Part 9

4.3K 31 1
                                    

Alas sais na ng umaga ngunit mahimbing parin kaming natutulog ni kuya Adrian. Yakap-yakap ko siya habang nakapatong naman ang aking ulo sa kanyang dibdib, samantalang siya naman ay mahimbing rin na natutulog habang nakapatong ang ulo sa kanyang kamay.
Hubo't hubad kami pareho, at tanging kumot lang ang nagtatakip sa aming hubad na katawan.

"Adrian?" Boses ni aling Lorna ang narinig ko na nananawagan sa labas ng aming gate. Si aling Lorna ang aming kapitbahay at isa sa mga kumare ni mama.

"Adrian, si aling Lorna ito. Invitation ito sa simbahan." Dugtong niya.

Sobra akong puyat kaya't hinayaan ko nalang ang ingay na naririnig.

Sa di inaasahan ay biglang pumasok si aling Lorna sa loob ng bahay at inakyat kami sa kwarto. Kumatok siya sa pinto, ngunit nanatili parin kaming tulog. Pagbukas niya ng kwarto ay agad siyang nabigla sa nakita.

"Jusko Maria! Adrian!!!" Malakas na sigaw ni aling Lorna nang makita kaming dalawa sa kama.

Agad na nagising si kuya Adrian at nataranta. Gulat na gulat siya at agad na nagsuot ng boxers sa loob ng kumot.

"Aling Lorna! Magpapaliwanag ako!" Natatarantang sabi ni kuya Adrian habang bumabangon sa kama.

Agad niyang tinungo si aling Lorna sa labas ng pinto.

"Aling Lorna, alam kong mahirap paniwalaan pero.."

"Wala ka ng dapat ipaliwanag Adrian!" Sigaw ni aling Lorna sabay hampas sa kanyang braso.

"Bata ka! Alam ba toh ng tiyahin mo?! Na nagdadala ka ng babae dito sa pamamahay niya! Humanda kang bata ka, isusumbong talaga kita sa tita mo!"

"Hindi po ako nagdadala ng babae! Bisita po siya dito!" Natatarantang paliwanag ni kuya Adrian.

"Bisita? Katabi mo sa kama nang nakahubad? At ano yang panty na nakasabit sa leeg mo?" Sabay turo niya sa T-back panty na nakasuot sa leeg ni kuya Adrian.

Agad na napayuko sa panty si kuya Adrian at agad itong tinanggal sa kanyang leeg.

"Alam mo buti nalang hindi naka-lock ang gate at bahay eh, kundi hindi kita mabibisto sa kalokohan mo. Akala ko pa naman mabait kang bata! Anong palusot ang sasabihin mo?!" Nagagalit niyang tanong.

"Aling Lorna, mahirap ipaliwanag, pero mali po ang ibinibintang niyo sakin. Na-lock lang po kami sa loob ng kwarto, at di po namin sinasadya ang nangyare." Pagpapaliwanag ni kuya Adrian.

"Hindi sapat na rason yan Adrian! Pag eto malaman ng tita mo, magagalit talaga yon!"

"Ipapaliwanag ko po lahat sa kanya. Pero please.. hayaan niyo nalang po na ako nalang mag kwento at magpaliwanag sa kanya." Pakikiusap ni kuya Adrian.

"O sige, hindi kita isusumbong, pero gusto ko ikaw kusang aamin sa tiyahin mo! Pag talaga di mo inamin lahat, ako mismo magkekwento sa kanya lahat ng nakita ko." Pagbabanta ni aling Lorna habang dinuduro si kuya Adrian.

"O sha alis na'ko! Simula ngayon di na kita aabutan ng imbitasyon, nakaka-dissapoint kang bata ka." Sabay niyang nilisan ang paligid.

Naiwan akong nakaupo sa kama, habang yakap ang kumot. Bumalik sa loob ng kwarto si kuya Adrian at napaupo sa kama, napayuko nalang siya at ipinatong ang kanyang noo sa kanyang magkabilang palad.

"Kuya Adrian, sorry talaga." Mahinahon kong sabi.

"Rose, pwede ba wag mo muna ako kausapin." Tila parang nagagalit niyang sabi.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa ng mahabang minuto.

Maya-maya ay muli na siyang tumayo, nagsuot siya ng T shirt at nilisan ang kwarto.

Nang Maging Babae ang BadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon