko kailangang makipagsabayan sa buhay ng iba kung 'di naman namin afford. There's no shame in admitting that you simply cannot afford.

Mga tao lang talaga ang nagbibigay ng kahihiyan sa mga taong 'di kaya ang mga kaya nila. Parang mga tanga. Wala namang nakakahiya kung wala kang pera, kung wala ka no'ng mga meron ang iba.

Itong mundong 'to lang talaga ang nagpapakumplika ng mga bagay-bagay. This world? It had always been unfair. 'Di lang ang mga tao pero pati ang sistema. Kibit-balikat nalang ang nagawa ko.

"Ang kulit mo, Rina, wala nga 'di ba?" marahan kong iniligpit ang mga gamit ko sa counter. May 13 ngayon, Linggo. May isa akong client para turuan mag-surf. Pero kailangan kong umuwi dahil nga naghanda si Mama. "Pero puwede ka namang pumunta, may handa naman kami pero wala kang engrandeng selebrasyon."

"Sama ako! Hintayin mo ako, please!" tumingin siya sa relo niya. "Mga one hour pa, sige na?" ngumuso pa siya para magpaawa. Umiling ako.

"Sumunod ka nalang sa bahay, alam mo naman ang bahay namin e." Hinihintay na kasi talaga ako ni Mama sa bahay at pagagalitan ako no'n 'pag wala ako sa bahay. 'Pag birthday raw kasi dapat 'di nagta-trabaho.

Burned by the Frail Waves (La Carlota #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon