Hi! Alam kong walang nagbabasa neto pero keri lang. Basta...
--
[Monday Morning at school]
"Taehyung... ah..." may babaeng humarang sa daan ko. Ang aga aga ah.
"Yes miss?"
"E-eto chocolates. Ginawa ko para sayo." Tsaka niya inabot yung tsokoleyt niya.
"Thanks. Kakain ko 'to" then I flashed my no-amount-of-money-can-buy-smile. Edi ayon, nagblush sya at kinilig. Hehe. Sabi ko sa inyo eh.
Nang makarating ako sa room, nandon na ang BTS. Parang may pagpupulong sila don sa may pwesto ko.
"Yo, swaeg. Ya late~" ang aga aga si Yoongi hyung... wag na nga.
"Kelan pa naging late ang guwapong tulad ko." Then I shooed them away from my throne. Siyempre upuan at mesa ko lang yung tinutukoy ko.
"So what happened last Saturday?"
"Namjoon hyung, what do you mean by last Saturday?" Tanong ko. Hindi kasi ayusin yung tanong.
"C'mon man, tell us the whole story. Yung tungkol sa lalaking naka itim."
Ah. Yung pwede nang gawing suspense movie moment namin nila Hoseok hyung at Jimin.
Kinuwento ko sa kanila kung ano yung nangyari. Hindi pa nga sila makapaniwala nung una pero since kasama ko yung dalawang duwag eh naniwala na sila.
"Kala ko kwento lang galing sa anime eh." Sabi ni Jungkook habang ngumunguya ng bubble gum. "Sayang hyung, hindi ka nakagat."
Aba't!
"Whatever. Pero ang ipinagtataka ko ay, kung pano nalaman nung babae yung bahay ko."
"Baka stalker mo?" Sabi ni Namjoon hyung.
"Hindi naman siguro. Teka, nasan si Jin hyung?"
"Wala siya. Pumunta siya dito kanina. Nagpaalam sa teachers natin na mawawala siya for one month." Sabi ni Namjoon.
Pwede ba 'yon? One month mawawala yung estudyante? Guwapo kasi kaya napapapayag kahit teachers. Kahit siguro Principal papayag eh.
"Pero hindi niya sinabi kung bakit." Dugtong niya pa.
"Kriiiiiiiing~!" Nag ring na yung bell. Start na ng klase.
Pumasok na si Ms. Yamamoto. Sa lahat ng teacher namin siya ang paborito ko. Kase half Japanese siya. Hehe.
"Good Morning." Bati niya.
"Good Morning ma'am" bati naming lahat.
"Okay maupo na kayo. Before we start the class, I want to introduce you to your new classmates. Please come in." Sabay pasok ng dalawang estudyanteng babae. Ang cute--aray ang ingay ng mga lalaki dito. Pssh. Cute kase yung dalawang bagong dating.
"Good morning. My name is Ahn Yaerin. Let's be good to each other." Maiksing pagpapakilala nung unang babae. Ahn Yaerin. Hmm... humakbang na yong pangalawa.
"Hi! My name is Akira Yuriko. Friends kame ni Yaerin. Nice to meet you guys~" nakangiting bati nung pangalawa. Mas energetic siya kumpara dun sa isa.
"Okay girls, you may take your seats. Ms. Ahn, please seat behind Mr. Kim Taehyung." Nag angat ako ng kamay para makita niya ko. "Ms. Akira seat beside Mr. Park Jimin."
Mas prefer ko yun si Yuriko aside sa Japanese sya pero kase mas aktong tao siya kumpara kay Yaerin. Pero cute kasi siya kaya okay na rin.
As usual, walang nagbago. Daily routine lang din sa school yung nangyari ngayon. I tried to talk to Yaerin pero hindi daw siya basta basta nakikipag usap sa hindi niya kilala sabi ni Yuriko. Edi sige.
Break time. Nasa canteen kame non. Kumakain siyempre. Kasama namin yung babaeng nililigawan ni Jungkook. Shisus. Wala bang ibang la mesa at dito pa sila nagdedate? Hindi ako makakain ng maayos.
Hindi sa bitter ako or anything ah. NGSB ako eh. No Girlfriend since birth. Kahit maraming may gusto sakin jan. Hindi ko naman sila gusto eh. Tsaka bata pa ko. 17 lang kaya ako.
Pinilit ko nalang kumain kahit sukang suka na ko sa kasweetan nung babae kay Jungkook. Naguusap kami ni Hoseok hyung nang may nahagip yung mata ko sa may puno sa labas.
Nandun yung lalaki kahapon. Nginitian niya ko. Kinilabutan ako. Unti unti siyang lumalapit, pero hindi gumagalaw yung mga paa niya. Pano niya nagagawa yon? Palapit siya nang palapit hanggang sa makalapit siya sa glass wall ng canteen. Napakurap ako. Nawala na siya.
"Hey man, you okay?" Tanong ni Hoseok.
"Okay lang ako." Kahit hindi naman talaga. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba sa dibdib.
"Don't look at his eyes." Narinig kong sabi ni Yaerin. Lumapit samin si Yuriko.
"Please Taehyung. Wag kang uuwi ng magisa o magpapagabi sa labas. Make sure that you're with someone every day." May pagaalala sa mata niya. Bakit ba? Ano bang meron sakin?
"Yuri, stop. He'll know it someday. But not now. Hindi pa siya ready, pati yung mga kaibigan niya." Sabi ni Yaerin.
"Teka, what's wrong with Taehyung ba?" Tanong nung nililigawan ni Jungkook. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko alam yung pangalan niya, ayoko lang alamin.
Tumayo si Yaerin at lumapit sa kanya, "Sino ka ba?" Masama yung tingin sa kanya ni Yaerin. Uh oh. "Ano ka ba ni Taehyung? Wala kang karapatang alamin kung ano o sino siya dahil--"
"Kase nililigawan ka palang ni Jungkook." Biglang singit ni Yuriko. "Uh... oo tama. Pasensiya na ha." Hinatak niya palabas ng canteen si Yaerin.
BINABASA MO ANG
The Last Prince
FanfictionTaehyung is a normal High School boy who likes anime. Mula pa noong bata siya ay mahilig na siyang manood ng anime. Until one day, his life changed. Paano kung naging kwento ng anime ang buhay nya?