PROLOGUE

16 0 0
                                    

KITANG kita ng isang limang taong gulang na batang babae kung papaano patayin ang kanyang mga magulang, wala na ring humpay ang tulo ng kanyang mga luha tila hindi na nya ito mapigilan dahil sa nasasaksihan nya ngayon.

"I told you, Alexander. Hindi ako madaling kalaban." Malamig na sabi ng isang lalaki na lahit sino ay kakatakutan ito. Bakas sa boses nito kung gaano ito kagigil sa kanyang mga magulang na parang kahit isang iglap lang ay kaya ka nitong patayin.

"Sinabi ko naman sa'yo, Vagnor na babayaran kita basta bigyan mo pa ako ng kaunting palugit." Bakas sa boses ni Alexander ang takot hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang asawa at anak.

Nakatanggap naman siya ng isang malakas na suntok galing sa lalaki na nagngangalang Vagnor. Napaigik naman si Alexander dahil sa sakit ng suntok nito. Nalasahan niya ang dugo na dumaloy sa gilid ng kanyang labi.

"I gave so many days para mabayaran mo ako Mr. Reed but what did you do? Tumakas pa kayo ng pamilya mo." Mr. Vagnor said, he has no emotion in his face.

Pinipilit ng batang babae na hindi mapahikbi ng malakas dahil siguradong kapag narinig ng mga ito ang hikbi niya ay mahuhuli siya.

"Nagmamakaawa ako. Please pakawalan mo na kami ng asawa ko." Pagmamakaawa ng asawa ni Alexander na si Heather, walang na ring humpay ang paghikbi nito dahil sa takot.

Nakatanggap ng isang malakas na sampal si Heather kay Mr. Vagnor.

"Wag mong saktan ang asawa ko! Ako na lang, ako lang naman ang may atraso sa'yo diba? Kaya wag mo na siyang idamay." Alexander said.

Nagpapasalamat ang mag asawa na naitago nila ang kanilang anak sa loob ng kanilang cabinet dahil kung hindi ay sigurado silang sasaktan din nila ito.

Tinanguan naman ni Mr. Vagnor ang kanyang mga tauhan at may inilabas itong isang batang lalaki. Binigyan nila ito ng isang baril. Samantalang hindi alam ng batang babae kung ano ang gagawin ng mga lalaki sa kanyang mga magulang.

Nagulat na lang siya ng marinig niya ang sunod sunod na tunog ng baril. Sa bawat pag putok nito ay napapa igtad siya sa lakas.

Napaluha na lang siya ng makita niya na nakahiga na sa sahig ang kanyang mga magulang at duguan. Napakabata pa niya para masaksihan ang napakabrutal na pangyayari na ito.

Nang makita na ni Mr. Vagnor na wala ng buhay ang mag asawa ay umalis na ang mga ito.

"Let's go."

Samantalang ang batang lalaki na bumaril sa mag asawa ay napapaluha ng lihim dahil sa sinapit ng mga ito. Hindi naman niya ginusto ang nangyari sa mga ito dahil sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya parin patayin ang mag asawa. Dahil siya ang papatayin ng mga lalaki kapag 'di niya sinunod ang utos ng mga ito.

Nang makaalis na ang mga lalaki ay lumabas na ang batang babae sa cabinet at pinuntahan niya ang kanyang mga magulang na naliligo na sa sariling dugo.

"M-Mom....D-Dad" she said while sobbing.

Amelia Harper Reed

NAPAIGTAD ako sa aking higaan dahil naaalala ko nanaman ang pagkamatay nila Mom and Dad.

"Hija, Lia kakain na." Manang Rolita said. Siya na lang ang natira sa'kin pati na rin si Atty. Rodrigo, simula ng namatay sila Mom and Dad ay siya ang nag alaga sa'kin. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil inaalagaan niya ako.

"Coming." I said.

Sabi sa akin ni Atty. Rodrigo ay bago daw mawala sila mom and dad ay naipangalan na daw sa akin yung mga ari-arian namin. Habang maliit pa ako ay siya rin ang nag handle nito. Sa taon na 19 years old ay ako na ang naghahandle sa mga businesses namin dahil tinuturuan na ako ni Atty. Rodrigo kung paano ito i-handle simula nung nag 15 years old na ako.

Simula nung nangyari sa mga magulang ko ay naging malamig na ang pakikitungo ko sa ibang tao dahil ayoko ng magmahal at masasaktan lang ako. Ayoko ng mawalan pa ulit ng minamahal sa buhay dahil sobrang sakit nito. Pati kaibigan ay wala ako, sila Manang Rosita at Atty. Rodrigo lang talaga ang pinakikitunguhan ko ng maayos.

Araw araw din akong nasa training kung paano makipaglaban at self defense, ipinangako ko sa sarili ko na ipaghihiganti ko ang aking mga magulang. Pinalalakas ko ang sarili ko para makalaban ako sa kanila, ikinuwento kasi sa'kin ni Atty. Rodrigo kung gaano kabagsik at kakilala sa business world si Mr. Vargor. Natatandaan ko pa ang apelyido niya at hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa pamilya ko. Makapangyarihan siya halos lahat ng tao dito sa mundo kaya niyang patumbahin ng isang iglap lang. I try to investigate him but there's a wall na pumipigil sa akin. Sinubukan ko na rin ang batang lalaki na bumaril sa mga magulang ko dahil isa rin siya sa mga taong paghihigantihan ko.

PAGKABABA ko sa kusina ay marami na agad nakahain sa lamesa. Marami talaga ako pinahahanda sa kanila na pagkain dahil kapag kumakain ako ay kasabay ko sila. Pero kahit ganon ay malamig pa rin ang pakikitungo ko.

"Hindi ba anak ngayon ang umpisa ng klase mo sa inyong school?" sabi ni Manang Rolita.

"Opo, Manang" maikli kong sabi. Umupo na ako sa upuan at tahimik na kumain.

Pagkatapos ko kumain ay nagpunta agad ako sa taas para magbihis ng uniform ko. Pagkababa ko ay pumunta ka agad ako sa garahe, nasilayan ng aking mga mata ang mga sasakyan na nakaparada isa isa rito. Marami akong mga collection na mga sasakyan mapa sports car at motor pa man.

Sumakay agad ako sa paborito kong Ducati at pinaharurot ko agad ito papunta sa school.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taming My Broken SoulWhere stories live. Discover now