Chapter 30: Hayop
“Maghanda kayo. Nasa taas na ang mga tauhan ng Pacific Lab at ng Team Spider.” Saad ng Intsik na kanina’y kausap nila.
Hinigit ni Myrna si Martin. Hindi na niya nauunawaan ang nangyayari. “Tanungin mo na ‘yang si Yang para maliwanagan na tayo. Pinaghahanda nung isa ang mga kasama niya. Hindi mo ba napansin may mga hawak silang mga patalim. Meron ding may hawak na baril. Kung anuman ang plano nila ay tila may masama silang balak laban sa Pacific Lab at sa Team Spider. Kahit na may mga armas sila ay hindi nila kilala ang Team Spider at ang lider ng mga ‘to na si Cutie. Tanungin mo na siya para makaalis na tayo rito. At baka pwede rin natin silang makumbinse na umalis na rin.”
“Oo heto na.” binaling nito ang atensyon kay Yang. “Yang ano bang meron?”
“Hindi ba’t naikwento ko sa inyo ni Linda na mayroong nagpunta ritong mga myembro ng Pacific Lab Wuhan isang taon na ang nakakaraan. Bumibili sila ng mga hayop na may sakit. Nang magsimula ang pandemya ay hindi na nila ito binibili. Sapilitan na nilang kinukuha ang aming mga hayop. Kinukuha nila ang aming mga pinagkakakitaan. Wala silang awa. Ang malala pa isang buwan na ang nakalipas ay nagdala pa sila ng taong infected. Tapos walang pinagkaitan nila ng desire ang taong ‘yun kaya naman nagwala rito. Ipinagtanggol kami ni Wong. Siya ‘yung nakita niyong patay sa itaas dahil sa desire niya musika. Nahawa siya ‘nung dinalang infected dito. Kinuha nila ang pagkakataong nag-set up ng speakers si Wong para sa desire niya. Nai-stress ang mga hayop sa labis na ingay. Nagkakasakit. Lumayo muna sila para makaiwas sa ingay. Hindi lang mga hayop ang mai-stress sa ingay na ‘yun. Pati mga tao.” Paliwanag ni Yang.
“Umaano pa kayo rito? Bakit may mga dala kayong mga sandata?” sumunod na tanong ni Martin.
“Maghihiganti kami dahil sa ginawa nila kay Wong. Habang nagpapatuloy ang tugtog ay mabilis kaming umisip ng plano. Nag-suot kami ng mga soundproof headset.” Tinuro nito ang nakasabit na malaking headset sa leeg. “Kinuha na namin ang aming mga hayop. Inilayo rito sa wet market.”
“’Yun naman pala eh. Bakit hindi pa kayo umalis?” sumabad na siya sa usapan ng dalawa.
“Hindi pa tapos ang paghihiganti namin sa kanila. Buhay ang inutang. Buhay din ang kabayaran. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin.” Buong galit at pursigidong tugon ng Intsik.
“Martin umalis na tayo rito.” Anyaya niya sa kasama. “Sa tingin ko ay alam ko na kung bakit nila kinukuha ang mga hayop na may sakit. Ginagamit nila sa kanilang pag-aaral para sa bakuna. May ideya sila na ang mga may sakit na infected ang solusyon sa pandemyang ito. Kung pinakalat ng Pacific Lab ang virus sa tulong ng Team Spider ay iba ang purpose ng bakunang ginagawa nila. Malamang ay para sa pansariling kapakanan nila. Umalis na tayo upang hindi tayo madalamay sa balak nila. Malakas ang Team Spider lalo na ang leader nilang si Cutie. Wala silang laban. Kahit meron pa silang mga sandata ay walang magagawa ‘yan kung hindi naman sila sanay sa paggamit ng mga ‘yan.”
“Hindi muna ako aalis. Tutulungan ko sila. ‘Yung mga tao sa itaas ang dahilan kung bakit tayo nagkapandemya ngayon. Dapat silang magbayad. Tama sila Yang sa paniniwala ng mga Chinese na mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Kitang-kita niya ang panlilisik ng mga mata nito. Pursigido itong tumulong.
Nakuha niya ang punto ng mga ito. Gayunpaman ay nangangamba siya na baka mapahamak lang ang mga ‘to. Naisip niyang si Yang nalang ang kumbinsihin. “Isa akong scientist. Narito kami ng mga kasamahan ko upang alamin ang lahat ng tungkol sa virus. Gagawa rin kami ng paraan upang makabuo ng bakuna para sa Desire V-30. Pinapangako ko. Huling kamatayan na sa grupo ninyo ang kinahinatnan ni Wong. Umalis na tayo rito. Umalis na kayo. Wag niyong hayaang may mamatay na naman sa inyo dahil sa pakikipaglaban sa kanila.” Hinawakan niya ang mga kamay ni Yang.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...