#12

154 16 1
                                    

Chapter XII

Mugto ang mata ko kinaumagahan at kinakailangan ko pang mag lagay ng concealer at kaunting make up upang takpan ang kalbaryong napagdaanan ko kagabi.



Ramdam ko ang pagsulyap sulyap ni Bree saakin habang nag-aayos kami ng sarili ngunit nagkukunwari akong hindi ko iyon napapansin. Pagkatapos kong ayusin ang dadalhin sa mismong venue ng counselling ay nagpauna na akong lumabas. Saglit rin akong nagpaalam kay Bree na mga bata ang nakaatang sa kanila.



The counselling was held in the court. Naayos na ito pagkadating namin at nahahati ito sa tatlong kategorya. Ito ay ang pang bata, pang teenager at pang matanda. Dalawa kaming nurse na naroon sa section ng mga matatanda dahil sila ang kailangan icheck ang vitals bago sumailalim sa counselling.




Pansin ng isang sulok ng aking mata ang anino ni Ace mula sa malayo na nakatanaw sa mga tao. Nag-iwas ako ng tingin nang lumapat ang titig niya sa akin. Nagkunwari akong abala sa pagchecheck ng kung ano at pagbabasa upang makita niya na ayos lang ako. Na hindi ako apektado sa nangyari kagabi.




Mabigat parin ang loob ko ngunit kailangan kong bumangon dahil may nag-aantay sa aking trabaho. Ayokong sayangin ang sakripisyo ko para lang masira dahil sa kanya. Ayokong maging pabigat ako sa kanya ganon din siya sa akin.




Nagsimula ang counselling. Nakabantay ako sa pwesto kung nasaan si Aries. Makikita sa kanyang bawat galaw ang dedikasyon niya sa kanyang napiling larangan. Iba't ibang kwento ang ibinahagi ng mga nagpakonsulta rito ngunit ang sa sumusunod ay kakaiba.



Tulak ng binatilyo ang kanyang lola na naroon sa wheelchair at nakatulala lang. Saglit akong natulala rito bago ko icheck ang vitals niya.


Tila naagaw ko ang kanyang pansin nang tumingin siya sa akin habang ako ay abala sa pagkuha ng heart beat niya. Natigilan ako ng hawakan niya ang aking braso. Marahan akong ngumiti sa kanya at umayos ng tayo.



"How old is she?" Seryosong tanong ni Aries sa binatilyo. "Ang aking lola po ay limampu't siyam na taong gulang na sir," magalang na tugon ng binatilyo.



"What's wrong with her?"


Marahan niyang tinignan ang matanda na ngayon ay tulala naman sa akin. Naiilang man ngunit sinalubong ko ang kanyang mga tingin at hindi nag-abalang mag-iwas.



"Nitong mga nakaraang linggo po kasi ay lagi nalang siyang tulala at may pangalan na paulit ulit siyang sinasabi," nakangiti ang matanda sa akin ngunit ang atensyon ko ay nasa sinasabi ng binatilyo.



"Palagi niya pong bukambibig ang pangalang Alejo." Nagliwanag ang mukha ng matanda ng marinig niya ang pangalang 'alejo'



"Anong pangalan mo Lola?" Pagkausap ni Aries sa kanya.



"Laya," Sagot niya.



"Kilala niyo po ba kung sino si Alejo?"


Natatawa ako everytime na magtatagalog si Aries kasi napaka trying hard. Muling ngumiti ang matanda ngunit nagkukubli sa kanyang mga mata ang lungkot at pangungulila.



"Kilalang kilala."



Nagpumilit siyang tumayo kaya naalerto ako at dali daling inalalayan siya. Muli niya akong tinignan ngunit sa pagkakataong ito ay may bahid ng sakit sa kanyang kulay abo na mga mata.



"Siya ang una kong pag-ibig. Isa siyang bakasyonista rito noong dalawampu't dalawang  taon pa lang ako habang siya ay dalawampu't tatlo. Makisig, mabait, matalino at higit sa lahat ay isang lalaking may malaking respeto sa mga kababaihan."


Heal You, General (Sullivan Boiz Series #1) (Under Revision/Editing)Where stories live. Discover now