CHAPTER 52

20.6K 229 5
                                    

Chapter 52:Lervin's madness

KAMI na lamang ang natira nina Lervin at Athena sa loob ng pribado kong silid na kinuha nila.

Dito ako natulog sa mahaba-habang panahon at umabot nang two years.

Natutuwa ako dahil may Athena na kami. Biro pa ng iba naming kasama kanina ay isang bubuwit lang daw pala ang magpapa-gising sa akin.

Si Athena lang daw pala ang gamot ko para magising na ako sa malalim kong pagkatulog.

Tuwang-tuwa naman ang bata dahil parang Diyos daw siya at nagawa niya raw akong gisingin.

Hindi ko rin maiwasang hindi masaktan noong kinuwento sa akin ni Lervin na una niyang makita si Athena sa labas ng flower shop na umiiyak.

Kulang daw ang peya niya at hindi niya nabilhan ang mama niya ng flowey. Birthday pa naman daw noon ng mama niya.

Minsan, hindi siya bulol sa letter R.

I shooked my head again nang maramdaman ko ang mga mata ng asawa kong titig na titig sa akin.

"Huwag mo na akong iyakan, hindi naman ako namatay," ani ko at heto na naman ang yakap niya.

"I prayed for God for how many times, that can he extend your life? Can he extend your years to live and be with me forever? Can he give us a chance to live forever? Can he give us a fairytale love story? That there's happily ever after?" sabi niya sa mahinang boses.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila maiiyak ako sa sinabi niya. Hay, Lervin babe. Hindi mo talaga ako binigo because until now, my heart is beating for you, still.

"Because God knows, I died for everything happened to you. I died when your friends told me that you have sick. I died when I was seeing you walking like that, nahihirapan. I died when I realized, I'm in love with you but I hurt you. I died when you're slowly dying, baby. Kaya, pagbiyan niya sana ako na makasama ka pa nang mas matagal," mahabang sabi niya at sinabayan pa ng luha.

"And he did," nakangiting sabi ko at tumango siya.

"I love you, baby. I love you, wife," malambing niyang sambit at hinalikan ako sa labi. Smack lang iyon dahil bawal, kasi may Athena kami rito. Haha.

"Hmm... Let me see, kung mahal pa kita," sabi ko at nawala iyong ngiti niya.

"What the fvck, baby?!" mura niya at sinamaan ko siya nang tingin saka ko nginuso si Athena.

"Y-You can't..."

"Nah, nagbabago ang feelings ng tao lalo pa kung natulog siya sa maraming panahon," sabi ko at umawang ang mga labi niya na mabilis ko ring sinara.

"Hay, mag crush pa naman ako at nakasama ko siya sa panaginip ko kaya ayokong magising dahil nandoon siya."

"What the fvcking fvck!"

***

TATLONG araw na ang nakalipas since nagising ako at hayon nga. Madalas akong dalawin ng mga kaibigan ko at kaibigan ng asawa ko. Si Athena ay bihira na lang nakakapunta dahil pinag-aral na siya ng Lervin babe ko. Day care pa! Five years pa kasi kaya pala bulol-bulol kung magsalita. Pero cute naman.

Mag-isa lang ako sa kuwarto ko dahil lumabas si Lervin at nagpabili ako ng makakain. Hanggang ngayon ay gutom pa rin kasi ako! Grabe, feeling ko tataba ako.

Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong bumukas ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

"Shin! Oh my, God!"

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon