TULA
“KARANASAN NG AKING PAMILYA SA BAGYONG ODETTE”Sa radyo ko lamang nadinig ang isang masamang balita
Panibagong bagyo na naman ang papasok sa bansa
Bagyong Odette daw ang pangalan
Ito'y hindi isang bagyong pangkaraniwan.Kami ng aking pamilya'y naghahanda sa paparating na bagyo
Hawak kamay at sama-sama kami ng pamilya sa araw na ito
Nababahala man sa mangyayari,
Walang iwanan kahit anong mangyari.Ang bagyong ito'y bangungot ng bawat pamilya
Hindi ka papatulugin, siguridad ng pamilya ang unahin
Mga tao'y nagdadasal at nagmamakaawa sa may kapal
Na bagyo'y pahintuin at ito'y parang bulang aalis.Pagdating ng umaga
Malakas na bagyo'y nawala na
Tirahan ng mga kapitbahay ay nasira
Kami'y lubos na nagpapasalamat na walang napinsala.
BINABASA MO ANG
KARANASAN NG AKING PAMILYA SA BAGYONG ODETTE
PoesíaIto ay tula tungkol sa naranasan ng aking pamilya sa bagyong odette. Bagyong Odette- December 16, 2021