|3|>Lymes

8 3 0
                                    

"Ano!?Bakit hindi ka makakapunta?" Dismayadong tanong sa'kin ni Sandy mula sa kabilang linya.

"Sorry na." Ngumuso pa ako kahit na alam ko namang hindi niya ako nakikita

"Ano ba'yan. Hindi na nga makakarating si Azie at Blake pati ba naman ikaw?"

Napakunot ang aking  noo sa sinabi niya. "Bakit? May pinuntahan ba sila?" Takang tanong ko.

Sila kasing dalawa 'yung nag-aaya sa'amin kahapon na mamasyal ngayon at pupunta sa coffeeshop para mag-research para sa mga activities namin at research.

"A-ahh...ano...wala. Sge,sge. Ako nalang mag-isa pupunta." Kaagad niyang pinutol ang tawag na para bang may iniiwasan.

Pinabayaan ko nalang iyon at ibinalik sa aking bag ang cellphone ko. Napatingin ako sa oras,ilang minuto na siyang late. Kanina ko pa kasi hinihintay di'to sa plaza si Emmanuel dahil gusto niyang makipagkita sa'akin. Pumayag ako kagabi nang nag-text siya dahil mukhang problemado siyang tao at sa palagay ko'y mabait naman siya kahit hindi ko pa siya lubusang kilala. Kakakita 'nga lang namin kahapon pero malakas ang pakiramdam ko na mabait siya.  Tsaka mukhang siya 'yung taong kailangan ng makakasama.

Hindi naman siguro masamang magtiwala sa pakiramdam.

Ilang sandali pa akong nag-antay hanggang sa may makita akong palapit sa pwesto ko. Mabilis ko siyang nakilala dahil sa naka facemask na naman siyang black at malakas ang hakot ng kanyang awra.

Nang makalapit siya ay amoy na amoy ko iyong panglalaking pabango niya.

"Late ka," puna ko. Naramdaman ko kaagad na parang bumigat ang atmosphere sa paligid nang umupo siya sa tabi ko. "Bakit gusto mo akong makita? Miss mo'ko?" pagbibiro ko kaya napatingin siya sa'akin na para bang may sinabi akong masama sa kanya.

"Wag kang assuming." Walang emosyon na sabi at  nag-iwas ng tingin. Para akong nainsulto sa sinabi niya kaya napatayo ako. "Oh,san ka pupunta?" Pigil niya.

"Aalis na." Humarap ako sa kanya. "Ang sungit sungit mo naman!" reklamo ko. Nakabusangot pa.

Siya na nga itong gustong makipagkita tapos siya pa ang masungit.

Bumuntong-hininga siya at tumayo. Napatingala ako ng bahagya sa kanya dahil sa tangkad niya.

"Sorry. Pagod lang ako." Nag-iwas ulit siya ng tingin. "Gusto kitang makita kasi nakalagay sa note na....if I need someone to talk...y-your free to listen." Nahihirapang sabi niya.

Napangiti ako nang may maalala. May nakalagay palang ganun sa note na iniwan ko. Akala ko kasi tinanggal ko rin iyon. 'Yun kasi 'yung una kong inilagay sa note kaso naisip ko na baka isipin niya na sobrang feeling close ako sa kanya at Isa pa hindi naman niya ako kakilala.

"So....may problema ka nga?" Tumango siya. "Sge Tara!" Aya ko sa kanya at nauna nang naglakad paalis.

"Wait saan tayo pupunta?" tanong niya mula sa likod ko. Sumusunod siya.

"Basta. May sasakyan kaba?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.

"Oo." Maikling sagot niya at pinantayan ako sa paglalakad. Kaswal niyang inilagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.

Nakarating kami sa parking at huminto kami sa shinning simmering na  sobrang tinted na sasakyan na parang  sasakyan ng mga artista.

Pumasok kami sa loob,sa harap si Emmanuel katabi ang driver at sa likod naman ay ako.Kaagad na napatingin sa rearview mirror iyong driver pangka-upo ko sa backseat. "San po tayo sir?" tanong niya.

Tumingin sa.akin si Emmanuel gamit ang nagtatanong na mata kaya ako na ang sumagot.

"Ituturo ko po ang daan." Ngumiti ako sa kanya. Tumango naman siya at pinaandar na ang sasakyan.

Closer to you (Passion series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon